Wet Dreams

49 5 0
                                    

Itong tulang to ay hindi para sa madudumi ang utak
Itong tulang to ay para sa mga taong kung gabi-gabi ay umiiyak
Parang may makalawang na balisong ang puso'y nakapasak
Bawat hakbang ay may mabibigat na yapak

Mga yapak na nag-iiwan ng bakas ng kahapon
Bakas ng kahapong isinilid ko sa kahon
Simula nung gabing sinabi mong "mahal kita"
Na bumuhay sa aking kaluluwa

Hanggang sa gabing sinabi mong "hindi tayo para sa isa't isa"
Na gumuho sa aking mga pantasya
Na hanggang ngayon ay nagmumukhang tanga
Hindi parin mapagtatantong pinaikot-ikot mo lang ako sa pag-asa

Mga gabing ikaw ang panaginip habang lumuluha
Panaginip? Mali, isang bangungot pala
Patuloy mo akong pinaglaruan sa iyong mga palad
Naglalaro ng habulan habang puso ko'y iyong kinakaladkad

Bakit nga pala sa isip ko hindi ka mawala?
Bakit sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata
Imahe mo ang nakikita?
Hindi ko na kaya na nasa bawat gabi ay lagi nalang lumuluha.

Nananaginip habang lumuluha
Nananaginip habang lumuluha!
Nananaginip habang lumuluha dahil sa gabi-gabing nasa isip kita
Nananaginip habang lumuluha dahil hanggang ngayon natatakot akong sabihin itong mga salita

"Mahal kita"
Ay mali "Mahal parin kita"
Ay hinde papagandahin pa natin, "Mahal parin pala kita"
"Mahal parin pala kita, pero hindi ibig sabihin nun ay magiging tayo pa"

Kaya bago mo pa akong iwan
Ang hinihiling ko lang sayo ay mga bagong unan
Para sa pagkawala mo ay meron akong sasandalan
At sa gabi-gabing lumuluha meron nakong nagsisilbing tuyuan

At pagtapos ng lahat nang iyon ay gigising nako sa katotohanan
Na hindi maibabalik ng mga luha ang taong nawala
Hindi maibabalik ng sorry ang tiwalang nasira
At hindi maibabalik ng mahal kita ang TAYONG DALAWA.



Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon