Twentyeight Chapter

368 10 0
                                    

Max's POV

Pagkagising ko ay agad akong pumunta sa kwarto ni Alexa. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya kumunot ang noo ko.

Ba't tulog pa'to ngayon? Himala huh. Usually kasi mas maaga siyang nagigising kaysa sakin.

"Lex! Gising ka na ba!?" Pasigaw kong tanong. Hindi parin siya sumasagot kaya pinabayaan ko na lang siya at bumaba na tsaka dumiretso sa kitchen.

"Ya? Gising na ba si Alexa?" Tanong ko sa maid namin.

"Oo. Kanina pa Max, nag timpla nga yun ng gatas dito at bumalik naman din agad sa kwarto niya." Sagot niya habang nag pupunas ng mga baso. Napakunot naman ang noo ko. Kanina pa pala gising eh, bakit di niya ako pinansin kanina? Tsk, ano kaya ang nangyari kagabi? Ano kaya ang pinag usapan nila ng mommy ni Sam? Aish!

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi siya puntahan ulit sa kwarto niya. Kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas, bumungad sakin ang blank expression na mukha ng kambal ko.

"A'Anong nangyari sayo?" Tanong ko habang pinapasadahan ko siya ng tingin.

"Wala." Tipid niyang sagot sakin tsaka  ako nilagpasan.

"Hoy! Nag away ba kayo kagabi ni Sam?" Tanong ko ulit habang nakasunod sa kanya. Hindi siya sumagot at diretso lang siya papunta sa kitchen.

"Oy Alexa." Tawag ko. Kumuha siya ng tubig sa refrigerator at hindi parin ako pinansin. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Alexa." Tawag ko ulit. Bumuntong hininga siya at humarap sakin. Akala ko mag sasalita na pero ngumiti lang ito at nilampasan na naman ako. Ano kaya ang nangyari kagabi? Nag away ba sila ni Sam? or baka........

Napailing na lang ako sa inisip ko. Huwag naman sana. Sana mali ang iniisip ko.

Sinundan ko ulit siya pabalik ng kwarto niya pero napatigil na lang ako ng bumukas ang pintuan kaya napatingin ako du'n.

"Ma'am may bisita po kayo." Sabi ng maid namin.

Familiar ang mukha ng babae. Siguro nasa mid 50's na siya. May kasama siyang isa pang babae at si........VERONICA?

Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at diretso ko lang na tinitigan si Veronica.

"Hi Max." Bati niya sakin sabay ngisi.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Well, parang nakalimutan mo na ata ang sinabi ko sayo." Mataray niyang pagkakasabi.

"Sisiguraduhin kong you'll regret this. Sinaktan niyo si Yeri kaya sasaktan ko rin kayo. Pinili mo ya'n Enno? Tsss, di  mag tatagal masisira din yang relasyon niyo. Mark my word asshole!"

Napatingin ako sa familiar na babae nang maalala ko ang sabi noon ni Veronica. Lumapit siya sakin habang seryoso ang mukha. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sampalin. Hinawakan naman ako ni Alexa na kadarating lang.

"How dare you?!" Sigaw ni Alexa.

"Well tama nga sila. Mga wala kayong respesto! I'm Enno's Mother." Sabi ng babae na hindi ko na ikinagulat. Tama nga ang iniisip ko, nanay nga siya ni Enno. Pero bakit niya ko sinampal?

"Lumayo ka sa anak ko. Hindi ka nababagay sakan-" Hindi na tapos ang sasabihin niya nang biglang mag salita si Alexa.

"You don't need to say that Mrs. Monterde dahil lalayo naman talaga kami sa mga anak niyo kaya bukas ang pintuan para lumabas na kayo." Diretsong sabi ni Alexa dahilan para mapakunot noo ako.

"No. Hindi ko iiwan si Enno." Pag mamatigas ko sa kanila.

"Please, huwag niyo kaming siraing dalawa. I love your son. Please." Pagmamakaawa­ ko sa kanya. Umiiyak ako habang nakahawak sa mga kamay niya. Napatawa lang siya at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon