THE OTHER DAY
Stefan POV
Gusto ko ng itigil kung ano man ang ginagawa ko noon dahil iniwan ako ni Chae, pero ito ako ngayon sa isang bar kasama pa rin ang mga barkada ko dahil niyaya nila ako, birthday kasi ng isa sa mga barkada namin, pero wala dito si Mike dahil ayaw na niyang sumama sakin. Binalaan kasi siya nina Enno at Zach sa kabila ng nangyaring aksidente dati. Sinabihan ko naman na ang mga pinsan ko na walang kasalanan dun si Mike pero ayaw maniwala kaya wala na kong magagawa pa. Wala rin naman akong balak mag pakalasing dito. Payapa na ang isip ko kay Chae at sa mama ko. Ayoko ng ibalik yung nararamdaman kong sakit noon dahil baka mabaliw na ako. Although si Chae pa rin ang nag mamay-ari ng puso ko, gusto ko lang talagang kalimutan ang mga problema.
Napatungga na lang ako ng isang baso ng alak at bahagyang napailing.
"Stefan, may ibibigay kami sayo." Nakangiting sabi ng isa naming barkada kaya napakunot noo ako.
"Masarap tong alak na to." Abot niya ng isang baso ng alak kaya napangisi ako bahagya at napailing.
"May inumin na ko. Sayo na lang ya'n."
"Mas masarap naman to kaysa sa inumin mo. Mas matapang to. Try it man." pumilit niya.
"Oo nga Stefan. Isang baso lang." Pumilit rin ng iba kaya nag dadalawang isip ko namang inabot ang hawak niyang baso.
"Stefan! Stefan! Stefan!" Sigawan nila kaya napatingin ako sa inumin.
Bahala na.
Nilagok ko ang lamang inumin ng baso kasabay ng pag palakpakan nila.
"Ano bro? Isa pa?" Natatawa nilang tanong kaya napangisi na lang ako at inabot sa kanila ang baso.
Menzy POV
Papunta ako ngayon sa isang bar kung nasaan si Stefan dahil tumawag sakin ang kaibigan ko at sinabi na lasing na lasing na daw si Stefan. Pag dating ko ng bar ay agad akong bumaba ng sasakyan ko at pumasok na. Pag pasok ko ay sobrang dami ng tao at sobrang ingay ng paligid na tila ba parang mga hayop na bagong kawala sa kulungan nila.
"Miss, can you join us here?" Lasing na tanong nung isang lalaki kaya napaiwas ako at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko.
"H'Hindi ako umiinom." Sagot ko na lang sa kanila habang pilit na binabawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ng isang lalaki. Nagulat naman ako ng may humila sakin.
"Who told you to touch my girl?" Lasing na tanong nung lalaking humila sakin at nung tignan ko ito ay si Stefan ang tumambad. Hindi na nakasagot pa ang lalaki at bumalik na lang sa kinauupuan niya. Hinila ako ni Stefan papunta sa mga barkada niya at humarap sakin.
Halatang marami ang nainom niya at wala na siya sa sarili.
"Chae, bumalik ka na pala galing London." Nakangisi niyang sabi habang papikit na ang mga mata.
"Sabi na eh, hindi mo ko matitiis."
Ngayon, si Chae na ang paningin niya sakin.
"Hey! Everyone listen up!" Sigaw niya sa mga barkada niya dahilan para mapatigil sila sa pag pa-party at mapatingin samin ni Stefan kaya pilit ko namang pinigilan si Stefan.
"Stefan that's enough. Let's go home..." Aya ko sa kanya pero napangisi lang siya.
"Stefan, i uuwi na kita." Tugon ko at inalalayan na siya.
"Okay guys nevermind. Uuwi na kami ng girlfriend ko." Lasing niyang sabi at inalalayan ko na siya palabas ng bar.
"Hey Menzy!" Napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko kaya nilapag ko muna si Stefan sa loob ng sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]
FanfictionFrom Strangers to Lovers.. Once you fall inlove mahirap ng tanggihan, Kahit na alam mong hirap kana ipinaglalaban mo pa. Yung tipong sinabihan ka na niyang umalis sa buhay niya pero di mo parin magawa kasi nga mahirap ng burahin. Parang sakit na hin...