Yoona'sPovAw! Ang sakit ng ulo ko! Bakit? Oo nga pala, naka-inom ako kagabi. Tumingin ako sa paligid. Trying to know what century I am in. De joke.
Nasa kwarto naman pala ako eh. Pero how come andito ako kung lasing ako kagabi? Ang natatandaan ko, nasa sala kami nag iinuman. Hmm.
30%....
60%...
90%....
100%....
Diba natumba ako kagabi? Eh bakit ako andito? Diba dapat andun andun ako sa sal--
Tumingin ulit ako sa paligid. Hindi ko naman kwarto to eh! Pagtingin ko sa tabi ko, bakit may tao?! Eh? At worse si... si....Luhan?! What the eff? Malakas ko siyang tinulak hanggang mahulog siya sa kama.
*boogsh!*
Oops? Malakas ba masyado? Hehe. ^_^v
"Ano bang problema mong babae ka?! Ha?!" Sigaw niya. Woah. Inpyernes. Ang lakas ah.
"Hehe.Peace. Masakit ba?" Tanong ko.
"Malamang! What do you expect?! Na ang sarap-sarap halikan ng sahig? Tanga ka ba? Wait, tanga ka nga!"
"Bakit ka ba kasi andiyan sa tabi ko? At dito pa talaga sa kama? And mind telling me where on earth am I?!" Sumigaw din ako.Siya ang nauna eh. Pshh.
Unexpectedly, nag smirk siya. What's happening?
"Wala ka bang naaalala kagabi?" Hala!?
"What do you mean?" Hindi siya sumagot. Instead, nagsmirk lang ulit siya.
Don't tell me, may nangyare sa amin? Eww! Chineck ko naman agad ang sarili ko. And to my relief, may saplot pa naman ako. Pati din siya. Ano ba kasing nangyare?
"Ano bang nangyare,ha?!"
"Hinalikan mo lang naman ako." Sagot niya.
Ahh. Yun lang naman pa--
"ANO?!"
Ano ulit sinabi niya? Ako? Siya? Kami? Halik? Kagabi? Hala?!
"Ayokong mag-explain. Ikaw ang may kasalanan. Kaya, ikaw ang magdusa na umalala ng mga kalokohan mo kagabi. Now, shut up! You disturbed my peaceful sleep!" Sabi niya at humiga ulit sa kama at nagtaklubong ng comforter. Kainis naman tong lalakeng ito! Eh gusto ko lang naman kasi malaman kung anong nangyare! At asan na ba ako?
Ah! Think Yoona...Think! aha!
*Flashback*
Tatayo sana ako para kumuha ng tubig kasi natutuyo na ewan yung lalamunan ko at ayaw ko na ng soju. Kaso bigla na lang nandilim ang paningin ko at naramdaman ko na ang pagtumba ng katawan ko.
*End of short flashback*
Oh tapos? Yun lang ang natatandaan ko eh. Bakit ba kase ayaw niya pang sabihin? And what? He said I kissed him last night. Weh? Pinoke ko yung cheeks niya pero ayaw pa rin. Ahh!
Mabuti pa, pupunta nalang ako sa labas. Baka bahay pa to nila na sinasabi ni Chen na 'Boys' House'. Paano magiging boys' house, eh may girls? Okay, corny. Waley ang joke ko. Pagdating ko dun sa may hallway ata? Andaming rooms! Wow. Twelve ba naman silang lahat?. White yata lahat dito eh. It is simple but elegant. Ang ganda ng pagka design ng bahay! Ngayon ko lang na-appreciate kasi masyado akong busy kagabi sa pagkain.
Dumiretso lang ako sa paglakad paputang hagdan. The stairs are made of glass and wood? Wow! Gravity. Ang ganda. I felt like a princess when I went downstairs. Ano ba yan! Para naman akong hindi anak mayaman sa inaasta ko. Psh.
It's like I am an ignorant little princess. Eeesh.
Tumitingin ako sa paligid. Nagbabasakaling makakita ako ng ibang tao. Pero wala. May nakita akong malaking vintage wall clock. Sobrang ganda din. Bagay na bagay dito sa bahay. While naglalakad ako, napahawak ako sa aking sentido. Ow! Ang sakit talaga ng ulo ko. Syet! Ano ba itooo? Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat talaga hindi nalang ako uminom!
"Yoona? Okay ka lang?" napatingin naman ako sa nagsalita. Si Sehun. Umiling naman ako.
"Ang sakit ng ulo ko! oww.."
"Haha! Hang over yan. Oh." tapos binigay niya sakin ang tasa ng kape. Ininum ko naman iyon at pumikit. Nung nahimasmasan na ako, tumingin ako sa kanya.
"Asan yung iba?" tanong ko.
"Ayun, nasa kani-kanilang kwarto. Malamang may hang-over din yun. Para ngang mga baliw kagabi sila hyung eh. Haha!" natawa rin ako. Ang kyut kasi ng mata niya pag tumatawa.
"Sehun, alam mo ba kung paano ako naunta sa isa sa mga kwarto doon sa taas? Di ba, hindi ka masyadong nalasing kagabi? Ayaw kasi sabihin sa akin nung impaktong Luhan na yun sa akin eh!" tanong ko sa kanya. Tumawa naman ulit siya.
"Baka nahihiya. Siya kasi ang nagdala sa'yo kagabi dun sa taas. Binuhat ka nga niya nung natumba ka eh. Hiya siguro yun sayo!" eh? Talaga?
"Eh bakit sa iisang kwarto kami natulog?" malay mo. Baka alam niya. :3
"Ah yun ba. Occupied na kasi lahat ng kwarto kasi dapat may isa pang guest room kaso andun yung dalawa mong kaibigan kaya ayun dun nalang kayong dalawa tutal engaged naman kayo eh. Bakit, may nangyare ba?" nang a-asar niyang sabi. -_-
I-push mo yang 'engaged' na sinasabi mo Sehun.
"Actually, meron." sagot ko.
"Talaga?!" medyo shocked ang lolo niyo. -.- Oh. Siya kung maka asar grabe. Teka. Nag gi green minded yata to. Hahaha.
"Oo. Tinulak ko siya kanina pag gising ko kaya ayun. Nahalikan daw niya ang sahig. Galit nga sa akin eh. On the second thought, palagi naman iyon galit eh." nakabusangot ang mukha kong sabi. Siya naman, tuwang-tuwa sa narinig. Ewan ko dito kung bakit ang saya-saya.
"Morning!" nabaling naman ang tingin naman sa mga nagsalita. Gising na pala sina Lay at Chanyeol.
"Oh. Hyung." binigyan sila ni Sehun ng tig-isang tasa ng kape.
"Wow. Bait ni Maknae ah!" Chanyeol.
ANO NA NAMAN YANG 'MAKNAE'? -____-
"Salamat." Lay
"Yung iba?" tanong ko sa kanila. Hindi ko na tinanong yung meaning ng 'maknae' kasi baka mapuol sila kakaturo sakin ng korean. Kung ano man ang meaning nun. Wala na akong pake. Hays.
"Tulog pa."
At dahil tulog-mantika yung iba. Kaming apat ang naunang kumain. Sino ang nagluto? Ano bang silbi ng maid? -_-
Habang kumakain, biglang nagsalita si Chanyeol.
"Sehun alam mo ba ang alamat ng cute?"
"Hindi. Ano nga ba?" Sehun
"Isang araw, pinanganak ka." Sabi ni Chanyeol.
"Hahahaha!" tawa ni Sehun
"Tuwang-tuwa ka naman? Tandaan mo, lahat ng alamat ay kathang isip lamang. :D" HAHAHAHAHAHA! Basag si Sehun. Humagalpak naman kami ng tawa habang si Sehun ay hindi maipinta ang mukha.
"Gago!"
HAHAHAHAHA! Asan yun galing? Ang korni.
----------------------------------------------------------
Credits po kung sino ang may gawa ng joke na yan. Nakita ko lang sa facebook. :D
Ciao!
![](https://img.wattpad.com/cover/18182451-288-k603316.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fiancé is the Cold Guy
FanfictionSi Yoona Im ay isang mayaman at happy go lucky na babae. Nasa kanya na ang lahat, mayaman at mapagmahal na pamilya, totoong mga kaibigan at nagagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin sa buhay. Pero ang kanyang perpektong buhay ang mawawala nang m...