MFITCG 6

146 7 0
                                    

Yoona's Pov

Hindi ko namalayan na matagal na pala kaming nag-uusap ni Sehun. Marami akong nalaman na inpormasyon tungkol sa kanya. Marami pala kaming similarities like favorite brand of chocolate. NUTELLA. Pero like duhh~ who wouldnt like nutella right? Siguro abnormal na yung taong yun kung ayaw niya ng nutella. Haha! Allergic ones are exeptions, ofcourse.

Pareho din kaming adik sa bubble tea! at marami pang iba. Kaya naman, ang dali naming magkasundo. Inaya ko si Sehun na pumunta sa klase since classmates naman kami. And we're kinda' late na eh. Mga one hour lang naman ehh. Well, kasalanan ko bang ang sarap kausap ni Sehun? Plus! Ang bait niya pa. Hindi tulad ni Luhan. -_- Teka- bakit biglang pumasok sa isip ko si Luhan? Hanggang isip ko ba naman, umeepal parin siya? tsk tsk.

Habang naglalakad kami, pinipilit kong paalisin si Luhan sa isip ko. Nag stay-in pa kasi hindi pa nag check-out. Haha. Ginawa ba namang hotel ang utak ko? Dahil sa kabaliwang gingawa ko hindi ko namalayang nauntog pala ako sa pader. Pero- pagtingin ko................

PADER NGA! Anong nasa isip niyo? Gwapong lalake yung nabangga ko at hindi pader tapos matutumba ako tapos tutulungan niya ako tapos magiging magkaibigan kami tapos- okay, enough. Wala na akong maisip eh.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Nakarinig naman ako ng tawa sa gilid ko. Si Sehun lang naman. -_- okay, binabawi ko na yung sinabi kong mabait siya.

Tinignan ko naman siya ng masama. Pero hindi man lang makuha-kuha sa tingin tong taong to!

"Ano yung Yoona? Tanga-tangahan? HAHAHAHAHAHAHAHA!" at dahil sa lakas nang oa niyang sigaw at tawa, pinagtitinginan tuloy kami ng mga studyante na nadadaanan namin. Bwisit to.

"Hoy Sehun! Tigil tigilan m-"

"Ang tigil tigilan Ms. Im? And why are you late? Both of you." taas kilay na tanong ng History Teacher namin. Hindi ko man lang namalayan na andito na pala kami sa tapat ng room namin. At grabe tong teacher na to. Kung makapagtaas ng kilay, wagas ah! Talo pa ang Eiffel Tower sa taas.

"Ahm. E-eh." Wala akong masabi. Tinignan ko naman si Sehun na parang sinasabi na 'Anong sasabihin natin' look. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Halos sila lahat nakatingin. wait-rephrase that, sila lahat ang nakatingin sa amin with confusion written in their faces. Siguro nagtataka sila kung bakit kami magkasama since hindi naman kami close ni Sehun. I also received some glares from the girls in front who looked like clowns because of their thick make-ups.

Grabe, ilang layers na ba yan ng foundation? I'm so meaaan! Ano bang nagawa ko sa mga ito? If looks could kill I'd probably be dead by now.

"Sorry Ma'am, we just had a fun conversation at the canteen without even noticing that we're late. We really apologize ma'am." Pagkatapos yun sabihin ni Sehun, parang nagchange ang mood ni Ma'am. She smiled sweetly at Sehun tapos pinapasok na kami. Nagpatuloy lang siya sa paglelecture at nawala na ang mga tingin ng mga kaklase ko.

Ay talanding teacher to. Haha!

Umupo ako sa may tabi ni Chen. Yun lang kasi ang vacant eh. Si Sehun naman umupo sa tabi ni Lea. At kinilig naman ang lola niyo. Grabe pala ang effect nila no?

"Oy, nagdate kayo? Yhiee!" Biglang singit ni Chen. Eh?

"Hindi no. Narinig mo ba yung sinabi niya? Nag lunch lang kami."

"Oo, nga. lunch DATE." aba't pinagdiinan pa talaga yung 'date' ah!

"Sabi nang hindi eh!" napasigaw nalang ako tuloy.

"Please keep quiet Ms Im! Late ka na nga, nakikipaglandian ka pa kay Mr. Kim?! Both of you, GET OUT!!" sigaw agad ng Prof. namin. Ay tae! tinawag ba naman ako na malandi? Eh sino kaya tong todo magpa cute nung nagsalita si Sehun kanina? Ang adik ni Ma'am.

Natahimik naman ako. Bigla namang tumayo si Chen at " Thank you Ma'am sa early dismissal. HAHAHA! XD" tapos hinila niya ako palabas ng room.

"Adik ka Chen! Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo! Hahaha!" Imbes ba naman na matakot, natuwa pa na pinalabas kami ng room. Lalaking to talaga!

"Ayaw mo nun? Early dismissal. Hahaha! I'm sure badtrip yun."

"Talaga! Tinawanan mo ba naman!"

Tumawa lang ulit siya. Hahaha! Ang kuliit!

*growl*

"Ay gutom na ako tara kain tayo. "

"Halata nga. Libre mo ah. Tara, bubble tea tayo."

"Huh? Eh, hindi ako nabubusog sa bubble tea." Nagpout naman ako sa sinabi ni Chen. Eh!! I'm craving for bubble tea and nutella. Hihihi

"Ganito nalang. Magtake out nalang tayo sa bubble tea tapos we'll go buy ramen." I just nod as an agreement to what he said.

**

Bubble Tea Shop

"Miss, we'd like to order two bubble teas please." Sabi ni Chen dun sa counter.

"Dito po ba kayo iinom sir?"

"Pwedeng sa table?" tanong ni Chen

AY PUTANG INA! HAHAHAHAHA! Kalokohan=Chen

Medyo natawa naman yung cashier at tumango. Binayaran na rin ni Chen yung inorder namin.

After 10 minutes, dumating na rin yung order namin. After that we headed directly to a Korean Restaurant then ordered ramen. While eating, Chen decided to think of a topic. It would be uncomfortable to eat in silence right?

"Nga pala, ano yung sasalihan mo this coming students' fest.? "

"Well, badminton is my forte so I think yun ang sasalihan ko at essay din." I answered. Actually, I only had a conversation with Chen when we first introduced ourselves to each other. Pero ang comfortable ko na agad sa kanya and also with Sehun. Masayahin kasing tao to si Chen. He has a positive vision about life and a positive attitude towards others. Pero minsan katulad nang kanina ay nakakainis din siya. Pero what eves.

"Wala ka bang sasalihan sa music?"

" Gusto ko nga sana sa Hip hop eh. Kaso full na yung members. Hindi na pwede. Tsk."

"They already chose the members?" tanong niya

"Yup. Para daw early practice. Last last week pa nga daw sila nagmeeting nun eh. Unfortunately, I'm not part of the Dance Club. Eh ikaw, wala ka bang sasalihan?

"Meron syempre. Basketball at hip hop sa boys. Sa tingin ko naman lahat kaming 12 sasali dun." Mix lang naman yung members sa Dance Club kaso nagseparate muna yung girls at boys para ngayon.

"Diba 12 lang yung required?" tanong ko.

"Oo. Kaming lahat. Hahha!"

"So sumasayaw ka?" tanong ko.

"Sasali ba ako kung hindi?"

Talk about stupidity Yoona!

"Oo nga naman. Wait kayo lahat? Even Luhan?"

"Oo. Isa siya sa pinakamagaling na dancer namin sa Dance Club eh. " I can't believe that.

"Weh?"

" Oo ngaaaa."

"Hindi talaga kapani-paniwala, Chen." I just can't imagine him dancing. Jeez.

"Bahala ka. Baka kapag nakita mo yun sumayaw, tutulo ang laway mo. Sige ka."

"Weh? Na-try mo na?"

" Hindi. Ita-try ko pa. HAHAHAHA!"

" Ay tae. -_-"

"Ha? Asan?" tinignan ko naman siya with a 'what' look.

"Eh sabi mo may tae." Chen. TAEEEEE!! -_-

_________________________________________

Finally naayos na yung computer namin! Yeheet! :)

Thank you for reading this chapter. :) <3

My Fiancé is the Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon