"Nurse, Doc yung Bessy ko po sunasakit na naman ang ulo" sigaw ni Kyle. Dali dali nmn pumunta ang doctor papalapit sa akin.
"Kailangan na natin tanggalin Yang tumor diyan sa ulo mo. Nurse, Maghanda" tinurukan na nila ako ng anestesia para hindi ko maramdaman ang sakit.
Nagising nalang akong may benda na sa ulo ko . Umayos na yung pakiramdam ko. "Athena, Successful ang operation mo. Pero kailangan mo pa ding magpa chemo theraphy para maiwasan natin ang pagtubo muli ng bagong tumor" tugon ni Doc. Manuel. Tumango nlng ako at umalis na siya. Hinanap ko si Dad pero ni anino niya hindi ko nakita. Si Trisha muna ngayon ang magbabantay sa akin dito sa hospital kasi kahit na binigyan na kami ng module egh kailangan parin niya pumasok para lalo niyang maintindihan ang lessons.
"Athena? Ayos na ba ang pakiramdam mo ?" Tugon ni Trisha.
"Ah. Oo. Maayos na. Salamat sa pagbabantay at pag alaga." Tugon ko nmn.
"Walang anuman. Okay lang yun samin."
Kinabukasan pinayagan na kami ng doctor makalabas pero bawal pa daw muna pumasok sa school. Martes ngayon, kaya sa huwebes pa ako makakabalik sa school. "Hayss. Ang boring dito. Walang makausap" suot ko ngayon yung salamin na anti-radiation para hindi sumakit ulo ko.
Kring* kring*
Hello? Ykel? Bakit ka napatawag? -ako
Gusto lang kita kamustahin- Ykel
Ah. Okay. Ayos lang nmn ako. Natanggal na yung tumor sa ulo ko -ako
Gusto mo pumunta ako diyan ? Baka kasi wala kang kausap? Wala naman kaming klase ngayon egh. Pwede lang ba ? -Ykel
Oo naman. Kung hindi ka maabala-ako
Sige. Papunta na ako -ykel
Sige. Ingat. -ako
Nilapag ko na yung phone ko sa maliit na lamesa na pinaglalagyan ng lamp, flower vase, etc.
"Anak. May bisita ka. Ykel daw ang pangalan. Papapasukin ko ba ? Nasa Gate siya ngayon" Tugon ni Mama Bely. "Sige po Mama Bely. Paupuin niyo nalang po sa sofa at ipaghanda mo ng pagkain. Magbibihis lang po ako." Tugon ko naman. Napatango nalang si Mama Bely at nagtungo na sa labas para papasukin si Ykel.
Bumaba na ako ng hagdan at nagtungo sa sofa kung saan nandoon si Ykel. Kinakabahan ako ngayon, kasi ngayon ko lang ulit makikita si Ykel. Pagkita niya sa akin, agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng isang white rose na parang pinitas lang kung saan.
"Thankyou sa Flower, nag abala ka pa." Umupo na kami sa sofa at nilapag ko yung white rose sa table. "Walang anuman, basta ikaw. Nagagalak akong makita kang muli" napakatalinhaga talaga ng lalakeng to pagdating sa babae. "Ako rin. Masaya akong nakita ulit kita. By the way, kamusta pag aaral mo? " huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Maayos lang naman." Napakunot naman yung noo ko. "Paanong maayos?" Tugon ko nmn.
"Simula Grade 7, Top 2 nlng palagi ako." Tugon niya
"Ah. Pagbutihin mo pa ang pag aaral mo"
"Paano yan ? Egh kaklase kita. Top 1 ka na ulit. Hahaha" napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya.
"Huh? Bakit hindi kita nakikita? Bakit hindi ka nagpaparamdam?"
"Ah eh- nahihiya ako egh, tsaka kasama mo kasi lagi ang bestfriend ko este ex bestfriend pala na si Kyle"
"Bakit? Anong nangyari sa inyo? Close naman kayo dati diba ?" Tugon ko
"Dati yun. Yaan muna, Past na yun! Wag na nating pag usapan" tugon namn niya.
BINABASA MO ANG
My Gay Bessy is my Future Bebe ?
Teen FictionPaano kung ang iyong Gayfriend ang iyong maging Boyfriend?