Isagani POV
" kumusta naman ang pag aaral mo ha, isagani? Sigurado na bang aakyat ako sa entablado para sabitan ka ng medalya sa graduation mo?"
Tumango siya. Graduating na siya ng kursong agriculture sa darating na marso. Dalawang buwan na lamang iyon. At ngayon na rin sa dean ng college nila,sugurado nang sasabitan samya ng medalya sa graduation day. Hindi pa nga alam kung summa o magna cum laude siya.
" kundangan lang kasi't iyan pa ang kinuha mong kurso. Kung engineering ba naman o kaya ay accountancy ang kinuha mo, siguradong malaki ang kikitaon mo kapag nagtatrabaho ". Himutok ng tatay niya. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit mas gusto mong maging magsasaka " napapalatak pa I to habang sinasabi iyon.
Hindi na lang sya kumibo. Hindi na niya kailangang ipapaliwanag pa nito ang magiging nature ng trabaho niya pagka graduate niya. Malalaman din nitong hindi naman siya literal na magsasaka ng bukid pagka graduate niya.
"Sa iyon ang gusting kursong gusto ni gani, eh" pagtatangol ng kanyang ina.. " hayaan mo na't ga- graduate naman nyan. Mabuti nga at matalino itong anak natin. Scholar kaya wala tayong gastos". Nginingitian pa siya nito pagkasabi niya iyon
Napangiti rin siya. bihira ang pagkakataong pinupuri siya nito. Mas madalas ang kuya khaddafi niya ang pinagtutuunan ng pansin. Kaya naman talagang na appreciate niya ang bibihirang pagkakataong gaya niyon.
"Mabuti na lang kamo at sa akin nagmana si gani. Akin, kung sayo lang baka hindi ni hindi lang nakutuntong ng kolehiyo iyan. Tingnan mo nga ang anak mong si khaddafi, kung hindi ko pa binubuntal lagi, hindi pa tatapusin ang high school"
Napabuntong hininga siya. Sa buhay nila, masyadong halata ang pagkakahati nilang magkapatid. Si khaddafi ang paboritong ng nanay niya at silang apat na ma's bata ang kanilang tatay.
Mga bata pa lang sila hindi na magandang pagtrato ng kanyang tatay Kay khaddafi. Natatandaan pa niyang nagagalit nito ito tuwing nakikita silang nakikipaglaro Kay khaddfi noon. Kaya naman siguro lumaki silang hindi malapit sa kuya niya.
Hindi kumibo ang nanay niya sa komento ng tatay niya. Iyon naman ang maipagkakapuri niya rito. Hindi ito palasagot kaya naman kahit may pagkabungangero ang tatay niya ay bihirang mag away ang mga ito.
"Maiwan ko muna kayo". Paalam na lamang nito sakanila
"Saan ka pupunta?" Tanong dito ng kanyang tatay.
"Tatawagin ko lang si khaddafi para sabay sabay na tayong kumain"
"Paaksayahan mo pa ng pagod ang anak mong iyon. Uuwi yon kapag nagutom Minda"
"Tatawagin ko na rin sina Gina at gandy " anito na ang tinutukoy ay ang dalawa pa niyang nakakabatang kapatid. Diretso na itong lumabas
"Talaga yang nanay mo , hindi mapakali kapag hindi nakikita si khaddafi. Buti Sana kung may pakinabang dito sa bahay ang tarantadong iyon!"
"May trabaho naman si kuya diva?". Sabi niya
"Nag resign na ang tarantadong yon! Ang sabi ko nga sa nanay no, hingin yong natatanggap na separation pay. Baka sa bisyo lang laspagin ng gagong iyon"
"Hindi naman iyon gagawin no kuya, itay" pagtatanggol niya sa kapatid
"Mabuti hindi ka na naimpluwensiyahan ng khaddafi na iyon, anak. Tama ang pagbabawal ko sa inyong huwag kayong makipaglapit sa kanya. Kung hindi siguro sa akin napagaya ka na rin sa kanya, patapon ang buhay"
Gusto niyang kontrahin ang sinabi nito na patapon ang buhay ni khaddafi. Pagka graduate nito ng high school at nag apply ito sa car motors sa junterial technopark at suwerte namang natanggap siya . mula noon ay nagtatrabaho naman ito roon hanggang sa mabalitaan nga nila na nag resign na ito.
Kahit na likod ng isip niya at gustong niya tutulan ang Hindi magandang pagtrato ng kanyang ama sa kuya niya at nakasanayan na lang siguro niyang manahimik .
"Ano naman ang Plano mo pagka-graduate mo isagani?" Tanong nito sakanya.
"Maghahanap ng trabaho" sagot nito . Hindi na muna siya sinasabi ritong may alok siyang na siyang natanggap mula montenegro State college para maging bahagi ng mga faculty team nito. Bukod pa duon ay may nag alok din galing sa impri para maging miyembro siya ng research team.
At lalong ayaw pa niyang sabihin dito ang tungkol sa alok sa kanya ng ilang bansa ng asya para magtrabho sa agricultural department sa mga iyon. Alam niyang pangungunahan na naman siya nito sa pagdedesisyon tungkol sa bagay na iyon. Unfortunately, mahilig itong magbigay ng unsolicited advice.
"Kuya!" Patakbong pumasok ang mga kapatid niyang ging at gandy . sabay na damulog ang mga ito sa hapag kainan
"Si Maya , nasaan?". Kunot noong tanong niya. Ang sumunod sa kanya ang tinatnaong niya.
"Nagtatrabho na sa burger point sa bayan ang kapatid mong yon" sagot ng kanyang Ina "maghugas muna kayo ng kamay ging at gandy"
Sumunod naman ito"Oh. Nasaan ang magaling mong anak?" Tanong ng kanyang ama sa kanyang Ina anang maupo na sa silya.
"Kumain na pala kina Angelo" sagot nito
"Mabuti pa nga siguro ay mag asawa na lang ang anak mong yon para magluwag luwag tayo rito. Huwag lang dun sa baklang anak ni Olga baka ipapahiya ako ng gagong iyon at pareho silang hindi kilala ang kanilang ama". napapalatak na komento ng kanyang ama
Nakita niya nang yumuko na lang ang kanyang nanay sa komentong iyon ng tatay niya. Pero nahagip ng mga mata niya ang sakit na bumalatay sa mukha na kanyang Ina.
Maging siya ay nakaramdam din ng tila sundot ng karayom sa kanyang dibdib. Pero kahit ano ang gawin niyang pag iisip sa posibleng dahilan ng kirot na iyon wala siyang mahagilap.O baka naman wala kang mahagilap na dahilan dahil ayaw mong aminin ang sagot , tudyo sa kanya ang isang tinig ng utak niya
Kung hindi lang niya inaalalang magtampo ang tatay niya dahil pinagluto pa siya ng paborito niyang tinola ay gusto na niyang tumayo at magpahinga na lang sa kwarto niya. Nawalan siya ng gana . bakit ba pilot na imina matchmake ng tatay niya si khaddafi Kay Angelo
At bakit ka naman apektado, isagni?
______________________________
Pasensya na busy lang......
BINABASA MO ANG
ISAGANI ESPERITU ( boyXbox )
RomanceSi ISAGANI ESPERITU ay isang misteryosong lalaki at matalino at pinaka sikat sa kani lang eskwelahan... Na si Isagani ay parating pinagmayabang na sya ang 1st Honor sa batch at room nila Kay Angelo... Ano nga ba ang si Angelo??? ______________