Kabanata 15

30 3 46
                                    

Prince James' POV

Argh, bullshit. Ngayon pa nasiraan ng printer, madami dami pa naman itong ipprint ko. Sabihin ko kaya kay Green? 'Wag, baka magalit. Gagawan ko na lang ng paraan. Puwede naman akong lumabas, duh.

"Mama Elizabeth, papaprint lang ako ah?" Kinindatan ko pa si Mama na nanunuod ng The Good Son. Parang ako, good son. ; ) ) ) Napangiwi si Mama at sinabing bumalik agad ako bago mag 10pm kasi gabi na rin.

Ma, hindi ka pa ba nasanay na alas dose na, nasa gig pa ako? Sus, concern lang talaga itong nanay ko sus ayaw mawala ang pinakagwapo niyang anak.

Pagkalabas ko ng gate, naabutan kong pauwi palang yung panganay sa aming mga prinsipe.

"Hoy King Henry, bakit ngayon ka lang?!?!?!" Bulyaw ko sa kanya habang tinuturo-turo ko siya. Pinakyuhan naman ako agad. Siya panganay namin at kung mapapansin mo naman mga pangalan namin, kagalang galang diba?

"Gago, galang mo ah. Si Papa Duke Philip nandyan na ba? May good news kasi ako!" Siya panganay kaya siya din pinakamatino sa aming lahat. Puro lalaki rin kami, fyi. Prinsipe nga eh. Pero madalas, napapagkamalan kaming F4 nila Papa.

"Anong good news? Nakabuntis ka na? Nako congrats!" Binatukan pa ako masakit ah!! Babawian ko pa sana kaso umilag na sakin.

"Natanggap kasi ako sa isang kompanya gago! Sabi ko sayo eh! Tularan niyo ko!"

Sa gulat ko, niyakap ko pa siya. Niyakap niya din ako pabalik at tumalon-talon kami parehas.

"Woah, puwede ka nang mag-girlfriend tapos makabuntis-- BIRO LANG BIRO LANG NAMAN"

Binatukan pa ako. Para kaming tanga dito sa harap ng bahay namin. May cctv pa naman sa gate namin, Pa, 'wag mong titignan yan. Nakakahiya mga kagaguhan namin dito sa labas.

"Pero wala pa si Papa." Tumigil kami sa pagtalon at inayos ang sarili. Parang mga timang eh 'no? Ano ba kayo, ngayon lang ako magkakaroon ng point of view oh! Sulitin niyo na!

"Nandyan ba si Earl Edward?"

"Putek kuya, lahat na lang itatanong sakin? Bahala ka diyan, papaprint pa ako! Sige." Tumakbo na ako papalayo. Baka kasi pigilan  niya pa ako at hindi na ako makapagpaprint.

Pagkadating ko sa pinakamalapit na computer shop, kilala ako dito pero hindi na rin ako masyadong nakakapaglaro dito dahil busy.

"Hoy negro---" Napatingin ako sa likod ko.

"Puti mo ah!" Sagot ko kay Earl na mas bata sakin, 1 year lang naman tanda ko. Nandito lang pala itong batang 'to, may kasamang babae kaso nakatalikod. Ah, dito pa talaga sila nagdate mga walang hiya.

"Oh may syota ka pala ah, sumbong kita kay Mama, unggoy!" Napatingin na sakin yung babaeng kasama niya.

Si Venice.

First love, first heartbreak.

Hindi ako makapagsalita nung napatayo din siya. Kitang kita din sa mukha niya na nagulat siya. Papalit palit yung tingin niya sa amin ni Earl at itong kapatid ko naman, mukhang may ginagawa namang mabuti sa buhay niya.

"PJ..."

Lumapit ito sakin at umatras ako. Ayoko na, ayoko nang mangyari sakin ulit. Yung mas inisip ko siya kaysa sa sarili ko.

Tumalikod ako at dumeretso sa dulong dulo kasi nandoon pa yung nagpprint. Alam kong sumunod sakin si Venice pero hindi ako humarap. Ayoko na, nasaktan ako eh.

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon