MFITCG 3

149 7 0
                                    

A\N: At dahil wala kaming assignment mag uupdate ako. Hahaha!

-----------------------

~E~

Yoona's Pov

"RING-DING-DING-DING-DINGERINGEDING! GERING-DING-DING-DING-DINGERINGEDING! GERING-DING-DING-DING-DINGERINGEDING! WHAT DOES THE FOX SAY?"

Nagising ako sa sobrang ingay ng alarm ko sa phone. Naka full yung volume eh. Sinadya ko yan. Tumayo na ako at inayos yung higaan ko tapos dumiretso na sa cr para maligo. Pagkatapos ko maligo nagbihis ng uniform, nagpulbo at nagsuklay lang ako ng buhok. Bumaba na agad ako para kumain ng breakfast.

"Hi mommy! Hi daddy! Good morning!" bati ko agad sa kanila.

"Hi princess! How's your sleep?" tanong agad ni Daddy nang mapansin niyang nandoon na ako. Habang si Mommy naman nag smile lang sa akin.

"Okay naman po. Hehe." sagot ko

"Suus. Okay daw. Anak sorry talaga ah? Kung hindi lang unti-unting nalulugi yung companya natin. Hindi talaga kita ipapakasal ng maaga." nalulungkot na sabi ni Mommy.

Bakit ba siya nalulungkot ngayon? Eh parang ang saya saya nya nga kagabi nung pinag usapan nila yung kasal namin.

"Mom bakit ka ba nalulungkot? Kagabi nga ang saya saya mo eh. tss." nagtatampo kong sabi tapos umupo sabay pout. >3<

"Baby talaga. Syempre naman kahit arranged marriage lang yun, masaya parin ako na ikakasal na yung baby ko."

"Aish! Mommy naman! 16 na kaya ako! Wag mo na akong tawaging baby! hmmp!" naka pout parin ako hanggang ngayon.

"Sus. Kahit 50 ka na. Baby princess ka parin namin. Diba Hon?" malambing naman na sabi ni Daddy.

Ang sweet talaga nila. hihi~

"oo naman! Pero mamaya na tayo maglambingan. Kumain ka na Yoona at baka ma-late ka pa sa school niyo." Mabilis naman akong sumunod kay mommy.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na agad ako kila daddy at agad na tumungo sa kotse ko. Yes, I'm sixteen pero may student permit na ako kaya pwede na akong mag drive. Anywhere,anytime.

Pagdating ko sa school, pinagtitigan ako ng mga studyante haha! Ganda ko talaga! Joke! Hahaha! Dumiretso na agad ako sa classroom kasi baka late na ako.

Pagdating ko dun akala ko nagsimula na yung klase hindi pa pala. May mga nag gigitara, may mga nag-uusap, may nag-aayos ng make-up, may kumakain, may naghaharutan at marami ang iba. Umupo nalang ako sa naka-assign na upuan para sa akin tapos naglagay ng headset since hindi ko naman classmate yung dalawa kong abnormal na bestfriends.

*Boom!* (A/N: Langya tong sound effects ko! Haha! )

Natigilan naman ako nang naramdaman kong may naghampas sa katabi kong upuan. Yung upuan kasi namin may every chair may mini table kaya yung narinig kong hinampas niya ay yung mini table pala hindi yung upuan.

Napatingin naman agad ako sa katabi ko. Nagulat ako nang makilala ko kung sino ito. Siya ay walang iba kundi si L ng Infinite! haha! Joke! Si Luhan lang naman. -___- Akala ko ba hindi ko to classmate? Oo, nakita ko siya noon dun sa bakanteng classroom pero hindi ko naman aakalain na classmates pala kami. Sa tagal tagal kong pumasok dito, ngayon ko lang napansin.

Hay buhay!

Tinignan ko siya nang msama pero deretso lang ang tingin niya sa unahan. Anyare dito? Eh? Pake ko ba?

Maya maya dumating na yung Prof namin. As usual nakinig lang ako at nag copy ng lectures. Tinignan ko si Luhan. Nagkokopya rin siya, tinignan ko na naman yung penmanship niya. Okaaay... Mas maganda pa sa akin. Grabe ah! Parang babae to sumulat ah. Pang babae na nga yung mukha, pati ba naman handwriting? Hahaha! Yung totoo? Walng duda tomboy to. Nagpapanggap lang siya. Pati magulang niya, walang alam. Paano naman nangyari yon? Natawa lang ako bigla sa mga kalokohan ko.

Pagkatapos ng mataas na pagkokopya. Dinismiss na rin kami sa wakas ni mam. Tumayo na si Luhan kita ko na may 1.2.3.5.6.7.8.9.10.11. eleven na lalaking kasama niya paglabas. Ehh? Ang gwapo nilang lahat! Hahaha! Ang landi ko. Malay ko ba kung magkapareho yung ugali nila ni Luhan. Siguro nga magkaparehas mukha kasi silang barkada eh.

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang paglabas. Hindi nagtagal, tumayo narin ako para maglunch. Gutom na ang mga parasites ko sa tiyan. Hahaha!

Habang naglalakad ako patungong canteen, careful talaga ako sa paglakad. Mahirap na, baka may mabunggo na naman ako. -_-

Nagorder na agad ako ng pagkain. Pagkatapos kong kunin yun, humanap ako ng table. May nakita akong long table, ito nalang yung bakante ewan ko kung bakit walang umuupo. Well, works for me! Papapuntahin ko na lang dito sina Jessica kung makikita ko sila sa canteen.

Pinuntahan ko na yung bakanteng table tapos nagsimulang kumain. Nakita ko sila Stephanie at Jessica na parang kumakaway na ewan. Kinawayan ko sila tapos sinenyasang umupo pero ngayon mukha na silang natataranta kaya naka kunot noo ko naman silang tinignan. Mas lalo naman silang nataranta at meron silang parang tinuturo, tinignan ko naman yun.

*boogsh!*

Pero bago ko ginawa yun may humampas na sa table. Nagulat naman akong nang makilala ko ito. Si Luhan at yung mga kasama niya"Maghanap ka na ng ibang mesa. Amin to." maangas niyang sabi sa akin.

"Bakit, sa pagkakaalam ko school's property to ah?! Tsaka may pangalan mo ba? ha?!"

"Ako ang anak ng may ari nitong paaralan so technically, akin nga yan. tsk! Alis!" tapos tinulak niya ako dahilan para mapahakbang ako palayo ng tatlong beses. Umupo naman agad siya pagkatapos nun. tsss.. ang epal talaga nitong lalakeng to! arrghh! badtrip! Okay lang sana kung sinabi niya yun sa mas maganda at mas mabait na paraan. At sana susulpot siya kung kelan hindi ako kumakain. Nakakawalang gana yang mukha niya!

"Wala akong pakialam kung ikaw yung anak ng may ari ng paaral na ito! tsk! Anak ka lang! Kaya wala kang karapatan na gawin to! bwiset!" hinahampas ko siya

Tumayo naman siya tapos may binulong siya sa akin"If you won't stop, baka i-cancel namin yung pagme-merge ng companya natin at tuluyan ng bumagsak yang companya niyo." tapos nag smirk pa siya. Gusto ko sanang matawa kasi naisip ko yung dahilan ng Dad niyakung bakit siya pinayagan ipa-arrange marriage. But this is not a good time for joke because he's really getting in to my nerves!

"As if you can! That is not for you to decide! Whatever. Since nawalan rin naman ako ng gana aalis na ako. Nagsasayang lang ako ng oras sa pakikipag-usap sa isang mukhang tomboy"tapos kinuha ko yung gamit ko sa upuan na ginamit ko kanina. Pero hinawakan niya yung braso ko. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Anong sabi mo?" winaksi ko yung kamay niya

"Pinagsasabi mo diyan"

"Tomboy? Do I look like a lesbian to you?"nag smirk naman ako

"Yes." His jaw clenched and I heard some of his friends laughed.

**

Bumalik nalang ako sa classroom kahit hindi pa ako naglunch. Nakakawalang gana yung mukha nun eh. -_-

Kinuha ko yung aking cellphone at naglaro ng piano tiles. Download nga kayo, try niyo. Nakaka adik at the same time nakakawala ng stress. Tamang tama para sa situasyon ko ngayon. Naisip ko lang. Ngayon pa lang na nagkikita kami sa school,nagbabangayan na kami. Paano na kaya sa mga susunod na araw, buwan at taon? Knowing that starting today, we'll start living in one roof.

Hindi nagtagal unti unting dumadami yung mga estudyante sa loob ng room at dumating na yung Prof namin sa Math at nag start na sa discussion. Ito yung last subject namin kasi may meeting yung iba namin teachers.

Uuwi na sana ako nang maalala kong sasabay pala ako ngayon kay kumag para daw sabay kaming pupunta dun sa 'bago naming bahay'. The term itself is already giving me goosebumps. Ugh

----------------------------

Guyth! Sinong gusto ng dedication? :D

~E~

My Fiancé is the Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon