Nandito kami ngayon sa hagdan papuntang second floor ng bahay nila. "Ang ganda mong bata katulad ng Daddy mo" Nagulat ako at napatingin sa kaniya. "Kilala niyo po si Dad?" Napatango naman siya at ngumiti ng bahagya.
"Pa-Paano mo po siya nakilala? I mean, paano kayo nagkakilala?" Tanong ko.
"Well, mag best friend kami since Grade 3. Nagkakilala kami dahil nung binubully ako nung mga babaeng Feelingera, Siya yung nagtatanggol sa akin. Siya nga lagi yung kasabay ko sa Recess, Lunch at sa uwian. Mahirap pa kami noon, kaya tuwing umaga kukuha kami ng saging na saba sa puno ng kapitbahay. Then, 3rd year college kami siya pa din ang nakakasama ko. Matagal na akong may gusto noon sa Daddy mo. Pero ayaw ko sabihin kasi masisira lang yung Friendship natin. Pero dumating yung araw na sasabihin ko na dapat sa Daddy mo na may gusto ako sa kaniya pero nung makita ko siya ang saya saya na niya. Ang saya saya niya kasi sinagot na siya ng Bestfriend ko at siya ang Mommy mo. Masaya ako para sa kanila noon kahit na masakit ay naka move on rin naman ako at natagpuan ko ang lalakeng pinakakamahal ko. Siya ang Papa ni Kyle. Hindi ko na nakita ang Papa mo simula nung pumunta kaming Canada" may past pala sila ni Dad egh. Pero at least masaya na sila ngayon.
"Alam niyo na po ba ang nangyari kay Mom?" Tanong ko.
"Oo. Hindi ako makapunta noon sa Burol ng Mommy mo kasi inaapoy noon ng lagnat so Kyle. Pero makalipas ang dalawang araw, Pumunta ako sa puntod niya para magpasalamat sa pag aalaga at pagmamahal sa aking matalik na kaibigan na si Arnaldo at sayo. Mahal na mahal ko silang dalawa kaya Hindi ko makakalimutan ang masasayang araw na nangyari sa amin noon" may kung ano akong nararamdaman nung nagkekwento si Tita Stella. Kaya bigla ko siyang niyakap at nagulat din siya. Tinapik tapik niya ang balikat ko at may binulong sa tenga ko "Gusto kita para sa anak ko"
May sasabihin pa sana siya kaso biglang dumating si Kyle "Mama, Athena Tara sa Garden? Kain tayo" Tugon ni Kyle mula sa likuran.
"Alam mo ba itong si Kyle noon tinuturo ka sa akin kasi ang ganda mo daw nung nandoon ka sa isang sulok ng building" napapikit naman si Kyle at namumula na.
"Huh? Bakit naman po?"
"Hutanes Mama, Hahaha Tagal na nun egh" Nagtawanan nalang kami.
Habang nagkakasiyahan kami may familiar na Boses ang nagwawala mula sa Gate at siya ay...
Si Ykel...
Galit na galit siya at paulit ulit na binibigkas ang pangalan ko.
"Sino ba yun? Bakit ang ingay?" Tanong ni Tita Stella
"Si Ykel yun ah. Anong ginagawa niya dito ?" Tanong naman ni Kyle.
"Si Ykel? Diba Bestfriend mo yun nak? Anong nga bang gagawin niya dito at nagwawala siya ng ganyan? Puntahan na nga natin. Mukhang hindi siya maawat ng Guard natin" dagdag pa ni Tita Stella.
Tumakbo kami papunta sa kinaroroonan ni Ykel. Dito na kami dumaan sa loob ng bahay kasi sarado daw yung daan sa gilid dahil sa naputol na puno.
"Anong ginagawa mo dito at nag eeskandalo ka ?" Tanong ko
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito !? Pinuntahan kita sa bahay niyo pero sabi ng Daddy mo nagpunta ka daw dito!"
"Wag nga tayo dito Ykel! Nakakahiya ka !"
"Sige Tita, Mauna na po kami. Pasensya na po" ipapahatid pa sana ako ni Tita Stella pero hindi pumayag si Ykel kaya sumakay na kaming dalawa sa kotse niya at umalis papalayo kay Kyle at Tita Stella
"Ano ba ! Dun ka pa nag eskandalo ! Nakakahiya ka! Tsaka ano ba problema mo? Masama ba bumisita sa kanila? Ha? Sumagot ka Ykel !"
"Oo na! Boyfriend mo ako kaya lahat ng gusto ko susundin mo!" Nagulat naman ako dahil di ako makapaniwala na sisigawan niya ako ng ganito .
"Teka! Ykel ? Ano bang nangyayari sayo? Kulang pa ba ang pagmamahal ko sayo? Kaibigan ko lang so Kyle ! Alam mo yan! Pero bakit ka nagkakaganyan!"
"Kaibigan? Wag mo nga ako pinaglololoko! Alam kong may relasyon kayo !"
"Relasyon? Hindi ka ba makaintindi! Bakla siya Ykel ! Bakla! Bakit ko siya papatulan ? Sira na ba utak mo ?"
"Bakla? o Bakla-baklaan?"
"Ano bang pinagsasabi mo ! Tingnan mo yang sarili mo! Lasing na lasing ka na ! Ibang iba ka na ! Hindi na ikaw ang Ykel Evan na nakilala ko!" Bumuhos na ang luha sa mga mata ko. Itinigil niya ang kotse malapit sa tulay .
"Sorry Athena, Patawarin mo ako sa inasal ko kanina. Di ko sinasadya. Patawarin mo ako" bumuhos na rin ang luha niya .
"Tinatanggap ko Sorry mo, Papatawarin kita kasi Tanga pa ako ngayon. Pero once na saktan mo ako, Papalayain kita" niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisnge.
"Oh? Anak andiyan ka na pala. Kain ka muna?" Tugon ni Dad na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo.
"Hindi na po Dad. Akyat na po ako sa taas" tugon ko.
"Sige nak. Pahinga ka na" umakyat na ako sa taas at nagtungo sa Kwarto ko. Hinatid ako ni Ykel sa bahay. Hindi ko alam pero nagbago na siya. Ano bang problema niya. Bakit siya nagkaka ganun ?
Habang nagmumokmok ako sa kama may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Anak? Gising ka pa ba? Pwede ba ako pumasok?" Tanong ni Dad.
"Sige po. Bukas yan"
Lumapit sa akin si Dad at umupo sa kama ko.
"Nak? Anong problema? Pwede ka magsabi sa akin?" Napatingin namn ako kay Dad at nakita ko sa mga mata niya wag na akong mahiya.
"Si Ykel po kasi nagbago na siya. Hindi na siya katulad ng dati. Pati ba namn bestfriend kong si Kyle pinagseselosan niya. Hindi na siya yung Ykel na nakilala ko" tinapik tapik ni Dad ang likod ko
"Masaya ka pa ba?"
"Hindi.. Hindi ko po alam"
"Kung masaya ka, makipag ayos ka. Kung Hindi ka na masaya, palayain mo na" bumuhos na ang mga luha ko at ang tangi ko lang nararamdaman ngayon ay sakit na nararamdaman ko ngayon.
Buti nalang nandiyan pa si Dad kasi binigyan niya ako ng oras para maibuhos lahat ng problema ko.
BINABASA MO ANG
My Gay Bessy is my Future Bebe ?
Teen FictionPaano kung ang iyong Gayfriend ang iyong maging Boyfriend?