Kabanata 4

68 5 16
                                    

Ginevra Jean's POV

~Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig di matatapos~ 🎶🎵

"Putek nakakamiss naman maging junior high, ayoko na ditoooo!!"

"Oo jamming lang tayo noon e HAHAHA"

Kunwari nakakarelate ako kaya nakikitawa ako. Ang hirap maging out of place minsan kasi hindi mo alam sasabihin mo o hindi mo alam kung magcocomment ka ba. Ganun.

"Bakit alam ni Green yung lyrics ng Magbalik? Pati chords alam eh! Akala mo hindi nagkaamnesia eh"

Alam ng buong klase na may amnesia ako kasi sinabi ng magaling kong kaibigan *note the sarcastic tone*. Pero isa din naman ako nakikikanta at naggigitara para tugtugin yung Magbalik.

"Bongoks, 2009 palang may kanta nang ganun! So ibig sabihin, grade 5 palang ako alam ko yung kanta yun." Paliwanag ko eh totoo naman na 2009 nirelease yun. Wala lang, share ko lang ano ba kayo :(

"Marunong ka nang mag-gitara dati pa?" Tanong ni Junie habang kumakain ng chichirya. Recess time na kasi at buti na lang walang masyadong nakakastress na pinapagawa kaya ayan tumugtog na lang kami.

"Ah ewan ko, siguro? Grade 5 I think una kong hawak sa gitara. Marunong ba ako Felicity? Gumaling ba ako?" Tanong ko sa katabi kong nagkikilay. Hilig magkilay! Pero nung summer kasi, triny ko mag-gitara tapos nadalian ako?

"Huh? Oo naman! Lahat naman ginagawa mo e pati cheerleader ka din pero joke lang yung cheerleader. In short, bida-bida." Agad naman siyang binatukan ni Nixon na dahilan na naman ng mahabang sagutan nila.

Lumabas ako ng classroom para sana mag-cr kaso nakita ako ng isang professor. May mga dala dalang mga test papers. Alam ko na agad ipapagawa nito.

Napunta ako sa building ng ibang mga strand. Layo ah partida 30 mins lang 'tong recess namin. Yung building kasi namin na mga STEM at ABM, nakabukod kaya kapag magssyota kang makikita, kadalasan nasa iisang building lang.

As if namang magssyota ako. Bakit ba ako nagkukwento ng mga magssyota sa school na 'to.

5 mins din ang inabot ng paglalakad at pag-akyat ko ng 5th floor ng building na yun. Ah pambihira, kung hindi lang sinabi ng prof ko na mayroong plus recitation edi hindi na ako gumora dito.

Kumatok muna ako sa pinto ng HA-1 at buti na lang may lumabas agad na tao. Pero hindi ko naman inexpect na si Cass agad yung lalabas.

"Oh hello! Nice to see you again!" Masayang bati niya sakin. Hindi agad kasi ako nakapagsalita dahil sa gulat kaya ngumiti na lang ako.

Tinignan niya yung hawak ko na mga test papers.

"Amin ba yan?" Binigay ko naman agad sa kanya. Aabutin na niya sana kaso may tumawag sa kanya mula sa loob ng room nila. Hindi ko alam na hindi niya pala hawak talaga kaya nabitawan ko yung test papers and nagkalat sa lapag.

"Hala sorry!!" Nataranta naman kami parehas kasi baka madumihan at apakan ng iba.

Napatingin ako sa isang papel dahil perfect ang nakalagay dito na marka. Woah, talino. Hindi pa ako tapos basahin ang buong pangalan ay biglang hinablot ni Cass yung papel.

"Hala ang cute naman ng pangalan na Kid Rai... Hindi ko nabasa yung next na name eh."

Napaiwas ng tingin sakin si Cass pero nagsalita siya. "Hindi na nga siya pumapasok eh. May sakit daw sabi ng parents."

Tumango na lang ako at binigay sa kanya yung mga nakuha kong papel. Nag-thank you siya at pumasok na sa room nila. Bumalik na lang agad ako sa room namin since 5 mins na lang ay tapos na ang recess time.

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon