Lunes. Kagaya ng usual na ginagawa ko--gigising, babasahin ang text ni Kit, kikiligin, magrireply, magpiprepare, kakain at susunduin--at off to school na kasama si Kit.
Balik na ulit ako sa dati kong mood, alam nyo kung bakit? Kasi.. dahil kay Kit. Sya lang at wala nang iba pa.
Kahapon, sinamahan nya ako sa seminteryo kung saan inilibing si Arkin. Naka-upo lang kami ni Kit sa damo at tahimik lang kami.
Ako.. nakatitig ako sa kandilang sinindihan namin ni Kit para narin sa ikakatahimik ng kaluluwa ni Aries.
Oo, simula pa man noon, pag may nangliligaw sa akin bumabalik si Arkin. Hindi ko sya nakikita pero alam kong siya ang dahilan kaya buma-back-out ang mga nangliligaw sa akin.
Akala ko nga, ok na sya kay Kit. Hindi pa pala. At akala ko buhay talaga sya. Eh, yun kasi ang unang beses na nakita ko sya ulit eh.
"Arkin.." nakangiting wika ko habang kinakausap ang puntod niya. Alam kong ito lang ang magiging paraan upang tuluyan na akong palayain ni Arkin.
"Salamat ahh.. salamat dahil kahit wala ka na, nandyan ka parin para alagaan ako, para bantayan ako.." nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.. pero this time, nakangiti ako.
"Pero alam mo.. hindi mo na naman kailangang gawin iyun eh, magpahinga ka na.." natatawa kong wika. "Arkin, maaari bang maging masaya ka na lang para sa akin? Mahal na mahal na mahal ko si Kit, at alam kong alam mo yan," oo kaya hindi ako makalimut kasi kinakausap ko parin sya.. creepy right?
"At wag kang mag-alala, sigurado na akong siya na talaga.." at dun, biglang nagparamdam si Arkin. Medyo lumakas ang ihip ng hangin. Ngumiti naman ako at nagpahid ng luha.
"Pareng Arkin.. Anong ibig sabihin nun?" sabi pa ni Kit na medyo nangingilabot.
"Hahaha, oo daw sabi nya," natatawa kong tugon.
"Salamat naman kong ganun," sabay yakap sa akin.
~~
"WOF ulit tayo..!?" suggest niya.
"Wag kang adik, nung Friday galing tayo dun tapos nung Saturday WOF parin tapos ngayon??" Tumawa lang sya. Loko talaga 'tong isang 'to. Pumasok naman kami ni Kit sa klase.
"Para maiba.." biglang sabi nya.
"Huh?"
"Sa bahay tayo mag-date mamaya,"
"Sa bahay nyo?" tumango naman sya.
"Ok lang.. pero ano namang gagawin natin dun?"
"Hmmmmm..." para syang bata na nag-iisip while nakahawak sa baba nya. CUTE. "Movie marathon, tas wii, tas food trip.."
"Ok din yun para maiba," sang-ayon ko naman.
At nagsimula naman ang klase..
~~
Arkin is my past. Siya yung lalaking kakaiba kung magmahal. Yung tipong alam mo talagang eternal..
Pero anong magagawa ko?
May isang Kit Toralba nang naka-save sa puso ko.
He's my present. And maybe my future.
At gusto ko.. sya na ang makasama ko..
Sa pagdaan ng panahon, sa pagtanda.
Gusto ko, isang Kit Toralba lang ang kasama ko..
BINABASA MO ANG
MY KALOKALIKE BOYFRIEND
FanficPa'no kaya kung maging kaklase mo yung kamukha ng iniidolo mong artista? At paano kung maging boyfriend mo pa? -KnownAsUnknown- 'nga pala, I'm not a perfect writer.. I commit mistakes, specially on my grammars and typos.. Don't expect too much. Any...