Kinabukasan
Chaelyn POV
Nagising ako dahil dumampi sa mukha ko ang liwanag ng araw.
Napa upo ako sa higaan ko at napatingin sa higaan ni Hailey.
Walang pasok ngayon pero ang aga niyang nagising.
Tumayo na ako at as usual dumiretso sa C.R at ginawa ang morning ritual ko.
Matapos kong gawin ang morning ritual ko ay lumabas na ako ng room.
Napasilip ako sa baba dahil sa ingay na naririnig ko mula sa salah.
Nakita ko ang mga pinsan ko at yung mga boys na naka upo sa couch habang nag tatawanan.
Si Max naka sandal sa balikat ni Enno habang si Julean naka higa sa lap ni Hailey at si Lex naman naka upo sa tabi ni Max at mukhang nag aasaran sila ni Sam.
Teka.
Asa'n si Stefan?
Sina Miggy, Zach at Tobby lang ang naka upo sa gilid.
Bumaba ako at lahat sila napatingin sakin.
Nginitian ko lang naman sila.
"Good morning Chae." Bati nila sakin.
"Goodmorning din. Asa'n si Stefan?" Tanong ko sa kanila ng nakangiti.
"Tama natanong mo Chae. Di pa kasi siya lumalabas ng room niya." Saad nalang ni Sam.
Tumango-tango ako at akmang aakyat ulit nang mag salita si Max.
"Oh? Pupunta ka sa room ni Stefan?" Tanong niya. Tumango naman ako sa tanong niya.
"Know your limits Chae." Nakangisi niyang banta kaya napa rolled eyes nalang ako.
Ano akala niya sakin? Bata? Eh mas matanda pa kaya ako sakanya. Tsk
Umakyat na ako at dumiretso sa room ni Stefan.
Kumatok muna ako bago binuksan ang pintuan ng kwarto niya.
Sobrang laki ng room niya at sobrang linis. Ito ang unang beses kong makapasok sa room niya.
Puti lahat. Yung wall, couch, door ng c.r, carpet, Curtain tapos may terrace siya.
May malaki ring portrait ng picture niya sa bandang taas ng head board ng higaan niya.
Inilibot ko pa ang paningin ko at puro picture niya lang ang nakikita ko.
Meron siyang picture together with his parents pero halatang di sila close ng parents niya sa picture.
Yung kwarto ko nga kahit na hate ko noon ang parents ko marami pa din kaming picture together.
Lumakad ako papasok at napatingin sa king size bed kung saan naka upo si Stefan at parang may ginagawa.
"Hey." Bati ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]
FanfictionFrom Strangers to Lovers.. Once you fall inlove mahirap ng tanggihan, Kahit na alam mong hirap kana ipinaglalaban mo pa. Yung tipong sinabihan ka na niyang umalis sa buhay niya pero di mo parin magawa kasi nga mahirap ng burahin. Parang sakit na hin...