I stared at myself for almost an hour. I am wearing a red off shoulder ball gown and a glass heels. Naka-ayos ang buhok ko na parang si cinderella dahil 'yon ang hiling ko kay Mom. Today is our js prom and I am so excited!"Mom, I thought Kuya James will be my date for tonight?" tanong ko kay Mom, "Why is he still not getting himself ready?"
"He's busy doing his thesis, Neziah. Ethan will be your date.." nginitian nya ako ng matamis.
"Ha? Ano?!" gulat na sabi ko.
"Yes, Ethan will be your date for tonight. Do you have any other choice? Mico is too young. Si Twain ay wala. May kaibigan ka pa bang iba? Ethan is the only choice you have," pagpapaliwanag nya.
Lumunok ako ng mariin, "I'd rather be alone than to have him as my date."
"What kind of atittude is that, Ziah? Mabuti nga at pumayag si Ethan na maging escort mo e," pangongonsensya nya pa saakin.
Tumaas ang isa kong kilay, "Wala naman akong sinabi na gawin syang escort, diba? Kasi nga I thought Kuya James will be my date. Besides, I don't like Ethan."
"Watch your mouth, Ziah! Ano bang problema mo kay Ethan at nagagalit ka ng ganyan?" napalunok ako nang tanungin nya 'yon.
"Wala!" tinalikuran ko sya, "Wala akong problema sakanya, ayaw ko lang talaga sakanya."
"Okay. Lumabas ka na at naghihintay si Ethan sa labas," sabi ni Mom.
Umirap ako sa hangin at bumuga, "Ano pa nga ba? Wala naman akong choice. Tss!"
Padabog kong kinuha ang bag ko saka lumabas ng kwarto. I saw Ethan, nakatayo sya sa hagdan. Wearing his black tuxedo, hair fixed well and standing there in a very manly way, I glanced at him.
Umiling ako para alisin ang mga 'yon sa isip ko at para ibaling sa iba ang paningin ko. Sa mga nababasa at napapanood ko, lalaki dapat ang tumitingin ng babae sa ganoong paraan.
"Good evening, lady of the light. I am Ethan and I will be your date for tonight," nakangiting sabi nya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko, "So.. may I?"
Umirap ako bago kunin ang kamay nya, "Masyado kang maraming sinasabi. Tumahimik ka kaya?"
"I got that for your brother though. Sinubukan ko lang sa'yo," sabi nya saka tumawa ng mahina.
"As if I give a fuck," umirap ulit ko.
Dumating kami sa event venue after 35 minutes. Medyo malayo kasi ang place mula sa bahay namin.
Kinakabahan ako habang nakahawak sa braso ni Ethan. Nakatapat saamin ang malaking ilaw habang nakatayo kami sa entrance. May red carpet pa kaming tinatapakan at kulay pulang baricade sa gilid. Bongga! Para kaming nasa award's night sa hollywood.
Naupo na ako sa table namin habang si Ethan naman ay nawala nang makakita ng magagandang babae. Tumingin nalang ako sa acoustic performer na nasa harapan.
I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only youNag-serve na ng pagkain ang mga waiter pagkatapos kumanta ng ilang nag-perform. Ethan is still nowhere to be found. Bumuga ako ng hangin at kumain nalang.
"I've been watching you since earlier. Mukang mag-isa ka ah?" tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko makitang mabuti ang muka nya dahil madilim, "May I join you?"
Hindi na ako nag-dalawang isip, "Sure. Tutal, nawala bigla 'yong kasama ko. Nakakita yata ng mas maganda."
He chuckled, "What? Mayroon pa bang mas maganda sa'yo dito? Maybe your date is blind as hell."