Kabanata 11

41 5 33
                                    

Ginevra Jean's POV

Pagkabalik ko ng bahay kasi nga inutusan ako, para namang hindi mapakali si Blaster habang nakaupo. Napatingin agad siya sakin pagkapasok ko.

"Green hehehe favor." Grabe, kung hindi ko lang siya gusto eh pinalayas ko na siya agad. Favor, favor. Ni hindi ko nga minsan tinutulungan groupmates ko. Minsan lang, mabait naman ako minsan lang din.

"Ano yun?" Sinara ko na yung pinto at dumeretso sa cabinet para maghanap ng damit. Aagahan ko pumunta kay Felicity para doon na lang ako matulog.

"Ah text mo si Cass ano paki-explain kung bakit ako nandito. Tinext ko na siya pero ayaw sumag—" Bago niya ituloy, pinutol ko na agad sasabihin niya. Ano, sasabihin niya ayaw sumagot? Tapos hindi niya alam dahilan? Bakit ganun kayo, aish.

"Eh kasi Blaster, ikaw ba namang hindi sumagot sa mga text o chat niya before mag gig. Hindi ba siya mag-aalala? Tapos ngayon nandito ka, nakikain ka pa, makikiligo ka pa panigurado syempre, ano? Tapos ngayon sasabihin mo sakin hindi siya nag rereply? Baliw ka ba?"

Nanahimik siya. Yung itsura niya parang batang pinapagalitan ng nanay kasi ang dungis dungis o kaya naman kasi may kinuhang gamit na hindi naman kanya. Ganun. Siguro naman napag-isip isip na niya at narealize na niya.

Kung ako si Cass, tapos malalaman kung nakisleep over sa bahay ng kaibigang babae? Baka iisipin kong may something na sila. Pero hindi naman ako jowa ni Blaster, assumera lang naman ako HAHAHA Awtsu.

Pero ayokong maging third wheel. Ayoko ding hanggang tingin lang ako kaya kahit ganito lang, as friends, walang malisya, no harm intended, okay na rin yun. Hindi matuloy-tuloy pagmomove on edi hayaan na lang humupa. Tapos.

Tumayo na siya at humarap sakin.

"Ah Green, sige salamat ah. Uuwi na ako. Mag uuber na lang ako." Ngitian niya ako after nun. Sana narealize na niya talaga. Pagkatapos nilang maghalikan nung gabing yun jusko, ganito na lang? Hoy Green. Iniisip mo na naman yan. Sakit na naman ng ulo ko.

Hinatid ko muna hanggang gate itong si Blaster. Walang nagsasalita samin, nakatayo lang kami parehas, hinihintay yung uber niya.

Ayan Green. Ito napala mong alien ka, hindi tuloy nagsalita. Ikaw kasi eh! Pero okay lang atleast hindi halatang may gusto ka diba. Lol, sana. Concern parin naman ako sa relationship nila. Alam ko namang mabait si Cass pero masamang magalit ang mabait.

Dumating na rin sa wakas yung uber niya. Naiihi na kasi ako at nangawit kakatayo sa labas. January palang kaya medyo malamig lamig pa sa umaga.

"Oh ayan na."

Pumasok na siya sa loob pero bago niya isara yung pinto ng kotse, tinignan niya ako.

"Thank you." Then he smiled. A genuine one.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Felicity. Mabilis lang din naman ako nakaligo nung umalis si Blaster. Nagdoorbell ako kasi surprise beetch.

Saktong si Felicity yung nagbukas ng gate nila at nagulat naman siya. Mukha siyang natataranta nung nakita niya ako pero sinubukan niyang kumalma. Hawak niya phone niya at nakita ko yung chathead ng messenger niya. Parang kay Reese.

"Anong ginagawa mo dito Green?" Mahina lang pagkakasabi niya. Mukhang kakagising niya lang rin kasi maliit mata niya na parang namamaga.

"Wow, hindi porket hindi lang ako namamansin ng isang linggo, hindi na ako friend? Friendship over na ba?" Nagpout pa ako sa kanya para maawa siya sakin at papasukin niya na ako.

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon