Fiftyone Chapter

459 7 2
                                    

2 WEEKS LATER*

Max's POV

Nandito na kami ni Alexa sa NAIA 3 airport kaka-baba lang ng eroplano.

Binalita samin ni Hailey na ikakasal na sila ni Julean. Ang landi lang kasi nilang dalawa. Nauna pang nag kalaman ang tiyan bago ang kasal kaya ito, bride's maid ako at made of honor naman si Alexa, and guess who kung sino ang kasama niya na made of honor? Si Enno lang naman, and Alexa is really dissapointed. Bakit hindi daw si Sam ang partner niya? Tsss gaga talaga, alam niya namang may girlfriend na ang tao eh. Yeah, updated parin ang kambal ko sa mga nangyayari kay Sam.

"Leche! Naninibago ako sa climate ah." Tugon ni Alexa habang pinapay-payan ang sarili. Sa halos seven years ba naman na nag stay kami sa Singapore malamang maninibago ka talaga.

"Edi bumalik ka na lang ulit sa Singapore." Mataray kong sagot sakanya.

"Babalik lang ako sa Singapore pag kasama ko na si Sam." Sagot niya naman sabay ngiti kaya napailing na lang ako.

"Sis, huwag kang demanding. Almost seven years na sila ng Shaira na yu'n." Pang aasar ko sakanya. After almost seven years, hindi pa rin siya nakakamove on kay Sam. And for that almost seven years she never had a boyfriend. Ganyan kabaliw kay Sam ya'n

"I know. But i'm still hoping na baka bumalik ang feelings niya para sakin." Malungkot na pagkasabi niya. Tinignan ko lang siya sa mga mata at diretso lang rin ang tingin niya.

"Max! Lex!" Tawag samin kaya hinanap namin kung sino ang familiar na boses nayu'n.

"Hailey!!" Masigla naming sigaw ni Alexa at patakbong napalapit kina Hailey at agad siyang niyakap. She's with her fiancé and Monterde boys, except ata kina Enno, Stefan and Sam. Silang tatlo lang ang hindi sumama para sunduin kami.

"Shit ang ganda niyo." Manghang pagkakasabi ni Miggy kaya napatingin naman kami sakanila na nasa likuran ni Hailey. May pagtataka sa mga mukha nila at ewan ko kung bakit.

"Kayo ba talaga y'an?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Tobby kaya napatawa kami.

"Ay hindi. Hindi kami to." Pambabara naman sa kanya ni Alexa.

"Ahh sila nga. Ugali nga yan ni Alexa." Tugon na lang ni Tobby kaya napailing-iling na lang ako sakanila.

"Wahhh! Na miss ko kayong dalawa." Naka pout na tugon ni Hailey kaya matalim namin siyang tinitigan.

"Nakakatampo ka ha! Hindi mo sinunod ang sinabi namin."

"Well Max, as what i said, mahal ko to." Hawak niya sa kamay ni Julean kaya napatingin naman kami kay Julean na mukhang naiilang samin ni Alexa.

"Tss, nahihiya ka pa ngayon samin? E dati nga lang walang hiya ka." Pag bibiro ni Alexa kaya napatawa naman si Julean.

"Medyo lang naman." Sagot niya naman.

"Na miss ka rin namin Hailey..."

"Na miss namin kayong lahat." Nakangiting tugon ni Lex.

"Group hug!!" Sigaw ni Tobby kaya napakunot noo kami ni Lex nang lumapit sila at pabilog kaming niyakap.

"T'Teka nga, kailan pa nauso ang group hug na yan?" Natatawa ko namang tanong.

"Dati lang." Natatawa namang sagot ni Tobby.

"Grabe no? Nag iba na talaga kayong mag kambal..." Tugon ni Zach at pinasadahan kami ng tingin.

"Mukha na talaga kayong mga professional sa porma niyo. Dati para pa kayong dugyutin." Dugtong niya dahilan para mapatawa sila kaya napairap naman ako.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon