CHAPTER 5- I LOVE YOU GOODBYE

27 5 1
                                    

5. I LOVE YOU GOODBYE

Loving you was my happiness
That makes it illness
i can't keep but is to tapeless
And its also a type of illness
That losing you was my weakness

~M.L

[THIRD PERSON POV]

Lahat nagulat ng makita nila ang likod nitong may maliit na nakaukit na pulang marka sa likod nito. Hindi makapaniwala ang mga tao na yung taong gusto nilang mahanap ay nasa harapan na nila.

"Patawad po mahal na prinsipe sa aming kapangahasan!" Paghingi mg tawad ng isang kawal at agad itong nag bow sa harap niya at ganun din ang ginawa ng mga tao. Natigil rin ang musica kaya pati yung lola at lolo na nagpatira kay Eion ay nagulat sa nalaman nila.

Hindi alam ni Prinsipe Eion kung ano ang gagawin niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Napatingin siya sa gawi ni Mara kanina piro wala na ito at nakita niyang tumatakbo ito papalayo sa kanya.

Hahabulin na sana niya ito ng pigilan siya ng mga kawal kaya napatingin sa kanya ang mga tao.

"Babalik ako huwag kayong mag alala" sabi nito at agad na hinabol si Mara.

Nakita niya si Mara na Umiiyak habang nakatalikod ito sa kanya kaya bawat hakbang niya ay pabigat ng pabigat ang narramdaman niya.

"A-Amara" tawag niya kaya umiiyak itong lumingon sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni Mara habang tuloy tuloy na pumapatak sa mga mata niya ang mga luha kaya hahawakan sana siya ni Prince Eion ng napaurong siya at pilit na umiiwas dito.

"Hindi naman importante yun kaya hindi ko sinabisabi ni Eion ng may lungkot sa mukha.

"Importante sa akin yun Eion! Napaka importante sa akin yun!" Sigaw niya kaya yinakap siya ni Eion habang pilit siyang nag pupumiglas piro ng hindi siya makawala ay sumuko nalang siya at nagpakulong sa mga bisig nito.

"Mahal kita, yun ang importante sa akin Mara kaya sana ngayong nalaman mo kong ano ako, sana hindi mo ako iwasan dahil kaya naman kitang ipaglalaban sa kanila" sabi ni Eion ng kumawala siya sa yakap dito.

Hinalikan siya ni Mara kaya agad siyang tumugon dito at sa bawat halik nila, patuloy na pumapatak ang bawat nilang luha. They share their deep and passionate kiss hanggang sa unang bumitiw si Mara.    

"Mahal din kita Eion kaya paalam na" sabi ni Mara sabay bitiw sa kamay ni Eion. Agad siyang tumakbo papalayo dito kaya naiwan si Prince Eion na tulala dahil sa mga nangyari.

THE PRINCE IS INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon