Wag Ako

66 8 0
                                    

Wag ako, kung lolokohin mo lang ako at papaikot-ikutin sa palad mo
Wag ako, kung ibabalik mo lang ang masamang alaalang tinakasan ko
Wag ako, kung bibigyan mo lang ako ng dahilan para wag nang magpatuloy sa mundo
Wag ako, dahil pagod nakong umiyak nang paulit-ulit sa isang tao.

Gusto ko mang subukin
Pero takot nakong muli pang lokohin
Ayoko nang mahulog sa isang tao
Kung alam ko namang wala sa aking sasalo

Kung pilitin ko mang umibig muli
Mas ayokong umibig kung uuwi lang akong sawi
Kung iiyak lang ako imbis na ngumiti
Ayoko nang umibig kung papanoorin mo lang akong humikbi

Kaya wag ako ang piliin mo
Dahil hindi pa ako handa sa mga bagay na'to
Oo, ang pag-ibig ay isang sugal kaya ayokong munang tumaya't matalo
Hayaan mo muna akong magpahinga mula sa sakit at dusang aking sinasamo.

Hayaan mo muna akong sukuan ang bagay na gusto ko
Hayaan mo muna akong pagbigyan ang sarili ko
Hayaan mo muna akong unahin ang sarili ko kaysa sa iba
Hayaan mo muna akong maglakbay nang mag-isa

Bigyan mo ako ng oras para makapaghanda
Makapaghandang magtayo ng bagong simula
Dahil ayoko nang umasa
Sa taong walang dalang sandata

Sa taong hindi ako pinaglalaban gaya ng paraan na ipinaglaban ko siya
Ayoko nang sumugod sa giyera nang walang bala
Walang bala dahil pinagkatago tago niya
Dahil nagawa niya akong pagtaksilan at sa kalaban ay sumapi siya

Ayokong mapagtulungan ng parang isang kawawa
Ayoko nang matawag na isang mahina
Dahil simula ngayon itataas ko na ang aking sandata
Dala dala ang bandera ng mga pinaasa

Ayoko nang maging asong kahit sipain mo palayo babalik parin sa kanyang amo
O maging bola na kapag binato mo ay tatalbog pabalik sa'yo
Ayoko nang bumalik sa relasyong kung saan hawak mo ang leeg ko
O maging isang alagad na palaging tapat sa'yo

Kaya pakiusap hayaan mo muna akong maging sarili ko
Walang pagpapanggap at walang pinaglalaanan ng kasiyahan ko
Hayaan mo muna akong wag kang gawing mundo
Dahil pag handa nako, tatawagin kita at mag-uusap tayo.

Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon