Si Pagong at si Kuneho

80 7 3
                                    

Isang kwentong kinahihiligan natin nung bata
Paano kung gawin natin itong kwentong pag-ibig na nasa anyong tula
Si kunehong mabilis mangbalewala ng mga alaala
At si pagong na pasan sa likod ang hirap at dusa

Ang kwentong iyan ay nagpapaalala sa ating dalawa
Ikaw si kunehong kay bilis makalimot ng nakaraang pagdurusa
At ako si pagong na hindi parin matanggap ng iyong pagkawala
Pagkawala sa piling ko't naghanap ng iba

Kung totoo ang pag-iibigan nating dalawa
Bakit ang bilis mong maging masaya?
Di naman sa pinagkakait ko ang nahanap mong ligaya
Pero di ko parin matanggap na ako lang ang naapektuhan sa pag-iibang landas nating dalawa

Paano mo nagagawang tumawa nang hindi naiisip ang biglaan mong pagkawala?
Sa pagkawala mo na parang bula at iniwan moko sa ere habang lumuluha
At iniwan mo ko sa dilim habang nangangapa
Nangangapa sa ilaw na may pag-asang magkaroon pa ng tayong dalawa

Nagbabakasakaling mababanggit ko pa ang salitang "tayo"
Pero parang lahat ng to ay imposible sayo
Naiwan akong pasan-pasan ang hirap at dusa sa likod ko
Na minsa'y naging taguan ko upang magkubli at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko

Ang bersyong ito ay kabaligtaran ng orihinal kwento
Sa bersyong ito kung saan panalo si kuneho
Habang si pagong naman ang talunan
Naiwan sa dulo't luhaan

Pero kahit papaano akong si pagong ay mayroong napatunayan
Kahit napakatagal na panahon pa man ang dumaan
Hinding hindi parin kita malilimutan
At sa pagdating mo sana sa "finish line" mahanap mo na ang bago mong kasiyahan

Kahit di man nauwi sa "forever" ang ating sumpaan
Kahit papaano natapos na rin ang pag-iibigang labag sa iyong kalooban
Kahit dumating ang panahon na ako ay iyong kalimutan
"Congratulations" dahil nagawa mo nang iwan ang nag-iisang taong nagmamahal sayo nang lubusan

Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon