chapter 1

6K 101 2
                                    


      Nagulat si Angelo nang makitang si isagani ang makatabi niya sa loob ng tricycle. Pero huli na para umiwas siya dahil nagtama na ang mga mata nila.

         Masyado namang magiging halata ang pag iwas niya rito kung lilipat pa siya sa kasunod na pila ng tricycle.

       Saka bakit ba sya iiwas dito? Wala  siyang natatandaang naging kasalanan niya rito. Ito lang ang may itinatagong grudge sakanya, na Hindi niya malaman kung ano.

     Napilitan na siyang tabihan ito sa upuan, kaysa naman sa likod ng driver siya pumuwesto. Wala nang poise, delikado pa dahil industrial site ang lugar nila.
  Malalaking trucks at shuttle buses ang karaniwang nakakasabay ng tricycle na bumibyahe pauwe sa kanila kaya nunca na mag backride siya.

" Little Junterial" ang tawag sa lugar nila dahil may kalayuan na iyon sa junreial town proper . pulos mga pabrika na ang kapitbahay nila sa lugar na iyon.

" salamat " sabi nya sa tricycle driver nang ipasok nito sa loob ang dala niyang malaking bag.

" bakit hindi mo na lang sa likod ng tricycle ilagay ang bag mo? Ang sikip sikip tuloy rito sa loob."    

   Reklamo ni isagani . his knee jerked . marahil ay nadaganan ng bag niya ang paa nito.

" ako'ng kausap mo?" Gulat na nilingon niya ito. Mula yata noong magtapos sila ng high school ay hindi na siya kinakausap nito. Their relationship went from so so to nada after their graduation.

Much to her regret . dahil kahit na lumipas ang mga taon at lalong lumala ang di naipaliwanag na isyu nito sa Kanya, Hindi nawala ang pansintang parurot niya rito.

Kumonot ang noo nito. " may iba pa bang tao rito?"

"Malay ko kung iyong tricycle driver ang kausap mo... O kaya'y ang sarili no"  pigil nya ang mapangisi nang sabihin iyon. Ang sarap talagang asarin ng mga taong pikon.
     O ang sarap talagang mapansin ka ni isagani?

" ano'ng palagay mo sa akin, sira ulo para kausapin ang sarili ko ha... Bakla?"

    Noon nya hindi napigilan ang  mapangiti. Napipikon na naman ito. At napagtanto niyang namimis niya ang pagkapikon nito. Ilang taon na mula nang magtapos sila ng high school. Bagaman pareho silang nag enrol sa montegamo state college pagka graduate ng high school , bihira silang magkita. Agriculture ang kurso  nito samantalang siya ay mass communication.

      Malayo ang building nila sa isat isa dahil nasa itaas na bahagi ng eskwelahan Ang building ng agriculture , isolated kumbaga. Kaya kahit pareho sila ng eskwelahan, bihirang bihira silang magkita.

     Kahit minsan ay hindi rin ito naligaw sa fast food chain kung saan siya nagtatrabaho bilang part time service crew member. Kahit sa mga school affairs ng MSC ay hindi rin nagkakatagpo ang landas nila.

   Mula sa pagiging makarismang estudyante, parang nagkulong sa sarili nitong mundo si isagani. Kadunod niyon ay ang pagkawala totally ng social life nito.

  O baka naman akala lang niya iyon. Baka sa "itaas" ay social life naman ito kaya hindi na ito nagagawi sa ibang bahagi ng eskwelehan. Itaas ang tawag sa bahagi ng montegamo state college kung saan naron ang building para sa mga kursong agriculture. Fisheries , pang kursong may kinalaman sa nature.

" ano'ng nakakatawa??" Untag nito sa kanya.

"Wala"

"Walang nakakatawa? Bakit ngiting ngiti ka riyan?"

"Tama ka, nakangiti nga ako. Hindi nakatawa. Mag kaiba yon. " papilosonpong paliwanag niya.

   Iritadong bumuntong hininga ito. "Okey. So bakit ka nakangiti?"

"May batas na bang nagbabawal na ngumiti rito sa junterial?"

    Alam niyang para silang mga bata sa pagsasagutang ginagawa mila, but the heck with it! He was enjoying it. Bihira ang pagkakataong nagkakaroon siya ng pagkakataong makausap ito. Ipinagsalamat niyang Hindi siya lumipat pa ng tricycle . at ipinagpasalamat din  niya na matagal bago mapuno ang tricycle na iyon kaya may pagkakataon silang mag usap, err , magtalo.

" walang batas na nagbabawal sa kahit na sinong ngumiti. Pero ibang kaso kung ginagawa mong dahilan para ngumiti ang isang taong hindi ka naman ginagalaw."

"Whoa! Hindi pa rin nagbabago ang feelings mo sa akin. isagani espiritu" napapalatak sa sabi niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

   Muli ay nalinga niya ito. Parang may nahangingan siyang panic sa boses nito. Ngunit nang magtama naman ang mga Mata nila ay madilim pa rin ang mukha nito. Inisip niyang imahinasyon lang niya ang salitang " feelings"

" A-'ano'ng ibig mong sabihing hindi parin nagbabago ang feelings ko para sayo?" Ulit nito. Bakas sa boses nito ang pagkainip.

" ilang taon na tayong graduate ng high school pero mainit pa rin ang dugo mo sa akin . chill out espiritu.... Meron ka ba araw araw?"  Tukso niya rito.

"Valedictorian ka na naoong gumraduate tayo. Salutatorian mo lang ako . magkaiba na ang mundo natin ngayon. Hindi mo na ako kakompetensiya academically"

    Hindi na ito kumibo. Hanggang umandar na ang  tricycle at huminto iyon sa tapat ng little junterial ay hindi na siya pinansin pa ito. Ni hindi siya tinulungan nito kahit pa may kabigatan ang dala niyang bags. Nauna itong nang ilang hakbang sa kanya papasok sa looban ng Little Junterial.

" ANGELO!"

.
...................... .

pasensya na slow update lang.. Busy lang kasi sa work...

............................

ISAGANI  ESPERITU  ( boyXbox )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon