Kabanata 6

66 7 2
                                    

Ginevra Jean's POV

"Ihatid na kita."

Tulala lang akong bumalik sa upuan namin ngayon. Bakit ba ako nasasaktan? Sila naman kasi eh? Dapat alam ko na yun dati pa! Sana dati ko pa narealize yun na masasaktan talaga ako! Na hindi yan maghihiwalay para sakin! Na kahit kailan hinding hindi magiging sang-ayon ang tadhana sakin at kung mayroon mang tinatawag na tadhana, bakit ganito? Bakit ang sakit makita na naghalikan sila eh normal naman yun sa magkarelasyon? Kasi gusto ko siya? Kasi nahulog ako sa mga kinikilos at ginagawa niya para sakin? Wait, mayroon ba? As a friend lang yun! Walang meaning sa kanya yun, Ginevra Jean!

Paulit ulit kong pinapagalitan sarili ko sa utak ko. Umupo na lang din si Taz sa tabi ko habang nakatingin sakin na hindi ko alam kung iniisip ba niyang iiyak na ba ako o hindi.

"Ginevra Jean." Tawag niya sakin. Biglang may kung anong pumasok sa isip ko na scenario. Hindi ko alam kung imagination or totoo. Hinawakan ko sentido ko kasi sumasakit siya sa iniisip ko kanina pa. Ayun nga lang ba?

Ah imagination lang siguro yun kasi sumakit ulo ko. Siguro nga.

"Masakit ba ulo mo? Tara na kasi uwi na kita." Pagpupumilit ni Taz sakin habang kinakalabit yung braso ko. Umiiling lang ako habang sa nakita ko na sila Blaster at Cass na papabalik. Agad akong natauhan at hinila si Taz pababa para umalis na.

Hila-hila ko lang si Taz hanggang papalabas ng bar. Tumigil ako sa paglalakad nung narealize kong nasa kalsada na kami. Gitnang ginta ng kalsada. Dahan-dahan akong lumingon kay Taz.

"Nasa kalsada na tayo..." Hindi parin siya gumagalaw kahit sinabi ko nang nasa kalsada na kami.

"Alam ko." Nakita kong may dadaan na motor at hinila ko na talaga si Taz papunta sa gilid.

"Alam mo namang nasa kalsada na na tayo, hindi ka pa nagsasalita!" Inis kong sigaw kay Taz. Paano kung pati siya masagasaan din siya kasi hila hila ko siya? Paano kung maaksidente kami pareho? Lutang na talaga ako dapat pala ako yung sisihin.

"Alam mo namang mayroon na siyang mahal na iba, tuloy ka parin."

Boom, tagos. Ang sakit naman ipamukha sakin. Nakakabaliw pala magkagusto, lalong nakakatanga.

Napa-indian seat na lang ako bigla kahit hawak ko parin kamay ni Taz.

"Ang sakit mo talaga magsalita Taz. Para akong sinasampal ng paulit-ulit." May mga tumulong luha na galing mga sa mata ko. Sabing ayoko umiyak eh! Nakatingin lang sakin si Taz na para bang sinasabi niya na tangina-wag-kang-gumawa-ng-eksena-dito.

Niyuyugyog ko yung braso niya habang umiiyak. Hindi mawala sa utak ko yung nakita ko kanina. Para namang alam niyang may gusto ako sa kanya. Ewan.

"Pre." Akala ko ako tinatawag ni Taz kaya tinaas ko tingin ko sa kanya. Sa ibang direksyon siya nakatingin. Tinignan ko yung tinitignan niya.

"Ako na maghahatid kay Green. Ayaw magpahila sakin ni Blaster pre." Tsaka niya ako hinila patayo. Piniglas ni Unique yung hawak ko sa braso ni Taz.

"Bakit ayaw? Ako na maghahatid kay Green." Inagaw ni Taz yung braso ko na kinagulat ko. Masakit yun ah. Yari 'to sakin bukas.

"Hoy kung mag-aagawan kayo sakin, kaya kong umuwi mag-isa." Pumiglas na ako kay Taz at pinunasan ko muna luha ko gamit ang braso ko since alam ko sa sarili ko na naiwala ko na naman yung panyo ko ngayong araw.

"Iiyak ka lang sa daan eh" Sinamaan ko ng tingin si Taz.

"Iiyak kamo sa taxi." Pandagdag ni Unique habang nakangiti nang tipid. Wow, kilala na ako nito? Alam niyang iiyak ako sa taxi? Hmm.

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon