Baka magtaka kayo kung bakit may suitor pa ako.. Well, suitor ko na sya bago ba dumating si Kit. Siya.. si Kur Relator. Gaya ni Kit, half-korean din at may kamukha ding koreanno.. Waahh.. Oo, hmm.. hindi naman sya super kahawig pero, may mga sandaling mapagkakamalan mo syang si..
LEE MIN HO!
Oh, ang lakas maka-The Heirs ng story ko noh?
Kaya hindi ko sya masyadong nakikita dahil sa Engineering department yan. At kaya nandito yan.. Malamang, umabot na sa'kanya ang balitang kami na ni Kim WooBin ay.. Kit pala. >.<
"Rose.." sabi nya, pero tinalikuran ko lang.. nuuba.. kasama ko ang boyfriend ko.
"Sino sya?" nagtatakang tanong naman ni Kit na halos makalad-kad ko na sa kakatakbo.
Pero hinabol parin kami ni Kur. "Rose, wait.." Para matapos na'to, tumigil naako..
"Look, Kur.. may boyfriend na ako ok?"
"Y-yan ba ang pinalit mo sa'kin?" hindi sya galit, medyo naiiyak nyang sabi. Woohh! Tumango lang ako.
"Ano bang pinagkaiba namin? Gwapo din naman ako, half din naman.. ano pa bang kulang Rose.. isang taon akong nangligaw, pero bakit ganun? Kulang pa ba ang ginagawa ko..?" naiiyak nyang sabi.. si Kit naman, tumahimik lang and ohh.. ang daming estudyanteng nanood sa'min. "Rose.. ano.. kailangan ko pa bang mag-shift ng course para lang maipakita ko kung ano talaga--"
"No Kur.. Please.. respect my decision.. and sorry dahil pinaasa kita, sorry dahil hindi kita masasagot.. hanggang friends lang talaga eh, I hope you'll understand that.."
"Hindi.. hindi ko kaya.." pa-iling-iling nyang sabi habang umiiyak. Nilapitan ko sya at pinahid ang mga luha nya. Napaka-dali talagang umiyak ng bestfriend kong 'to..
Yes. He's my bestfriend. And nagconfess sya noong graduation namin sa highschool. Yiiee~ Valedictorian yan eh, tapos yung confession nya idinaan nya sa Valedictory Speech. Gosh, nahiya ako dun. Tapos hanggang ngayon.. nangliligaw parin.
"Wag kanang umiyak.." sabay yakap sa kanya.
"Rose.. I can't, masakit ehh," humihikbing wika nya. I just giggled.
"Hindi ka pa talaga nagmamature nuh? Iyakin ka parin.." At kumalas ako sa pagkakayakap. "Kur.. sana maintindihan mo ako.. hindi kasi natututuhan ang pagibig.. kusa itong nararamdaman."
"Yun din naman ang nararamdaman ko eh,"
"Kaya nga.. pero.. hindi mo ako matuturuang mahalin ka.. oo, mahal kita as bestfriend, pero.. doon lang talaga yun eh, and that guy.." sabay lingon kay Kit. "I love him.." tapos ngumiti. "Ikaw Kur, mahahanap mo rin ang babaeng magmamahal sa'yo ng lubos lubos.."
"Pwede ko ba syang maka-usap?" sabi ni Kur at tumango naman si Kit. At naglakad sila palayo..
HAYY.. SANA, MAGING OK LANG ANG LAHAT..
Nasa room na ako at dumating si Kit na nakangiti.. Anong meron?
"Rose.."
"Yeahh?"
"Date tayo mamaya.."
"Sure, ok lang.."
Palagi talaga akong niyayaya nyang magdate. Hahay.. Nakaka-bored na nga eh. Puro restaurant, fast food chains.. Rich kid kasi. >.<
"Asan tayo pupunta?"
"Sa future byenan mo.."
ANO DAW?
BYENAN???
KIT's POV
Nagsiselos talaga ako habang magkayakap sila nung gago.. este nung Kur na yun.. May paiyak-iyak pang nalalaman? Tss. Papansin. Gay.
"Pwede ko ba syang maka-usap?" tanong nya na nakatingin saakin. Tumango naman ako bilang tugon. Iniwan muna namin si Rose, at pumunta kami sa likod ng university, sa playground.
Ano namang pag-uusapan namin?
"Hindi ibig sabihing kayo na eh, ififeel mo na."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala, sinasabi ko lang na pag oras na paiiyakin mo sya.. sa akin ka mananagot. Huh!? walang wala yang pinagsamahan nyo sa pinagsamahan namin ni Rose.."
Hindi lang ako umimik.
"She's my bestfriend.. simula pagkabata kami nang magkasama.. naroon ako nung nadapa sya, nung umiyak sya nung naputol ang ulo ng manika nya.. sya yung asawa ko sa bahay-bahayan.. taga-kain ng niluluto kong dahon.. naroon ako nung unang period nya.. at sya ang pinapangarap kong itira sa bahay na ako mismo ang gagawa.. pero malabo yun.. naroon sya sa puso ng iba.. at sa'yo yun.. sana Kit.. alagaan mo sya.. siya ang tanging babaeng pinaka-iingatan ko.. at kapag sinaktan mo sya.. hindi ako magdadalawang isip na bawiin sya sa'yo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Natawa ako habang tumatango.
"I will never ever hurt her.. she's every second of my life.. my everything.. at hindi ako papayag na mapasayo sya."
At pareho kaming nagtawanan.
"Hayaan mo tol, darating din ang right girl para sa'yo.." sabi ko pero hindi naman sya sumagot.. nung tinignan ko sya.. nakatingin sya sa malayo at bigla nalang tumakbo.
Papunta syang abandoned building.. Ehh? Takot ako dyan.. Kaya hindi ko na sya sinundan.
At bumalik naako ng room para ayain si Rose na magdate. At para maiba ngayong araw.. Hindi sya dadalhin sa mall, o sa restaurant.. dadalhin ko sya sa puntod ni Mama at Papa. At noong sinabi ko naman yun sa kanya.. ayun namumutla. Hell, she's really beautiful.
Pagkarating namin sa memorial park, agad kong pinark ang kotse ko sa parking lot at pinagbuksan siya ng pinto. Pumunta ako sa likod ng sasakyan upang kunin ang picnic basket at picnic cloth.
Agad kong nilatag ang picnic cloth sa damo kung saan naman nakahimlay 6 ft under ang mga labi ni mama at papa. Magkatabi parin sila. Dahil noong nakita namin ang mga labi nila sa cruise ship.. magkayakap silang dalawa.
Hindi ko alam na may mga luha ulit na tumulo sa mga mata ko. Nalaman ko lang iyun ng pinahiran ng panyo nitong si Rose..
"Hi po tita Viviana, Hi din po tito Arthur.." sabi pa ni Rose habang nakatingin sa kanilang mga lapida. "Bading po ba si Kit? kasi.. ayan po ohh, umiiyak.." sabay turo sa'kin.. natawa lang ako. "Sayang po tita hindi ko po kayo nakita sa personal at kayo rin po tito.." balik tanaw nya sa mga lapida.. "Siguro po, mas masaya si Kit." tinabihan nya ako at niyakap.
"Promise ko po.. hindi na po sya iiyak.." tapos pinunasan nya ulit ang mga luha ko.. At hinalikan ako sa pisngi.
Napaiyak ako hindi dahil sa pagkawala nila mama at papa.. yun ay dahil sa kanya.. ang tanging babaeng mamahalin ko.
MY EVERYTHING.
BINABASA MO ANG
MY KALOKALIKE BOYFRIEND
FanficPa'no kaya kung maging kaklase mo yung kamukha ng iniidolo mong artista? At paano kung maging boyfriend mo pa? -KnownAsUnknown- 'nga pala, I'm not a perfect writer.. I commit mistakes, specially on my grammars and typos.. Don't expect too much. Any...