Kabanata 12

29 5 63
                                    

Ginevra Jean's POV

Pagkauwi ko agad, well nagpalusot pa ako kay Taz na may gagawin pa ako sa bahay, dumeretso agad ako sa kwarto. Tinanong pa ako ni Lola bakit daw ako nagmamadali pagkaakyat.

Pinagbubuksan ko mga drawer box ng mga lamesa sa kwarto ko. Sinimulan kong ilatag lahat ng kung ano anong gawin na makikita ko sa mga drawer box kahit mismong balat ng candy.

I have to find something. Sign naman po diyan oh, sign sign sign!! Puro papel lang nasa mga box anak ng tokwa wala ba akong mga photo album o kaya naman diary chenes? Bakit ngayon ko lang naisip yun?!

Bumaba ako para tawagin si Lola na nasa sala lang, nanunuod ng TV Patrol. Every Lolas in our lives, laging nanunuod ng balita kahit nasa kapitbahay 'to.

Pero anyway, hindi naman yun yung pinunta ko kay Lola. Kailangan kong malaman mga sikretong malulupit na hindi ko alam at sa tingin ko masisiraan ako ng bait kapag nalaman ko.

"LOLAAAAA MAY MGA PHOTO ALBUM BA AKO?!?!?" Sigaw ko kahit nasa hagdan palang ako. Buti na lang hindi ako natapilok kahit nagmamadali ako.

"Ah nasa kwarto ko. Nasa cabinet." Dumeretso naman ako sa kwarto niyang nasa katabi lang ng sala. Pagkapasok ko doon, bumungad sakin yung posters ni Lola ng Elvis Presley. Hays, 'wag na kayo magtaka sa lahi naming fangirls.

Pumunta ako sa cabinet niya at hinalukay ko dun sa ibaba. May plastic box dun na transparent tapos makikita mong puro photo album siya. Binuhat ko na lang yung box at tsaka umakyat sa kwarto ko ulit.

Sa sobrang dami, inabot ako ng 10pm kakatingin, bukod sa natuwa akong tignan mga dalaga pics ni Lola, mga pictures ng parents ko, mga baby pics naming magpipinsan at kung ano ano pa, wala akong nakitang iba. Ang sad, wala ba akong picture nung moving up ko nung Grade 10? or ano?

May nakasabit lang sa sala yung mga graduation pic ko, kasama na doon yung moving up.

Hindi ko puwedeng tanungin si Felicity dahil feeling ko, may tinatago rin siya sakin. Bakit hindi ko agad naisip ko at umabot nang ilang buwan na naniniwala sa sinasabi ng lahat? Pero may tiwala parin naman ako.

Ay wait, diba classmate ko dati si Kid? Sabi niya? Sa kanya kaya ako magtanong? Kaso wala naman akong contact sa kanya eh. Kapag tinanong ko naman kay Cass, baka sabihin kay Taz. Hays, ang hirap magtiwala. Parang konektado kaming lahat sa isa't isa.

Kinalikot ko din facebook ko at twitter ng lahat ng kilala kong alam kong sangkot dito. Bakit ba sila magkakakilala? I mean dun muna tayo sa Siyam na nakita ko. Nandun si Nixon so tropa na talaga sila ng spades before pa sila sumikat ngayon.

Si Prince lang hindi ko nakita. It doesn't mean naman na hindi na agad siya damay dito pero I have feeling now na kilala rin siya nila Nixon dati. Si Reese? Gusto niya si Zild sabi niya matagal na. How come? Dahil matagal na rin silang magkakilala?

Hindi naman nila siguro lalapitan kung wala rin silang kailangan sakin 'no? Bakit sinabihan ni Taz si Ian na 'wag na 'wag siyang magpapakita sakin? May kasalanan ba yung taong yun sakin noon? Mukha naman siyang matino nung unang kita ko sa kanya pero ngayon na may narinig ko kay Taz, my first impression doesn't seem right.

Sa sobrang dami ng naiisip kong possibilities, sumasakit ulo ko na naman kaya humiga na lang ako at pumikit to ease the pain sana. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako kahit ang kalat kalat ng kwarto.

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon