Nineth Chapter

679 14 10
                                    

Enno POV

Four months na naming kasama ang apat na makukulit dito sa bahay.

It's a roller coaster ride actually. May funny moments, pero more on war moments.

"Zach? Bakit parang di ka ya'ta close sa mag pipinsan? Diba friendly ka sa mga babae?" Takang tanong ni Miggy.

"Oo nga, parang umiiwas ka sa kanila." Singit ni Julean.

"Hijo may bisita kayo." Singit ni aling loleng.

Taka ko naman siyang tinignan, ganu'n din ang anim kong pinsan.

Wala naman kaming barkadang pupunta dito ngayon huh.

"Sino may bisita dito ngayon?" Tanong ko sa kanila at blangko lang nila akong tinignan.

"Mga Hijo? Patutuluyin ko ba o hindi?"

"Patuluyin niyo po manang loleng." Sagot naman ni Sam.

Nalaglag nalang ang panga ni Miggy nung pumasok ang limang babae sa mansion.

"Miggy wag tumingin sa iba. Loyal ako. Huwag please huwag." Naka takip mata na sabi ni Miggy.

"Gan----patay, lagot naman ako nito kay Hailey." Tulala namang sagot ni Julean.

Napatayo naman ako habang nakapamulsa at sinundan ako ng mga pinsan ko.

Nung makalapit na kami sa limang babae, napansin ko naman na diretsong nakatingin sakin yung isang babae.

"I don't care who you are. Pero pwede na kayong umalis" Seryoso kong saad.

"Kanino bang mga bestfriend to?" Naka point na tanong naman ni sam samin.

"Baka naligaw lang." Walang emosyong tugon naman ni Tobby.

"Ganito na ba ako ka gwapo para habulin ako ng mga admirers ko pati dito sa mansion?" Singit ni hyung Stefan.

Sabay sabay naman namin siyang tinignan ng masama.

"Di kami nag ha-hire ng maid ngayon, pwede na kayong lumabas." Wala paring emosyong sabi ni Tobby.

"Mukha ba kaming maid? Kung gusto mo kaming palabasin mauna ka." Wala ring emosyong sabi nung isang babae sa likod.

"Tobby, Lumabas ka na daw kasi para lumabas din daw sila." Seryosong sabi naman ni Miggy.

Napatawa naman sa likod sina Julean at Stefan.

"Uy, itago niyo si Julean. Mahirap na." Tugon ni Miggy sabay takip sa mukha ni Julean.

Baliw talaga.

"Hey guys. Di niyo ba kami pauupuin muna?" Nakangiting tanong nung isa.

"Uh, wait. Upo kayo dito." Aya ni Stefan sa mga babae papuntang sofa.

Sumunod naman kaagad ang mga babae.

Nakita ko namang kaagad tumakbo si Tobby papuntang sofa at agad itong humiga sa sofa at sakto rin namang uupo na sana yung isang babae kaya tumama yung paa ni Tobby sa butt nung isang babae.

Para tuloy akong matatawa.

"Epal ka talagang Tobby ka!" Sigaw nung isang babae sabay hampas kay Tobby.

Pero si Tobby pumikit lang.

"Matutulog ako dito." Tugon niya lang.

Kulit.

"Aish, tumigil ka nga Tobby. Du'n ka sa kwarto mo matulog." Galit na sabi ni Hyung Stefan.

"Bakit ba? Palabasin niyo na kasi sila." Galit rin na sabi ni Tobby.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon