MFITCG 1

235 8 0
                                    

~E~

Yoona's Pov

"I love you" sabi nung babae

"The feeling is mutual" nakapoker face na sabi nung lalake

"T-talaga? Mahal mo din ako?" gulat na sabi nung babae

"No. I love myself too. tss" sabi nung lalaki tapos nagsimula ng maglakad

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dun sa lalaki dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko naman sinadyang marinig yung usapan nila, nagkataong napadaan lang talaga ako dun sa room na pinag-usapan nila.

Pagkatapos ng walk out session nung lalaki, nagsimula na rin akong naglakad patungo sa classroom. Time na kasi, kakatapos lang magbell as sign na tapos na ang lunch break. Pagdating ko dun nakita kong nagsimula nang nagturo yung Prof namin.

"Why are you late Ms. Im?" nakataas na kilay na tanong ni Prof. Palibhasa matandang dalaga. Ganyan ba talaga kapag tumatanda na walang lovelife? Nagiging masungit? Bitter? haha!

"Sorry Ma'am. May dinaanan lang po." palusot ko. Alam ko naman na hindi lang ako ang gumagawa ng ganitong palusot kapag nale-late sa klase.

Tinuloy niya yung pagturo at nagsimula lang akong makinig. Good thing hindi masyadong terror tong Professor namin ngayon. Hindi niya masyadong ine-interrogate ang mga late dumadating.

Sa Lu Academy ako nag-aaral. I have my best friends Stephanie Young Hwang at Jessica Jung. They're my best friends since nursery, I treat them as my sisters at ganun din sila sa akin.

*Kriing!!*

That's a sign na dismissal na namin.

Lalabas na sana ako nang makarinig ako na sumisigaw ng pangalan ko.

"YOONA!!!* hay nako nga naman. Guess who? Only my dearest bestfirends.

"Te? Kailangan sumigaw?" tanong ko. Ang hyper ng mga to.

"Hindi naman. Na-miss ka lang namin." Yung totoo? Kakakita lang namin nung Friday ah? Oa nito.

"Oa mo naman. Nagkita kaya tayo nung Friday, gaga!"

"Naglalambing lang eh." nagpout siya. Hindi bagay. Hahaha! Ang sama ko.

"Hah! Lambing your face!" ganyan ako makipaglambingan sa mga bestfriends ko.

"Teka, Yoona uuwi ka na ba?" singit ni Jessica sa usapan.

"Oo. Kayo ba? May klase pa kayo?" Magkaiba kasi yung schedule namin. Pero may mga subjects na classmates kaming tatlo. Parang sa college kasi yung schedule namin eh. Ewan ko kung bakit pinapa iba-iba nila 'yon e pwede namang iisang section tapos magkapareho ng sched sa lahat ng subjects since high school pa naman kami.

"Ayt? Oo nga pala! Bye girls! Late na ako! Patay na ako kay Prof!" sigaw ni Stephanie habang tumatakbo palayo sa amin. Natatawa nalang kaming umiiling ni Jessica.

"Wala na akong klase. Mall muna tayo?" aya niya. Tumango nalang ako kasi alam ko namang magiging boring sa bahay kapag maaga akong uuwi.

**

"Oy! Okay ba to?" Jessica

"Okay na yan" sabi ko habang nagthumbs up. Pinakit niya kasi yung dress na napili niya. Kanina pa kami andito. Almost 2 hours na yata. Tapos na akong namili ng damit habang siya, nagpapatuloy parin sa pagpili. Andami na nga eh kala mo one month supply ng damit.

"Oh tapos na ako, Kaw ba?" Finally! Natapos na rin siya. Akala ko bibilhin niya lahat ng display dito sa botique na pinuntahan namin sa loob ng mall.

My Fiancé is the Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon