Kaibigang Mapagpanggap

197 14 2
                                    

Kung nababasa mo itong tulang to, kabahan ka na
Dahil alam ko na ang ginagawa mong talikurang panunuka
Alam kong masaya ka pag ako ang kaharap mo
Pero pagtalikod ko alam kong pinapatay mo na ako sa mga titig mo

Di ko man kayang lumaban ng harap-harapan
Pero kaya kitang patumbahin pagdating sa kasulatan
Kaya kong itago ang galit ko sayo
At kayang kong patumbahin ka gamit lang ang mga daliri ko

Tinuring kitang parang sarili kong kadugo
Pinagkatiwalaan kita nang walang halong pag iibang kibo
Pero itinuring mo kong parang pako
Na ayaw madikit dahil ayaw mong makalawangan ang damit mo

Pwes hahayaan lang kitang gawin ang gusto mo
Dahil di mo mamamalayang lumalabas ang tunay na kulay mo
Walang mang mantsa ang damit mo
Pero kitang kita na nila ang kaitiman ng yong pagkatao

Naiintindihan ko ang kung bakit ka nagkakaganto
Pero di ko na kayang intindihin pa kung bakit tinuturing mo kong kontrabida sa buhay mo
Wala akong ginawa kung hindi tulungan ka
Pero naisip mo pang agawin ang babaeng aking pinakasisinta

Tapos tatawagin mo kong   mang-aagaw kahit ako ang nauna
At tatawagin mo kong ahas kahit ang tuklaw mo'y pamatay na
Pare-pareho lang kayong nga kaibigang mahilig magpanggap
Dahil isang lang ang intensyon niyo kung hindi ang pansin ng tao'y sa inyo'y maagap

Dahil dyan pagbibigyan ko kayo
Ibibigay ko ang pansin na hinahanap niyo
Parang tubig na dati'y maaliwalas
Pag napansin ng tao ay dudumihan at hahanapan ng pintas

At pag nahanapan ng pintas ay biglang lalayuan
At gagawing tambakan ng kamuhian
Isang parusang pangmatagalan
Isang sumpang hindi niyo matatakasan

Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon