Twentytwo Chapter

494 10 6
                                    

Alexa's POV

It's been weeks since umuwi na kami sa bahay. Honestly na mi-miss ko na ang mga tao sa mansion pero syempre maliban lang sa limang higad na'yun.
Tssss. Pustahan nag pa pa-party na sila ngayon dahil malaya na silang lumandi sa pito sa Mansion.

"Oh, Anak bakit ka naka busangot diyan? Asa'n kambal mo?" Tanong ni Daddy sakin.

Andito kase ako ngayon sa may sala namin at nanonood ng TV. Wala kase dito si Max, pumunta ng studio niya dahil na bo-bored daw siya sa bahay. Well, we have the same feeling lalo na kabado ako ngayon dahil hindi nag te-text sakin si..........Aish! Bakit ko ba hinihintay ang text niya? Tssss, Malamang busy yu'n sa mga girls sa Mansion.

"At her studio." Tipid kong sagot habang pa scroll-scroll lang sa cellphone ko.

"Ahhh, Sino kasama niya? Boyfriend niya?" Nagulat naman ako sa tanong ni Daddy kaya napa tingin ako sakanya.

"Alam ko na at tsaka nasa tamang edad na naman kayo for that thing pero may konti parin akong tampo sa kambal mo dahil hindi niya pa napakilala sakin yung boyfriend niya. Is he good for your twin? Inaalagaan niya ba si Max?"

Ngumuso naman ako dahil gusto kong sagutin si daddy na kung alam niya lang na parati si Max at Enno na nag aaway sa mansion, na walang araw ang lilipas nang hindi sila nag aaway.

"Dad mas maganda kung si Max tanungin mo tungkol diyan." Bored kong sagot.

Sorry Dad, wala ako sa mood para ikwento sayo ang lovestory nina Max at Enno.

"Alam mo naman ang kambal mo. Masyadong matago samin ng mommy mo and I don't like it." Pagda-drama ni Daddy sakin.

"Don't worry Dad, wala namang tinatago si Max na makakasakit sa inyo." Sabi ko habang tinitignan yung cellphone ko.

Alam ko dapat na hindi na ako umasa na mag te-text si Sam sakin.

He don't have time to text you Alexa. You're just a friend of him.

Friend nga ba? Ni hindi ko nga alam kung friend kami eh.

"That's not my point Alexa, kahit sa mga problems niya man lang ay i-open up niya samin because we're your parents and also you Alexa. It's our responsibility to know what's happenning to both of you." Pangangaral niya kaya napatango nalang ako.

Naiintindihan ko naman si Daddy kung bakit pinapangaralan niya ako ng ganyan. He's concern about us 'cause we're his princesses. Natatakot lang siyang masaktan kaming dalawa ni Max.

"I know Dad." Malambing kong sabi sabay yakap sakanya.

Hinalikan niya naman ako sa ulo kaya napangiti ako. I miss my Dad.

Nagulat ako nang mag vibrate ang cellphone ko sa sofa kaya dali-dali ko 'tong kinuha

From:Sam Nemo

Are you free tonight?

Napataas ang kilay ko sa text niya sakin.

Agad naman akong nag reply sakanya.

To:Sam Nemo

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon