Kabanata 13

48 5 88
                                    

Ginevra Jean's POV

Pagkabalik ko ng room, nagkakagulo sila sa gilid ng room. Nakita naman nila agad ako at lumapit si Taz sakin.

"Ginevra, saan ka galing? Pinatawag ka daw sa office ah."

"Ah wala, kakilala ko lang nandun kasi. Oh bakit nakasimangot o mukhang natataranta si Nixon?"

Napansin ko kasing nakasimangot habang sinasabunutan yung sarili si Nixon at mukhang may binubulong sa kanya si Prince. Baka inaaasar na naman nito, mga bata talaga oh.

"Ah kasi nadelete ata ni Nixon yung mga files mo--"

Napalapit agad ako sa laptop ko kasi shet putspa, hindi ko kabisado mga pinagttype ko kanina!! Inaalala ko siya pero mahina na talaga utak ko simula nung maaksidente ako.

"Shit shit shit." Hinahanap ko pa kung saan saan yung mga files kasabay nun, inaasar pala si Prince si Nixon na lagot siya kasi siya yung nandun bakit daw nawala ganyan ganyan. Tinignan ko sa mga auto-saved files kaso wala din. Tangina, help.

"Eh kasi may humiram niyan kanina. Teka lang kasi, hiniram ni Junie yan kasi daw may aayusin siya na files sa flash driv---"

Nainis ako bigla sa sinabi niyang nangyari. Parang kanya yung laptop ah! Walang paalam paalam!

"Bakit kasi pinahiram mo?! Kitang may unsaved files pa dito, Nixon! Bakit wala? Shit." Bulyaw ko habang natataranta. Hinanap ko si Junie, wow nagtago na ata. Mukhang alam na may kasalanan siya.

Tumayo ako at pinatay yung laptop ko. Binitbit ko iyon tsaka naglakad. Narinig kong tinatanong nila ako kung saan ako pupunta pero binalewala ko lang sila. Shet, thesis yun!!

May nadaanan akong kaklase ko. Tinanong ko kung nakita niya si Junie. Ang sabi, nasa baba daw sa may parking lot. Kanina pa raw nandun at mukhang may hinihintay raw.

Dumeretso na nga ako sa parking lot at hindi naman ako nabigo dahil nandun nga siya sa suluk-sulukan. Handa na akong ibato laptop ko sa kanya kapag sinira niya buhay ko.

"HO---" Sisigaw na sana ako kaso may papalapit sa kanyang lalaki. Napatago na naman ako pero buti na lang medyo malapit na ako. Hindi ko pa masyadong nakilala yung lalaki nung una hanggang sa naging pamilyar ang suot niya.

"Ian, ito na nga pala yung hidden files sa laptop ni Green. Yung sinasabi mong libro ah!"

What the actual fuck? What is this? Ian na naman? Baka alam na naman niyang nandito ako lecheng lalaking yun. Malapit na ako maniwala sa kanya pero yung thesis namin putangina, pakibalik!

"Hmm Junie, kung may sasabihin ka kay Green ano yun?"

Leche, alam niya nga. May radar ba siya na kapag lalapit ako within 10meters away sa kanya, malalaman niya kung nasaan ako? Leche.

Mukhang naguluhan si Junie doon dahil sa naging tono ng sagot niya.

"Ah yung thesis kasi nila kanina, ano baka magtaka siya?"

"Huh, bakit anong meron sa thesis nila?"

"Sinave ko kasi siya diyan sa USB mo. Malay ko ba kung importante yun or ano kahit sinabi mo lang naman hidden files diba? Hehe."

Napabusangot ako nung narinig ko yung sinabi ni Junie, sarap sabunutan--- ay 'wag tularan guys. 'Wag manabunot ng kaklase.

Narinig ko yung tawa ni Ian. Parang narinig ko na siya dati pero joke lang, baka kaparehas lang ng ibang tawa. Tawa tawa siya diyan, balik niya thesis namin unggoy!

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon