Chapter 3

15 2 0
                                    

9:00 na. Hindi pa rin ako makatulog. Naglaro na ako ng Mobile Legends pero di ako dinadalaw ng antok. Hayss. Nilapag ko na yung Cellphone ko sa lamesa malapit sa Kama ko. Maya maya ay biglang tumunog.

*You have unread message*

Hi? -unknown

Sino to? Number lang naman. Tsk!

Hu u? -ako

Ako nga pala si Ykel -unknown

Huh? Di kita kilala. Nyt. Goodbye. -ako

"Hayss! Kung sino man siya wala akong balak makipaglokohan ngayon" humiga nalang ako ng maayos at tumingin sa kisame na puno ng stars. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Paggkagising ko may 8 message uli akong nakita.

Luhh? Sungit talaga nito. -unknown

Joke lang. Cute mo naman. Hihi lalo na pag nagagalit ka. -unknown

Oy. Gising ka pa?-unknown

Ay! Tinulugan ako. -unknown

Ay. Di talaga nagrereply. Okay. Goodnight. -unknown

GoodMorning-unknown

Kumain ka na? -unknown

Oy. Gising na baka malate ka pa. Hihi kain ka na breakfast. -unknown

Pinatong ko nalang yung cellphone ko sa lamesa. Hayss. Ang hirap pag walang kasabay kumain. Namimiss ko na yung dating sigla ng bahay. Ang aga naman umaalis ni Dad kasi may trabaho pa siya sa opisina. Si Mom naman wala na kasi nagkaroon siya ng Cancer. Tapos yung yung kapatid kong panganay na si Kuya Edmon may asawa na at busy na rin siya katulad ni Dad. Hayss. I miss them so much.

Kung pwede lang ibalik ang panahon. Si Yaya Bely nalang yung kasama ko sa Bahay. Si yaya na yung tinuring kong ina Simula nung sumakabilang buhay na. Tinuring niya din akong anak kaya napamahal na din ako sa kanya.

Nakatira kami sa isang malaking bahay dito sa Manila. Kumpleto sa gamit. Buti pa itong gamit kumpleto. Hayss. Ang laki laki nga nitong bahay! Wala namang buhay.

"Mag asawa ka na kasi. Para namn sumigla itong bahay niyo" napalingon ako kay Yaya Bely at bigla ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa nalang ako kasi kahit na matanda na siya malakas pa rin siya at hindi niya parin ako iniiwan. "Paano yan Mama Bely. Walang nagkakagusto sa akin" napangiti siya tumingin ng diretso sa akin.

"Maganda ka Athena. Biyaya ka para sa Mommy at Daddy mo. Simula nung dumating ka sa buhay nila lagi ka noon inaalagaan ng Magulang mo. Halos hindi sila umaalis sa tabi mo. Pati nga lamok hindi nila pinapalagpas kasi ayaw ka nila masaktan pero nung mawala ang Mommy mo bigla nalang nagkaganyan ang Daddy mo. Laging busy sa Trabaho, kulang sa tulog, at minsan di na siya umuuwe" Biglang bumuhos ang luha ko dahilan para yakapin ko si Mama Bely ng mahigpit.

"Namimiss ko na silang lahat" yun nalang yung nasabi ko sa kanya. Hindi naman ako nakapasok ngayon kasi subrang lakas ng ulan baha na daw sa labas ngayon. Tsaka binalita rin sa News kanina na kanselado daw ang klase. Kaya nagmumukmok nalang ako dito sa Kwarto ko.

Biglang tumunog yung cellphone ko at nagtext na naman si Mr. Unknown. Tsk!

Psst? Bakit di ka nagrereply? Nag aalala tuloy ako sayo. -unknown

Sino ka ba ? Paano mo ako nakilala ? Tska paano mo nalaman ang number ko ? -ako

Nakita ko lang sa isang papel na nahulog mula sa notebook mo nung sumakay ka ng kotse . Nilimot ko ito pero bigla nalang humarurot yung kotse na sinasakyan niyo. -Unknown

My Gay Bessy is my Future Bebe ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon