Kapag Sinabi Kong Mahal Kita

24 1 0
                                    

Kapag sinabi kong mahal kita,
Maraming lakas ng loob ang pinanghugutan nitong bawat salita
Ang bigat sa dibdib na ninais kong kumawala
Mga salitang hindi mabigkas ng bibig simula pa nung una

Mga kamay ay nanginginig
At mahigpit ang tikom ng bibig
Kating kati nang ipagtapat ang pag-ibig
Ngunit nag-aalangan parin kung ikaw ba ay nakikinig

Kapag sinabi kong mahal kita
Ibig sabihin nun ay ayoko na
Ayoko nang maging isang kaibigan na laging dala ay tawa
Gusto naman ay maging isang tao na  iyo namang bibigyang halaga

Gusto kong maging laman ng isip mo paggising sa umaga
O kaya maging bawat saglit mo na lagi mong inaalala
Kahit sabihin man nilang naniwala na naman ako sa maling akala
Tawagin mang tanga kung tanga, basta mahal kita

Kahit sa puso mo ay hindi ako ang mauna
Kahit hindi ako ung taong nagugustuhan mo talaga
Pero sinta wag kang mag-alala
Dahil pag sinabi kong mahal kita, ay handa akong ipaglaban ka

Kakampihan ka sa mundong mapanghusga
Handang sumugal kahit masaktan pa
Kahit sabihin mo man sakin na sa iba ay may nagugustuhan ka
Susuportahan pa kita, basta makita ko lang ang kasiyahan sa'yong mata

Kapag sinabi kong mahal kita
Ibig sabihin ay handa na rin akong masaktan
Handa akong magtiis at maghintay kahit walang kasiguraduhan
Lahat ng gusto mo ay handa akong paghirapan
At mananatili  pa ako sa tabi mo kung kinakailangan

Kahit paghiwalayin man tayo ng isang malakas na  bagyo
Kahit itulak mo man ako palayo
Ako ay mananatili parin sa iyong puso
Kahit ipagsiksikan ko pa ang sarili ko

Kapag sinabi kong mahal kita ay handa nakong isugal lahat
Handa akong magpakumbaba at sa'yo lang maging tapat
Kahit ibaling mo man sa iba ang mga matang to,
Ikaw at ikaw parin ang susundan nito

Maubusan man ng brain cells kakabanat
Mapagod man ang mga kamay kakasulat
Ng mga tulang ikaw ang laging paksa
Na kung saan pangalan mo ang tugma 
At pag-ibig ko sa'yo ang talinghaga

Kahit nalilito kung ano ang gagamitin ko,
Malayang taludturan ba kung saan malaya kong maihahayag ang pag ibig ko,
O may sukat kung saan may mga salitang kailangan kong itago,
Dahil kapag mas naging malaya ako, baka yun pa ang dahilan ng iyong paglayo.

Kaya kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig sabihin ay "Salamat dahil andyan ka"
Kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig sabihin ay gusto parin kitang makita.

Maging pamilyar man itong mga salita sa iyong tenga
Maging ito man ay ang mga salitang nagpaulit-ulit at ika'y naririndi na
Pero sinta pag sinabi ko mahal kita,
Ang ibig sabihin ay maniwala ka.

Magtiwala sa mga salitang matagal kong itinago
Kukumbinsihin ang araw at buwan na isa ako sa kakampi mo
Pero wag kang maging kampante sa salitang sinasambit ko
Dahil ang bawat "mahal kita" ay hindi lang puro pangako
Dahil pag sinabi kong mahal kita, ang ibig sabihin ay napapgod din ako.

Nangangalay din ang aking mga paa't braso
Sa bawat sigaw ay napapaos din ako
At sa bawat pagsunod ay naliligaw ako
At sa bawat ngiti ay  may kirot na nakatago

Kaya wag mong iisipin na ang pagmamahal ay hindi nanghihingi ng kapalit
Dahil nagpapanggap lang ako pag sinabi kong hindi masakit
Isa akong tanga kung hindi ko gusto na ang pagmamahal na ibinigay ko ay hindi babalik
Pero hindi mo naman kasalanan kung hindi ko talaga mapipilit

Magpapanggap na maging masaya kahit nadudurog na
Susundin parin kita kahit sa lakarang tinik ka pa pumunta
Magsasakripisyo, mapapagod , o maubos man ang luha
Lahat nang yan ay gagawin ko, kapag sinabi kong mahal kita.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart's Words of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon