Kinabukasan
"Stefan wake up!!!"
Nagising na lang ako sa maingay na pumasok sa kwarto ko at bumungad sakin si mommy. Pinikit ko ulit ang mga mata ko.
"Stefan ano ba?! I heard na napaaway ka daw sa Bar kagabi? Ano ba ang nangyayari sayo Stefan huh?"
"May mga pasa ka pa sa mukha." Dugtong niya at naupo sa kama ko. Idinilat ko ang mga mata ko at tinitigan lang siya.
"Stefan anong problema?" Mahinahon na niyang tanong.
"Wala na kayo du'n." Sagot ko na lang at napa upo sa kama ko.
"Ano? Umayos ka dahil mommy mo ko."
Napatayo naman ako sa sinabi niya.
"Mommy? Wow huh! Ngayon ko lang ya'n narinig." Sarcastic kong sabi at tumalikod na para lumabas pero pinigilan niya ako.
"Stefan kung may problema ka, you can share it to me."
Hinarap ko naman siya dahil sa sinabi niya.
"Kailan pa po kayo umasta bilang isang magulang sakin huh? Kailan pa mom? Excuse me." Sabi ko na lang at sinuot ko ang t-shirt ko at kinuha ang bag na may mga lamang damit.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si lolo Rodulfo sa baba at ang mga pinsan ko kaya tinignan ko lang sila bilang pag papaalam kaya tinanguan na lang nila ako. Hindi ko alam kung ano tong ginagawa ko pero gusto ko lang puntahan ang babaeng mahal ko. Gusto ko tong ayusin. Si Chaelyn lang ang gusto kong maka usap ngayon.
Chaelyn POV
Papasok ako ng isang coffee shop ngayon para makipag kita sa mga pinsan ko at kasama ko din si Baekhyun.
"Andun sila." Turo ni Baekyun kina Max, Lex at Hailey na nag uusap usap sa isang table.
"Hi Chae. Hi Baek." Bati nila nang makarating kami sa kanila.
"Hello Manoban's." Bati sa kanila ni Baekyun pabalik kaya napangisi naman sila. Naupo naman kami ni Baekyun sa bakanteng upuan.
"So.."
"Okay ka na ba ngayon Chae?" Tanong ni Lex dahilan para mapangiti ako bahagya.
"Magiging okay rin." Sagot ko na lang kaya nag katinginan naman silang apat.
"Max, Lex..." Saad ko nang may maalala ako.
"Tapatin niyo nga ako. Pati rin ba kayo sinabihan ng mama nina Sam at Enno? Umamin kayo." Seryoso kong tanong sa kanila kaya nag katinginan sila at bahagyang napayuko.
"C'Chae..."
"We're so sorry kung hindi namin nasabi kasi ayaw namin na problemahim mo pa to." Saad ni Lex kaya napatango-tango na lang ako.
"We're so sorry." Sabi naman ni Max.
"Ang sama sama nila para gawin to satin. Mali ba na minahal natin ang mga anak nila? Mali ba na nabago natin ang lahat? Hindi ko na maintindihan." Sabi ko na lang habang pinipigilang mapaiyak.
"Wala na tayong magagawa. Mahal ko rin si Enno at hindi ako makapaniwala na sinabihan ko siya ng mga masasakit na salita para lang palayain na niya ako." Malungkot na tugon ni Max.
"Wala na kayo ni Enno? Sinunod mo ang gusto ng mama niya?" Gulat kong tanong kaya bahagya lang siyang napangiti.
"Same as Lex." Dugtong niya kaya nabaling ang tingin ko kay Lex.
"Hindi ko kayang harapin si Sam at saktan siya o sabihin sa kanya ang totoo. Mas mabuti pa na layuan ko na lang siya." Tugon naman ni Alexa.
"Kung para talaga tayo sa kanila hindi tayo aabot sa ganito, pero maybe isa lang silang challenge para satin na dapat nating lagpasan." Malungkot niyang dugtong kaya di ko na napigilan pa ang mga luha ko at nag uunahan itong tumulo. Agad ko itong pinunasan upang hindi nila makita na nasasaktan ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]
Fiksi PenggemarFrom Strangers to Lovers.. Once you fall inlove mahirap ng tanggihan, Kahit na alam mong hirap kana ipinaglalaban mo pa. Yung tipong sinabihan ka na niyang umalis sa buhay niya pero di mo parin magawa kasi nga mahirap ng burahin. Parang sakit na hin...