Kabanata 3

94 5 10
                                    

Felicity's POV

I know this is too early but man! Kating kati na ako kamutin sa mukha si Cass, lakas niya din e no? Dapat wala talaga akong pakialam dito kay Cass kaso kapag nakikita ko si Unique na nagpapanggap diyan? Ngingiti-ngiti lang? Parang gusto kong manugod.

"Felicity, diba?" Ulol, kilalang kilala mo ko. 'Wag mo ko kausapin Cass napakahaba ng ssss sound sa pangalan mo daii tsk tsk.

"Oo bakit?" Sagot ko habang ngumunguya ng pagkain. Napansin kong napatingin si Green sakin at kay Cass na hindi ko man lang tinignan pabalik. Sino ba siya? Lol.

"Wala naman, napapansin lang kita sa school." Ngumiti pa ang gaga, hindi porket short hair ka na ngayon hindi kita masasabunutan? Next time.

"Wow, sikat pala ako. Sa dami ng estudyante sa school natin at iba pa strand mo, ako pa napapansin mo Hahaha" Tinignan ako ni Green at mukhang nagtataka siya. Hindi ata alam na taga school din si Cass?

"Schoolmate natin si Cass? Ay weh?"

"Oo Green, Health Allied strand niya." Pagsagot ni Taz sa kanya at dinugtungan pa ni Prince ang usapan. 

"Oo tapos hindi ka pa lumalabas ng room, paano mo talaga makikita? HAHAHA"

"Ang sabihin mo, labas ka lang nang labas ng classroom niyo kaya yang kulay mo inaaraw palagi" Luh siya, kasama sa usapan ba 'tong si Unique? Hindi porket si Cass ang topic e no? Pambihira, siya parin pala huh.

Nakikitawa lang itong katabi ko. Minsan gusto ko nang sabihin sa kanya lahat kaso naisip ko 'wag muna. Hangga't hindi pa lumalabas lahat ng katotohanan sa nangyari.

I know something that may help us all but no. This is too early. I need to know everything I missed.

Hideon. Hideon Oh. Musta sa heaven? Tulong naman oh.

Natapos na din naman kami kumain at nanuod pa ng mga bands. Yung iba umuwi na, yung iba naman may kani-kanya pang date. Mga magbbreak din kayo Haha joke lang.

"Felicity, uwi na kami ah!!" Paalam ni Green sakin. Kasabay niya sila Prince at Nixon pauwi. May tiwala naman sa mokong 'to kaya pinapaubaya ko naman si Green sa kanila. Kapag nagsumbong lang sakin si Lola na wala pa si Green sa bahay nila nako patay sila sakin.

"Hoy Felicity, sabay mo si Reese sayo pauwi ah!" Pahabol pa ni Nixon sakin. Dami pang sinasabi. Sa inis ko, napakamot na ako ng batok ko habang nagge-gesture ako ng chupi or umalis na sila.

Hinighblood ata ako sa crispy pata nyemas. Hahanapin ko pa si Reese ano ba yan, hindi pa sumabay kay nila Nixon e.

Nakaupo lang ako sa isang gilid habang nakikinig sa SUD na tumutugtog sa harap.

"Bernardo."

Agad kong tinignan yung nakatayo sa harap ko. "Oh, Salonga. Ano na naman?"

Uupo na dapat siya sa tabi ko pero pinigilan ko "Oh sino may sabing umupo ka diyan?"

Napatayo ulit siya pagkatapos kong sabihin yun. "Eto naman joke lang sige umupo ka na diyan."

Umupo naman si Unique sa tabi ko nga. Parehas kaming nakatingin lang sa mga tumugtugtog at nakikinig.

~Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman~🎵🎶

"Felicity."

Hindi ako sumagot sa kanya.

"Bernardo."

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon