Kabanata 14

50 6 60
                                    

A/N: I dedicate this chapter for the fans, who love and support them the most, and IV OF SPADES, who made us feel alive and bring back the disco.

Ginevra Jean's POV

Dahil sa sinabi ni Zild, lalo lang akong naguluhan. Anong joke? Bakit kasi hindi na lang sabihin sakin lahat, mabilis naman ako makaabsorb ng mga kagaguhan sa buhay. Ay wow.

Nagkahiwalay na kami ni Zild sa may entrance ng mall. Pinagsasabihan niya lang ako na layuan ko yung tatay ni Von. Mr. Yap nga tawag niya eh. May connection kaya siya? So kilala ako ni Von? Kaming walo kung isasama si Kid at Cass?

Patawid palang ako para sumakay sana ng tricycle nang may tumawag sakin sa messenger since hindi ko na pinatay data ko simula kanina.

Badjao de Castro
Incoming call..

Nung una nagtaka ako. Ito kasi yung unang beses na tumawag si Badj sakin sa messenger, may conversation naman kami kahit papaano.

Umupo muna ako sa isang bench sa labas ng mall. Sinagot ko agad iyon pagkaupo, baka kasi importante.

"Hi Green!" Medyo pabulyaw niyang sabi sa kabilang linya. Nagulat ako dun, wow ah. Hindi naman siya naexcite or nasiyahan sa pangalan ko? Charot lang.

"Hello Badjao! 'Wag mo kong sigawan." Sabi ko na dahilan ng pagtawa niya. Hinintay ko siyang matapos tumawa bago magsalita ulit. Ang sarap pakinggan nung tawa niya bakit ganun? HAHAHAHAHA Iniimagine ko lang itsura niya ngayon.

"De kasi, si Adrenaline talaga gusto ka niyang kausap hehe oh." Mukhang inabot niya kay Adrenaline yung phone.

"Hello?" Hello lang sinabi niya pero ang cool parin. Ano ba yan, another girl crush!!

"Hiiii Adrenaline—"

"Adren na lang kahit mukhang pang lalaki. Cute naman eh." Hala, bakit ganun? Kahit anong sabihin niya, ang cool parin sa tainga ko? Nilaklak niya ba yung mentos nung bata?

Sa pagnanasa ko sa kanya, pagnanasa talaga eh 'no, hindi ko namalayan na ang dami na niyang sinasabi sa phone. Ay joke lang, tinatanong lang niya kung nakuha ko na ba yung number niya kay Zild kaya sabi ko oo.

"Nako Green, hindi ka niyan tatantanan mamaya hanggang next year." Narinig kong sabi ni Badjao na mukhang kaharap lang niya.

"Aray ko walang hampasan sabi eh kurutan lang puwede pa hehe titiisin ko naman hehe"

Hinampas pa ata ulit ni Adren si Badjao dahil may parang pumipitik pitik na tunog sa call. M.U nga pala sila kaya naman pa-goodjao!

"Ah Adren, wait lang ah. Nasa labas kasi ako ng  mall malapit sa amin, kanina pa. Baba ko muna ah."

"Ay sige sige! Ingat ka ah daming gago sa kalsada. Bayagan mo! Kaya mo yan!" Isa lang nasisigurado ko kay Adrenaline. Masarap 'to kasama panigurado.

Umuwi na nga ako agad para gawin yung visual aids namin. Bakit kasi need pa ng ganito, oo natutuwa naman ako sa mga visual aids pero tinatapon din naman so sayang. Besides, may mga powerpoint naman.

Well, iba iba naman tayong lahat dito. Kanya kanyang trip dito sa mundo HAHAHA

Sa kalagitnaan ng paggawa ko, biglang kay tumawag. Hindi ko na inisip kung sino kasi inexpect ko na si Adrenaline kaya hindi ko na tinignan yung caller name.

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon