CHAPTER 1- THE UNEXPECTED INCIDENT

64 7 4
                                    

THE UNEXPECTED INCIDENT

Shed turns to creed
Stilly  turns to sticky
And the prince becomes silly.

Strong becomes weak
Weak becomes freak
And freak don't shriek.

-M.L

[PRINCE EION'S POV]

"Mahal na prinsipe, Gising na po ba kayo" Narinig kong sabi ni Butler Chua sa labas ng kwarto ko at siya yung personal butler ko for almost 12 years.


Hindi ko lang siya pinansin at sahalip ay tinignan ko lang ang mukha ko sa salamin at dahan dahan na tinangal ang maskarang suot ko.

"Why do i need to use this mask and hide like a criminal?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mukha ko sa salamin.

I know about the incident happen 19 years ago but that was not an acceptable reason to hide me in this place and to hide me to everyone.

"Damn this life! This is bullsh*t!" Sabi ko sabay suntok sa salamin. Pagod na ako, parati nalang akong nakakulong dito sa palasyo. Ni minsan, hindi ko manlang nakita ang labas ng palasyo dahil lahat ng mga bintana dito ay naka sira at ayaw ni King Solomon na pabuksan ang mga bintana at dahil narin sa pagtangka kung tumakas noon.

Para akong ibon na naka kulong sa malaking hawla na nagbabakasakaling makatakas at makalipad ng may kalayaan.

"Mahal na prinsipe, kailangan niyo na pong maghanda dahil darating na po ang bagong Reyna at ang mga pinsan mong prinsipe" sabi niya kaya napa upo nalang ako sa sahig habang naka tingin sa kamao ko na dumudugo.

Yes, He have his new wife and that is Isabelle. Hindi ko siya tinatawag na 'Queen' dahil ayaw ko sa kanya at para sa akin ang ina ko parin ang nababagay sa posisyon na yan.

Galit ako. Galit ako sa Ama ko dahil nagawa niya paring palitan ang ina ko. Oo alam kong matagal na siyang wala piro kung totoong mahal talaga ng hari ang Reyna dapat hindi niya ito papalitan kahit na wala na siya dahil para sa kanya mananatiling buhay ito sa puso niya.

"Mahal na prinsipe, Nasa baba na po sila at ikaw nalang ang hinihintay" may pagsusumamo na sabi ni Battler Chua kaya napilitan akong magbihis ng damit at mag ayos para sa pagdiriwang na magaganap para sa amin ayoko kasing nahihirapan si battlar Chua dahil siya  lang yung taong malapit sa akin at mapagkakatiwalaan ko. Matanda na rin siya kaya minsan ama na ang turi ko sakanya kahit hindi ko ipinapahalata sa kanya.

Isinuot ko muna ang maskara ko sabay bukas ng pinto at nakita ko na nandoon at naghihintay ang labing  lima kong mga battlers na babati sa akin.

"Magandang umaga po mahal na prinsipe" bati nila piro tuloy tuloy lang ako sa paglalakad sa palasyo hanggang sa makarating ako sa dinig hall namin at tanging ako nalang ang hinihintay nila.

Agad akong umupo sa tabi ng ama kong si King Solomon na siyang tabi naman niya ay si Isabelle. Nakita ko din na nandito sila Prince Ravic, Prince Diezor, Prince Lawrence at Prince Ian na siyang mga pinsan ko sa side ng ama kong si king Solomon.

THE PRINCE IS INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon