4th year na nga pala ako. Dito ako lumipat kasi di ko na kaya pumasok sa dati kong school. Buti nalang dito ako pumasok kasi nandito si Trisha at Kyle.
Sa di kalayuan nakita kong nakatambay pa si Kyle at Trisha sa Bench. "Kyle? Wala pa bang klase? Tska ikaw Trisha ? Baka malate ka ?" Nandito kami ngayon sa bench tumingin ako sa relo ko. 6:36 palang pala. "Ang aga pa Bess. Atat ka masyado. Gusto mo siguro makita si Sir Romobal. Hahaha" tugon ni Kyle. Napakunot naman yung noo ko at napatingin sa kanya ng #kasurakasapakinkitalook
"Charot lang bessy. Oo nga bessy? Dumating ba yung manliligaw mo kagabi?" Dagdag niya pa.
"Hindi nga egh. Isusumpa ko siya"
"Huh? Grabe ka nmn Bessy. Mangkukulam lang ang peg? Hahaha"
"Joke lang. Hindi ko kayang gawin yung mga Abra Kadabra na yan" tugon ko
"Siraulo ka ba bess. Pang Magic lang yun. Dapat ay Mekeni mekeni dug dug doremi dug dug doremi" tugon nmn ni Trisha.
"Dami niyo alam. Ganito kasi yun. Wahahahaha wahaha Isusumpa kita Wahaha--" hindi na natapos ni Kyle yung malahalimaw niyang tawa dahil bigla siyang pinatahimik ni Ma'am Seveste
"Hoy! Mr. Rosales. Ang ingay mo" medyo may katandaan na si Ma'am Seveste. Siguro nasa 51 na siya. Isa siya sa pinakamatapang dito sa Cerulean. "Sorry po Ma'am Seveste" pagkaalis ni Ma'am Seveste nilabas na namin yung kanina pa namin pinipigilang pagtawa. "Wahahahaha sinong mangkukulam ngayon?" Wika ni Trisha
"Hahahaha Che! Sige na pasok na tayo sa Room baka malate na tayo" dagdag naman ni Kyle
Maya maya lang dumating na si Ma'am Rodosa. Mukhang dalaga pa siya, nasa edad 26 palang si Ma'am. Mahaba ang buhok, makinis at maputi ang balat, pinkish ang labi, at sexy.
"Okay Class! Kilala niyo naman siguro ako kasi nababalitaan niyo lang sa tabi tabi ang pangalan ko" panimula ni Ma'am Rodosa.
"Ma'am paano po yung Transferee ? Hindi pa po kayo nakikilala Ma'am" wika nung lalakeng payat na medyo mayabang.
"Okay. I am Ma'am Coline Rodosa or just call me Ma'am Rodosa for short" napatango tango naman yung iba kong kaklase yung iba naman parang manyak na pangiti ngiti dahil siguro sa laki ng boobs niya. Kadiri talaga sila egh .
"Class? Sino ba dito yung Transferee?" Napalingon lahat sa akin. Teka ? Ano ginawa kong masama? Bakit sila nakatingin lahat sa akin? "Oy. Bessy? Tumayo ka" napakunot naman yung noo ko. Ano ba yan! Di kasi ako nakikinig egh!
Tumayo na ako at ngumiti ng bahagya. "Introduce your self iha." Ahh! Kala ko naman katapusan ko na kanina. Hayss . Magpapa-- watt ? Hay*p! Huminga nalang ako ng malalim at tumayo ng maayos.
"I am Athena Del Mundo. I'm 16 years old. Nagagalak akong makita kayong lahat. Sana ay makilala ko kayo ng lubusan. Thankyou." Yun nalang yung nasabi ko. Nyemas! Di naman ako ready.
"Thankyou Athena. Maupo ka na. Hmm! Tutal Values Teacher niyo naman ako at 3rd day palang ngayon ng klase. Gusto ko sanang magsulat kayo ng tatlong katangian niyo, yung biggest fear niyo, at tatlong taong nagpapasaya sayo. Maliwanag ba? Kung okay na aalis na ako" tumango nalang kami at tuluyan na siyang umalis.
Kumuha na kami ng tig iisang ½ crosswise. Sinulat na namin dun lahat ng sinabi ni Ma'am.
Sabay kaming nagpasa ni Kyle nakita ko yung Biggest Fear niya na takot ako sa ipis at takot akong mawala siya . Sinong siya? Ah baka isa sa Mahal niya sa buhay.
Lunch Break namin ngayon, nagkayayaan kaming kumain sa Mang inasal nina Trisha at Kyle. Malapit lang namn siya sa school namin kaya mabilis rin kami makakabalik. "Ang init ngayon nu? Kahapon lang ang lamig lamig tapos ngayon naglalabasan na yung pawis ko" tugon ni Trisha
"Oo nga. Basang basa na nga yung kili kili ko dito. Kahit na may Aircon ang init parin" tugon namn ni Kyle. Tahimik lang ako ngayon. Hindi ko alam pero parang may mabigat sa pakiramdam ko na nakakapang lambot ng katawan ko. Siguro sa init lang to ng panahon
"Oy! Bessy bakit kanina ka pa tahimik diyan?" Tugon ni Kyle. Napalingon ako sa kanilang dalawa na kanina pa pala tapos kumain. Halos Kalahati palang naman ang nababawas sa pagkain ko.
"Oo nga. Baka malate tayo sa sobrang bilis mo kumain? Hahaha" pagbibiro pa ni Trisha. "May sakit ka ba ? Okay ka lang? Baka gusto mo umuwi? Hatid ka na namin" dagdag pa ni Trisha.
"Okay lang ako. Sige. Alis na tayo" yun nalang yung nasabi ko, hindi ko alam pero parang may mabigat sa pakiramdam. Hindi maipaliwanag ng aking puso at isipan kung ano ba itong bumabagabag at hindi maganda sa pakiramdam; nakatulala, hindi makausap, at lutang.
Pagmulat ko ng aking mga mata napatingin ako sa kisame. Isang bumbilya na sobrang nakakasilaw. "Bessy?..... Trisssshhhaaa! Gising na si Bessy" sigaw ni Kyle. "Ha? Talaga. Asan? Tabi ka diyan" napatingin ako sa knila na nakatulog pala sa isang sofa malapit sa pintuan. Papalapit na sila sa akin ng biglang sumakit ulo ko. "Arayyyy! Ang sakit."
"Trisha! Tumawag ka ng Doctor" tumakbo si Trisha ng mabilis papalabas. "Bessy? Saan pa masakit? Sabihin mo Bessy" may namumuong luha na sa mga mata niya.Unti unting dumilim ang paligid at ang huling narinig ko Bessy Sorry kung-- at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Pagkamulat ko tumingin ako sa orasan 6:32 na ng umaga. Napatingin naman ako sa sofa, nakita ko dun si Kyle na nakakumot at parang hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Lumaki siya sa mayamang pamilya kaya napakahirap para sa kanya na matulog ng ganyan. Nagising siya bigla at napatingin sa akin. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko.
"Bessy ? May masakit pa ba sayo? Gusto mo tumawag ako ng Doctor?" Tugon ni Kyle. "Wala. Okay lang ako. Ano bang mga nangyari? Wala ako maalala egh" tugon ko nmn.
Napaupo siya sa isang upuan na nakalagay sa sulok. "Nung papalabas na tayo ng Mang Inasal bigla ka nalang natumba at nawalan ng Malay. Agad ka naming dinala dito sa hospital. Nung makarating tayo dito, hingal na hingal habang tumatakbo ang Daddy mo. Umiiyak siya, hindi run siya mapakali. Umalis din siya agad kasi may Meeting pa daw siya. Gustuhin niya man mag stay dito pero kailangan niya magtrabaho para sa hospital bills. Maya maya lang lumabas na yung doctor at sinabing okay ka lang kaya kumalma kami. Pumasok kami dun at nakita ka naming nakahiga at nagpapahinga. Inantay ka namin ni Trisha magising hanggang sa makatulog kami. Buti nlng nung magising ka nagising din kami agad. Pagkatapos, sumakit yung ulo mo kaya agad si Trisha tumawag ng doctor." Hindi ko namalayang kanina pa pala ako umiiyak.
"Egh ano daw sakit ko? Bakit hanggang ngayon ang sumasakit ang ulo ko?" Napaiwas nmn siya ng tingin sa akin. "Bessy, may Brain tumor ka" doon na bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganitong sakit. "Pero, sabi ng doctor pwede ka pa nmn daw pumasok at kailangan mo magpa check up ng madalas." Ngumiti kami ng bahagya at nagkatinginan bakas sa mukha niya ang saya at lungkot na nadarama niya. "Umabsent muna ako ngayon para mabantayan ka, kailangan niya kasi ngayon pumasok kasi may long test daw sila ngayon sa Math." Dagdag pa niya.
"Paano ka? Paano na Grades mo? Baka hindi ka na makasali sa Top?" Ngumiti nmn siya at napahawak sa kamay ko.
"Okay lang ako Bessy. Ahm! Nagpaalam na ako sa Adviser natin na ako muna ang magbabantay sayo. Siya na daw ang bahala sa mga lessons na namiss natin. Kaya pwede pa tayo mapasali sa Top diba ? At sisiguraduhin kong magiging Valedictorian ka" ang sarap sa pakiramdam na nagkaroon ako ng isang kaibigan na katulad niya.
"Maraming salamat Bessy. Maraming salamat kasi hindi mo ako iniwan. Salamat sa suporta at pag aalaga. Hindi na kita pagsusungitan pa. Hihihi" napatawa nmn kaming dalawa. "Walang anuman Bessy. Basta ikaw, hindi rin kita iiwan. Oops! Bessy baka maging lalaki na ako nito. Charottt!"
"Baliw" nagtawan nalang kami. Kung naging lalake kaya siya magiging ganito parin siya ? Hays.
BINABASA MO ANG
My Gay Bessy is my Future Bebe ?
Fiksi RemajaPaano kung ang iyong Gayfriend ang iyong maging Boyfriend?