Alexa's POV
Naka bihis na ako ng skyblue dress at isinuot ang heels ko. Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror at huminga ng malalim. Kinakabahan ako dahil ma mi-meet ko na ang mommy ni Sam. This is my first time to meet my boyfriend's mother. Iniisip ko na baka hindi niya ako matanggap para sa anak niya. Sana maging maganda ang pagkikita namin at sana matanggap niya ako.
Napatingin ako sa nag bukas ng pinto. Si Max pala.
"Are you ready?" Bungad niya kaya napatango naman ako at nag smile.
"Nag lipstick ka ba? You look pale." Sabi niya sabay lapit sakin.
Kinakabahan nga kasi ako diba? Tsk.
"Y'Yeah, light lipstick lang." Sagot ko at binalik ang tingin sa mirror.
"Tsss, kinakabahan ka no?" Tanong niya at sinuri ang mukha ko mula sa salamin.
"Baka kasi hindi ako matanggap eh." Kinakabahan kong sabi sa kanya. Kumunot naman ang noo ko ng niyakap niya ako mula sa likod.
"You're pretty. Mag pakabait ka lang du'n mamaya. I think magugustuhan ka na nu'n."
Napatawa naman ako sa sinabi ng kambal ko. Kahit papa'no nabawasan na ngayon ang kaba ko.
"Thank you Max." Sabi ko nalang at nag smile sa kanya. Umirap naman siya sabay tawa at kumalas sa pagkakayakap sakin.
"Baba na nga. Sam is waiting for you downstairs. Tawagan mo ko pag nag kaproblema huh?" Sabi niya kaya tumango ako at bumaba na patungong salah. Nakita ko agad si Sam na naka upo sa sofa. Hindi nya ma mi-meet si mommy at daddy ngayon dahil nasa Iloilo sila for our business kaya sa pagbalik nalang nina mommy ko siya ipapakilala bilang boyfriend ko na. Ngumiti ako sakanya ng mapansin na niya ako. Naka white longsleeve siya na naka fold hanggang siko.
"Hi sungit, let's go?" Bungad niya agad.
"Yes." Tipid kong sabi.
Shit! Kinakabahan talaga ako eh.
Nang makalabas na kami ng bahay ay binuksan niya na ang pintuan ng chopper niya para maka pasok na ako. Nang maka pasok narin siya ay tinitigan niya agad ako.
"You're so pretty. Don't worry mabait si Mom. Sorry kung hindi mo muna ma mi-meet si dad ngayon busy kasi." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Napangiti naman ako sa kanya.
"Ok lang." Sagot ko na lang. Kahit mommy niya lang ang ma mi-meet ko dun kinakabahan parin ako.
Nagtungo na kami sa bahay nila. Maganda ang bahay nina Sam pero mas maganda parin ang mansion nila. Nang makapasok na kami sa gate ay ipinark niya na ito. Agad siyang lumabas at umikot papunta sa pintuan ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan.
"You're trembling. Wag ka ngang kabahan." Sabi niya at niyakap ako.
"Baka hindi niya ako matanggap eh." Nangangamba kong sabi.
"Tanggap ka nu'n. Basta ako bahala sayo." Aniya sabay kalas sa pagkakayakap at hinila na ako papasok ng bahay nila. Sinalubong naman kami ng mga maids nila.
"Goodevening sir." Bati ng mga maid.
"Where's mom?" Tanong agad ni Sam.
"Sa kwarto niya po. Kanina pa po siya nag hihintay sa inyo." Sagot ng maid.
"Please call her." Sabi niya sa maid at hinila niya na ako pa upo sa sofa nila.
Tumango naman ang maid at Dali-daling umakyat sa hagdan.
Ayan na Alexa. Makikita mo na ang mommy ng kaisa-isang lalaking minamahal mo.
"Dito ka lang muna sungit ha, may kukunin lang ako sa sasakyan." Paalam ni Sam kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya kaya napangiti narin ako at napatango tsaka siya umalis na.
BINABASA MO ANG
The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]
FanfictionFrom Strangers to Lovers.. Once you fall inlove mahirap ng tanggihan, Kahit na alam mong hirap kana ipinaglalaban mo pa. Yung tipong sinabihan ka na niyang umalis sa buhay niya pero di mo parin magawa kasi nga mahirap ng burahin. Parang sakit na hin...