Chapter 9

8 2 0
                                    

"Finish or not finish past your Test Paper. Ipapaskil ko nalang dito mamaya ang mga scores niyo!" Umalis na siya at Kumain muna sa labas. Hindi pa natatapos yung ginagawang canteen ngayon. Kaya sa labas kami kumain. Kami lang ni Ykel ngayon ang magkasama kasi mag aaral daw ngayon si Trisha at Kyle.

"Mahal? Ano gusto mo kainin?" Tanong ni Ykel sa akin.

"Ahm. Gusto ko sana ng adobong manok w/rice"

"Sige. Gusto ko rin noon" nagtungo kami sa isang karinderya kasi dun daw may pinakamasarap na adobo. "Mahal? Nasagutan mo na ba ang maayos ang test kanina?"

"Oo. Easy lang yun."

"Talaga lang ah. Tsk tsk!" Napataas ang kilay ko at napatawa nalang siya.

"Siguraduhin mo ha" tugon ko. Napatango tango nalang siya.








"Dad? Kailan ka ba hindi busy ?" Mahinahon kong sabi.

"Athena, wag muna ngayon" tugon ni Daddy

"Egh kailan? Kailan kayo hindi busy ha ?"

"Ano ba Athena ! Hindi ka ba makaintindi ?"

"Pasensya na po ha, hindi na kasi kita kilala! Puro ka work Dad! Busy ngayon ! Busy Bukas ! Kailan mo ako bibigyan ng time!" Bigla niya ako ng sinampal dahilan para matumba ako sa sahig.

"Ay. Sir Arnaldo tama na po. Nasasaktan na siya" tugon ni Mama Bely at tinulungan niya akong makatayo. Bumuhos na yung mga luha ko dahil sa hapdi at hinanakit sa puso ko.

"Tama naman diba? Egh Hindi mo nga ako magawang bantayan ng matagal nung nasa hospital ako, Hindi ka rin uma attend ng meeting ko sa school. Sa tuwing aakyat ako ng stage ay inaakala kong nasa likod kita para magsabit ng medal! Pero wala ka!"

"Ginagawa ko ito para sumaya ka ! Para rin sayo to anak!"

"Hindi tayo ganito noon Dad. Masaya tayo kahit walang pera, masaya tayo sa simpleng Bagay. Pero isa nalang yung ala ala" dumiretso na ako sa kwarto ko. Tinawag pa ako ni Dad pero hindi na ako lumingon pa.

Nandito ako sa kama ko ngayon. Bumubuhos ang aking mga luha, inaalala ang mga masasayang nangyari na Hindi na muling maibabalik pa.

*Tumatawag si Ykel*

"Hello Mahal, bakit ka napatawag?"

"Ah. Wala lang. Namimiss lang kita"

"K-kamusta ka n-man?, K-kumain ka na ba?"

"Oo. Mahal. Teka! Umiiyak ka ba ?"

"Ha? Hindi. Sipon lang to"

"Okay. Sige. Basta pag may problema ka, sabihin mo ha ?"

"Sige. Bye. Iloveyou"

"Iloveyou too"

Nag End Call na ako. Bakas parin sa aking mga mata ang lungkot at sakit. "Anak, pinaghanda kita ng gatas" tugon ni Mama Bely. Hindi ko pala nakandado ang Pinto. "Salamat po Mama Bely, lapag niyo nalang po diyan sa table . Maya ko nalang po iinumin. Gusto ko muna mapag isa" niyakap niya muna ako bago umalis.

Kinandado ko na ang pinto at binuksan ko ang ilaw. "Nasaan nga pala yung Camera ko. Saan ko nga ba tinago yun" hinanap ko kung saan pero Hindi ko mahanap at naalala kong sa ilalim pala ng kama ko yun nilagay.

Buti nalang hindi lowbat kaya nagamit ko pa. Nandito lahat ng memories namin noon ni Dad at Mom. Dito nalang talaga kami masaya. Nandito yung araw ng kaarawan ko na ang saya saya naming nagtatawanan at buhat buhat pa ako noon ni Dad habang hinihipan ko yung Candle. Nandito rin yung unang punta namin sa Carnaval. Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Imissyou Mom... Imissyou Dad"

My Gay Bessy is my Future Bebe ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon