Manhid Ako

75 7 6
                                    

Isa akong tao na ang puso ay sarado
At binubuksan lang ito sa taong gusto ko
At sa sa mga taong tulad mo'y ito'y nakakandado
At nasasaktan kita kahit wala akong kamalayan dito

Kaya pasensya na kung naging totoo ako
Ako na nagbigay ng dahilan ng pagluha mo
At sa iyong nararamdaman na hindi ko binigyang halaga
At sa araw araw mo kong nakikita ay nasasaktan ka

Di ko man sinadya ay wala paring pag-iiba
Nakasakit parin ako ng tao at nagdulot ng hindi maipintang mukha
Isang paasang pinaasa ka sa salitang "pag-asa"
Pag-asang sa dulo'y naging bato lang din pala

Binigyan ng sama ng loob at pinaasa
Ano pa nga ba?
Sinaktan, pinahirapan at pinaluha
Ano pa ba ang hindi nagagawang tama?

Puro sakit at dusa lang ang sayo'y ipinadama
Pero bakit hanggang sa dulo ay nandyan ka pa?
Bakit lagi kang nakangiti at nakatawa pag ako ang kaharap mo na
Kahit alam ko sa pagtalikod ko tuloy tuloy ang iyong pagluha

Bakit ka magkakagusto sa manhid na tulad kong hindi nagbigay sayo halaga?
Bakit patuloy parin ang paglapit mo sa taong walang ginawa kundi paiyakin ka?
Patuloy at patuloy ka lang ding masasaktan
Sa piling ng tulad kong manhid at di ka kailangan

Kaya pakiusap ko, ako ay iyong iwasan
Dahil di ko mapapatawad ang sarili ko pag nakita kitang nasasaktan
Dahil mas lalo akong mahihirapan
Kung kaibigan kong tunay ang nakikita kong luhaan

Kaya pasensya na kung sa manhid na ito ang puso mo'y nilaan
Kahit parang binasura ko lang ang iyong nararamdaman
Kahit sa araw-araw gabi-gabi ikaw ay luhaan
Pasensya na, dahil isa ako sa mga taong nagdulot sa puso mong masugatan

Di ko naman ginusto ang lahat ng to
Pero sana sa ating dalawa magsilbing aral ito
Salamat sa mga pagpapahalaga, effort at paghanga
At pasensya na kung sa tingin mo lahat ito ay aking binasura

Pasensya na kung hindi mo naramdaman ang pasasalamat ko
Pero itong pasasalamat nato ay isasamo ko sa harap mo
Abutin man ako ng ilang araw o ilang linggo
Marinig mo lang ang pagsamo ng isang manhid na katulad ko

Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon