Chapter 10

417 11 18
                                    

Day 2 in Baler.

"What's our plan for today?" tanong ko kay Ethan habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin.

He shrugged his shoulders, "You know, mas maganda daw ang mga mangyayari kapag hindi pina-plano."

"Whatever," sagot ko naman.

Pagkatapos kong mag ayos, lumabas na kami ng suite. Tinanghali na kami ng gising ni Ethan dahil kagabi, naging busy kami sa pakikipag-usap sa kanya kanya naming employees. Kaya lunch na agad kami, skip na ang breakfast.

Nang makarating kami sa restaurant kung saan din kami kumain kahapon, um-order na kami agad.

We ordered inihaw na pusit and sea grapes.

"I heard may magandang bar dito sa Sabang," sabi ni Ethan, "Malapit lang naman."

My eyebrows frowned, "You don't want me partying, right?"

He bit his lower lip, "That was before."

Ngumiti ako ng malapad. Pangalawang beses ko palang na makaka pasok sa bar.

Simula kasi nung unang beses akong nag party, pinagbawalan na ako ni Ethan.

I don't know what's wrong with him e hindi naman ako iinom kung sakali, sasayaw lang ako.

After talking about such, dumating na ang order namin. Dahil hindi kami nag breakfast ni Ethan, nagutom kami ng sobra.

"Sarap, 'no?" tanong ko kay Ethan.

Tumango sya habang ngumunguya.

"Kumakain ka pala ng inihaw na pusit?" tanong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Ikaw nga ang dapat kong tanungin nyan e."

"Lahat naman kinakain ko," tumawa sya ng malakas.

"Yeah. Whatever," inirapan ko sya.

After a while, may lumapit sa amin na couple. Parehas silang nasa early 60's na. Maybe they're enjoying their life nalang.

"Ijo? Ija?" sabi nung babae.

"Yes po?" magalang na sabi ni Ethan.

"Pwede ba kaming maki-upo sainyo? Occupied na kasi lahat ng table sa loob," sabi nya.

"Sure po," tugon naman ni Ethan.

"Okay lang ba sayo, Ija?" tanong nung lalaki sa akin.

I smiled, "Yes po. Sure."

Umupo sila kaagad and after a minute or two, nilapitan na sila ng waiter. They also ordered inihaw na pusit with sea grapes.

Ethan and I stopped eating for awhile habang wala pa ang order nila. Baka kasi ma-offend sila kapag nagpatuloy kami sa pagkain.

"You two look so cute together," bati sa amin nung babae, "By the way, I'm Madison and he's Yuan."

Nagkatinginan kami ni Ethan. Naunang syang magpakilala sa kanila.

"I'm Ethan po," he said and then gave them a sweet smile.

"I'm Neziah po, you can call me Ziah," I said.

Pasimple kong siniko si Ethan mula sa ilalim ng lamesa. Medyo nahihiya ako pero okay lang naman.

"You remind us of our younger selves," sabi nung lalaki, "Ganyan din ako ka-gwapo at ka-macho nung kabataan ko."

Natawa ako pati na rin si Ethan. I don't know what to react. Hinayaan nalang namin sila na mag salita.

"Sigurado akong magandang lahi ang magagawa nyo," sabi naman ni Auntie Madison.

His Possessive WaysWhere stories live. Discover now