CHAPTER 3- A DAY WITH YOU

44 6 2
                                    


3. A DAY WITH YOU

The sky is shining
The ground is Lighting
I know its nothing
But my heart was beating
In front of the girl that i'm loving

~M.L

[PRINCE EION'S POV]

"Uy ok kana ba?" bungad niya sa akin ng magising ako. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo masakit ito tsk.

"I'm always ok so back off" inis kong sabi kaya ngumiti siya.

"Ok kana nga dahil nagsusungit kana sa akin hindi katulad kagabi" sabi niya sabay tabi sa akin sa upuan. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

What the hell she was talking abou----

Napatigil ako ng bigla kong maalala ang nangyari ka gabi.

--Flashback--

7pm na ng makauwi kami kaya pagdating namin ay agad kaming kumain at pagkatapos naman nun ay siya nalang ang naghugas.

Humiga nalang ako sa isang matigas na higaan dito na gawa sa kahoy. Tuluyan na sana akong makakatulog ng biglang may nagsalita sa harap ko kaya gulat akong napatingin sa harap ko

"Uy umusog ka diyan dahil wala akong tutulogan" pagod niyang sabi kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Masikip na dito at ayokong katabi ka!" Sigaw ko piro hindi niya ako pinakinggan at agad siyang pumunta sa kaliwa ko at linagay doon ang unan niya at agad na nahiga kaya panay ang tulak namin sa isat isa habang nakatalikod. Tsk! Kakainis! Kita ng masikip!.

Sa sobrang init ng ulo ko ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

~1:23 am~

Ang sama ng pakiramdam ko. Ang init ng katawan ko at nilalamig naman yung mga kamay ko at paa. Nahihilo din ako at nanghihina kaya hindi ko magawang makabangon.

Nanginginig din ang katawan ko dahil nilalamig ako hanggang sa nanlabo na ang paningin ko at hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa Ina ko na nasa harap ko ngayon.

"Anak mahal kita" dinig kong sabi niya kaya sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.

"Ina, gusto na kitang makasama"

Yan ang nais kong sabihin ngunit hindi ko magawa.

"Uy ano ba----, Hala! Ang init mo!" Dinig kong maynagsalita piro nakatingin parin ako sa Ina ko na nasa harap ko.

"Inumin mo to dali" at agad akong pinaupo ng maayos para makainom ako ng gamot. Kinumutan din niya ang mga paa ko at kamay kaya nabawasan ang panglalamig ko.

Pinunasan niya ang kamay ko, leeg ko at noo ko, may kung ano pa siyang sinasabi piro wala akong maintindihan. Nakita ko si Ina na nakangiting nakamasid sa akin kaya pumatak na naman ang luha ko hanggang sa pag kurap ko tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Ina!" Buong lakas kong sabi sabay upo habang umiiyak hanggang sa naramdaman kong may yumakap sa akin kaya napa yakap din ako sa kanya.

~End of Flashback~

THE PRINCE IS INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon