Perpetuo (Teacher's Day Special)

79 4 0
                                    

Ma'am , Sir , Teacher o Guro
Pag nakita ka nang pumasok sa pinto
Ay babalik kaming lahat sa pagkakaupo
Tila mga anghel na nananahimik kala mo kay titino

Sa sobrang tahimik kala mo si ma'am ay nangangagat
Sa sobrang tahamik na ang tanging maririnig mo lang ay ang hangin sa mga libro'y bumubuklat
At dito na unti unti naungkat
Ang mga masasayang alaala na nagsimula noong tanghaling tapat

Mga pangaral mong tinatanim sa aming utak
Mga kuwento mong masasaya na sa puso'y tumatatak
Kahit na sa isip ng iba'y sana ang kuwento mo'y makaubos ng time
Pero dahil sa tulang to binuking ko na sila "This is the time"
Na para malaman nyo na sa tuwing quiz nagiging group study ito
Na sa tuwing recitation may bubulong ng sagot sa tabi ko

Ay mali! Kalimutan nyo ang lahat ng sinabi ko
Dahil baka pagtapos ng araw nato ay aabangan nila ako sa kanto
Kaya hindi ko na ipapaligoy ligoy ito
Sisimulan ko nang himayin ang tula ko sa inyo

Maraming salamat sa sakripisyo at oras mo
Maraming salamat sa araw araw na pakikinig mo sa problema naming sinasabi sa inyo
Maraming salamat sa pagtuturo sa mga batang hindi mo kaano-ano
Maraming salamat sa pagturing mo sa aming lahat bilang pamilya mo

Sa mga ngiti at tawa mong nakakapangilabot
Sa mukha mong nangangasim nanaman pag ika'y nababagot
Sa pagsaway mo sa aming mga ingay na nakakasusot
Maraming salamat sa pagtitiis mo sa pagtutuwid ng aming mga gusot

Maihahalintulad kita sa magsasakang nagtanim ng binhi sa lupa
Na sa lahat ng pagod mo ito'y nagbunga
Bunga ng paghihirap mo ay mga pangarap na nabuo
Mga pangarap na aming tutuparin at naging parte ka nito

Kaya para sa'yo itong mga bulaklak
Na sumisimbolo sa iyong kagandahang loob at pusong busilak
Sa araw-araw ng iyong pagiging matatag
Ang dignidad mong napakatibay na walang titibag

Alam ko na alam mo ang nararamdaman namin
Na kahit papaano dito ay dumaan ka din
Oo,mahirap ang maging guro pero mahirap din ang maging estudyante
Kaya sama sama tayo sa kuwentong ito na patuloy na umaabante

Kabisado mo na ang bawat galaw dahil ikaw rin ay naging estudyante
Kabisado mo rin ang mga ngiti naming peke
Kabisado mo na ang mga tawa naminh pilit na di makampante
Na sa bawat "Oo" namin na may pagaalinlangan din kahit konti

Kaya pasensya na sa mahigit kwarenta mong anak na minsa'y naging sakit ng ulo
Pasensya na sa aming pagkakamali'y di parin kami natututo
Pasensya na sa nasayang mong panahon, pagod ,pawis at dugo
Pasensya na kung minsan pagod na kami dito, pagod din kami dito

Pero laking pasalamat namin sa inyo mga mahal na guro
Nasa araw araw na pagpasok sa eskwela meron kaming natututo
Na sa lungkot at saya ay kasama rin namin kayo
Mga pangaral niyo samin na dadalhin kami sa malayo

Nais lang naming sabihin sa inyo
Ang nga pangaral at payo niyo ay dadalhin namin hanggang dulo
Na kahit sa huli ay mag-iibang landas din tayo
Mananatili at mananatili parin kayo sa aming puso

Dahil ang tanging rason namin sa pagpasok nang araw-araw sa eskwela
Ay meron kaming maitatawag na pamilya
Kaya bago ko isarado itong librong nakabuklat
Wag niyo sanang kalilimutan itong aming mensahe ng pasasalamat
"Kung sa tingin niyo hindi kayo perpekto sa mata ng lahat
Kayo at kayo lang ang pupuna at kukumpleto sa aming pusong nakaungkat
At dito na nagtatapos ang aking kwentong nagsimula noong tanghaling tapat.

Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon