Chapter 8

1 2 0
                                    

Nakita ko si Trisha at Kyle sa isang lamesa at nakita kong umiinom si Kyle ng beer at pawisan siya ngayon. "Kyle? Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya pero tuloy parin siya sa pag inom. Hindi man lang niya ako pinansin. "Mahal, Tara muna dun. Papakilala kita sa mga kaibigan ko" umalis nalang kami ni Ykel papalayo sa kanila.

"Hey, Bro si Athena nga pala Girlfriend ko." Tugon ni Ykel habang naka akbay sa akin.

"Hm.. Hi?" Nakipagkamayan naman ako sa kanila at nginitian naman nila ako.

"Ang galing mo talaga pumili. Hahaha" tugon ng isang lalakeng maitim na mataba na kulot ang buhok.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanila.

"Ahh, Tara na Athena dun muna tayo. Wag tayo diyan sa mokong na iyan" sabat namn ni Ykel

"Mga bro ? Remember si Nicole nung Grade 8? Haha para silang kambal na hindi mapaghiwalay tapos parang mga engot sa Likod ng Cr. Dun pa naghahali--" di na natapos nung lalake yung sinasabi niya dahil bigla akong hinila ni Ykel papalayo sa kanila.

"May past pala kayo ni Nicole? Tsk! Bat di mo sinabi sa akin?"

"Ano ba Athena! Past na yun diba ! Ikaw na yung Mahal ko!" Niyakap nalang niya ako hinalikan sa pisnge. Pinatawad ko namn siya at ang mahalaga wala na siyang nararamdaman kay Nicole.

Nandito ako ngayon sa Bench na tambayan namin kasama si Kyle at Trisha. Wala ngayon si Ykel kasi emergency daw.

"Kyle? Sorry na" napalingon namn siya at bigla siyang napatawa. "Oo na Bessy, Haha di kita matitiis" napangiti naman ako ng todo sabay yakap sa kaniya. "Yiee, Bati na kami ni Bessy ko" nagtawanan nalang kami nina Trisha at Kyle.

"Athena? Bakit ang lungkot mo ngayon?" Tanong ni Kyle na katabi ko lamang. Nandito kami sa Room kasi maya maya lang ay dadating na si Sir Romobal. "Huh? Ah eh, wala. Okay lang ako"

"Sure?" Napatango nalang ako at nagbasa basa para malibang.

"Okay Class! Copy this on your notebook. Pag aralan niyo yan kasi may Quiz ako sa Monday. Naintindihan niyo?"

"Opo" ang galing niya magdiscuss ang galing niya magsalita sa unahan kaya naiintindihan ko ang mga pinagsasabi niya. Kaso bakit parati siyang galit? Dinudugo ba siya? Hahaha

Saturday ngayon, nag aaral ako para sa Math Quiz sa Monday. Easy lang naman iyan sa akin kaya naiintindihan ko.

"Anak? Nasa baba si Ykel. Papupuntahin ko ba dito sa kwarto mo?" Tugon ni Mama Bely

"Ahh. Bababa nalang po ako" tugon ko nmn .

"Sige, Oo nga pala, napakilala mo na ba siya sa Dad mo?"

"Hindi pa po, Wala naman siyang time sa akin egh. 4:30 na siya umaalis tapos uuwe siya 11:00 na. Hayss!"

"Pero anak, Mahal ka ng dad mo. Ginagawa niya ito para sayo"

"Hayss! Sana bumalik na yung dating Dad na nakilala ko" pinunasan namn ni Mama Bely ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata ko.

"Sorry kung nagtagal ako" napatayo siya at lumapit sa akin.

"Okay lang. Kamusta ka nmn? Gusto mo bang lumabas tayo?"

"Ah. Nag aaral ako egh. Pwede bang Bukas nalng?"

"Sige. Take your time. Balik nalang ako Bukas ha. Iloveyou" binigyan niya ako ng white rose at hinalikan sa pisnge.

"Sige, ingat ka. Iloveyou too"

Bumalik nalang ulit ako sa kwarto para mag aral. Kumakain ako ng bubble gum para maintindihan ko yung lecture ni Sir Romobal.

9:30 na ng gabi, di ako makatulog dahil siguro ininom kong kape. Hayss. "Hindi naman bakla noon si Kyle ah? Nakikita ko pa nga siya dati nagiging escort sa intramurals. Sabagay, lahat naman nagbabago" Maya maya lang di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Bessy? Nag aral ka ba?" Nakangiting tanong ni Kyle. "Oo naman, Excited na nga ako para bukas egh"

"Hahaha ako nga din egh, buti nalang bumisita ka. Nasan nga pala si Trisha? Bakit Hindi mo kasama?"

"Ahh, may pupuntahan daw sila ng Family nila egh"tugon ni Kyle

"Ah okay. Wala ka bang gagawin?" Tanong ko.

"Wala naman. Balak ko sanang yayain kang magdinner. Pwed--" Hindi na natapos ni Kyle yung sinasabi niya dahil biglang may nag doorbell sa labas.

"Wait lang Bessy ah, Tingnan ko lang kung sino to"
Paglabas ko, nakita ko si Ykel. Ay oo nga pala, May date kami.

"Ykel Pasok ka"

"Nandiyan ba si Mama Bely at Kuya Andoy?"

"Wala, namalengke sila. Bakit?"

"Ah wala naman. Tara dinner ?"

"Ahm. Sige, Pero.."

"Pero ano?"

"Isama nalang natin si Kyle. Pleasee" Hindi pa sana siya papayag pero nakumbinse ko naman siya kaya nagbihis ako agad. Sumama na rin si Kyle kahit napipilitan siya.

"Saan niyo ba gusto kumain?" Tanong ko.

"Jollibee" -Kyle
"Mcdo" -Ykel
Sabay pa sila sa pagsabi kaya napatawa ako.

"Saan ba talaga? Tska pambata lang yun egh"

"Ikaw na bahala!" Tugon ni Kyle .

"Sige, dun nlang tayo sa bagong bukas ba restaurant"

Tumango nalang silang dalawa.

Habang kumakain kami, naiilang ako kasi ang tahimik ni Ykel tapos ang ingay pa ni Kyle dahil sa kutsara at plato para siyang baliw.

"Mahal, may gusto ko pa bang kainin?" Tanong ni Ykel sa akin.

"Ahm, Gusto ko ng Float"

"Sige Bessy, Bili na kita" ani Kyle

"Hindi, ako na. Yun lang ba Mahal?" Napatango ako at para silang engot na nagtatalo.

"Hindi na! Ako na nga!"ani Kyle

"Ano bang kulit mo? Ako na nga lang sabi egh" tinulak niya si Kyle kaya napasandal to sa upuan.

"Tumigil nga kayo! Dito pa kayo mag eeskandalo! Bahala na kayo jan!" Umalis na ako at naiwan ko na sila. Pumara nalang ako ng Taxi para Hindi na nila ako maabutan.




"Oy. Mahal? Sorry na. Patawarin mo na ako sa inasal ko kahapon" pagmamakaawa ni Ykel.
Nandito kami ngayon sa hagdan papuntang second floor sa room namin. Napatigil ako saglit at hinarap siya. "Kung may galit kayo sa isa't isa, wag niyo na akong idamay. Hindi na kayo nahiya sa mga tao kahapon" hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko "Sorry na kasi, patawarin mo na ako" pinatawad ko na siya kasi mukhang siyang engot sa harapan ko egh. Niyakap niya nalang ako ng mahigpit at nagtatalon sa tuwa. "Tara na, may test pa tayo sa Math diba? Nag aral ka na ba?" Napatango nalang siya at hinila na niya ako. Kinikilig ako ngayon kasi magka holding hands while walking kami ngayon kaya napapatingin ang ibang estudyante. Nakita ko si Nicole na masama ang tingin sa akin. Inirapan ko nalang siya at tumuloy sa paglalakad. Syempre, di ako papa awat.

Maya maya lang ay dumating na si Sir Romobal. "Walang titingin sa likod, sa kanan, sa kaliwa at sa harap! Wala akong pakealam kung manakit ang leeg niyo ! Hindi naman akin yan ! Maliwanag?" Napatango nalang kami sa kaniya. "Okay Past your test paper backward. Tingnan kung magkaiba ang bawat pahina. Yan ay 1-65 lang namn. Kaya madali lang"

Napahinga ako ng malalim at nakita ko ang mga mukha ng mga kaklase ko. Natatawa ako kasi halos lumuwa na ang kanilang mata at sumabog ang kanilang utak. Puro ito Solving Problem. Kaya mas napapadali sa akin. Hays! Kaya ko to..

"50 mins. lang. Timer starts now"tugon ni Sir Romobal at nag umpisa na akong magsagot.

40mins. ko lang natapos yung Test kaya mag aantay pa ako ng 10mins. para magpasa. Napaka strict talaga ni Sir. Sarap niyang tirisin.

My Gay Bessy is my Future Bebe ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon