chapter 13

2.2K 56 1
                                    

"Peace be with you" pagapatuloy ni isagani sa naputol niyang pagbati.

  Hindi na niya alam kung nagawa pa niyang tanguan ito bago muling harap sa altar. Pakiramdam niya ay nag e echo sa loob ng simbahan ang tibok ng puso niya.

    Paanong hindi niya namalayan na naroon si isagani sa likuran niya? Kunsabagay, paano naman niya malalaman gayong nakatutok ang pansin niya sa ginaganap sa misa?

    Bumalik na kanina sa little junterial ang mama niya at dahil nakapagpaalam na siya sa manager ng Burger Point na off niya noong weekend na iyon kaya sinamantala na niya iyon para makapagsimba. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagsba.

   Hindi na niya naintindihan pa ang nalalabing parte ng misa mula nang makita niya si isagani. Umasal na lang siya ng pasasalamat bago lumabas.

   Pagpihit niya ay wala na si isagani sa kinauupuan nito kanina. Mabagal ang mga hakbang na lumabas siya ng chapel na NASA loob din ng montegamo state college. This time , alam niyang hindi siya namamalikmata lang kaninang makita niya si isagani sa likuran niya.

    Nagulat pa siya  nang paglabas niya  ng chapel ay nakita niya ang binata . waring may hinihintay ito likuran niya

    Huli na para umiwas siya dahil alam niyang nakita na siya nito. At saka bakit ba niya ito iiwasan? Wala siyang ginagawang kahinahinala na magiging atraso nito kaya bakit siya ang iiwas?

    Nilampasan niya ito. Malayu-layo na rin ang nalalakad niya nang pagbigyan ang sariling lingunin ito. Nagulat pa siya nang makitang kasunod pala niya ito.

  Huminto pa siya sa isang kiosk para bumili ng sago. Nang lingunin niya itong muli ay nakikita niyang huminto rin ito at nakatayo hindi kalayuan sa kanya.

   Hindi na siya nakitiis. Nilapitan na niya ito .

"Sinusundan mo ba ako?".  He just gave it a try. Hindi naman siya umaasang sasagot ito ng pisitibo. Kaya nang tumngao ito, na shock na naman siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa pagiging honest nito.

"Bakit mo ako sinusundan?". Hindi nakatiis na tanong niya.

"Gusto mo bang mamasyal sa itaas?"

    The question was out of context . ilang Sandaling tila hindi gumana ang utak niya. Ang tinutukoy nitong taas ay ang itaas ng bahagi ng montegamo state college kung saan naroon ang mundo nito bilang estudyante ng agriculture.

"Ano nga ulit yong tanong mo?" Tanong nang makabawi sa pagkabigla. Angelo knew his looked stupid, but what the heck?

   "Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa akin mamasyal sa taas, bingo"

    Iyon nga mismo ang narinig niya kaninang sinabi nito. Pero gusto niyang masigurong hindi lang soya nagkakamali ng pandinig .

"Bakit?"

"Hindi ka pa nagagawi room , diba? Gusto kong ipakita sayo ang lugar kung saan ako nag - I - stay rito sa campus"

"Paano mo nalaman na hindi pa ako nagagawi roon?"

"Alam ko lang" anito kasabay ng pagkibit ng mga balikta nito.

  Pinagmasdan niya ito nang mataman. "Sinusundan mo ba ako, isagani?"

   Hindi nito kinumpara at hindi naman itatanggi ang sinabi niya "sasama ka ba sa akin?"

"Bigyan mo ako ng isang  rason para sumama ako sayo" sabi niya.

"Mag- e - enjoy kang kasama ako."

Tiningnan niya ito. Gusto Sana niya itong hiritan ng isa pang tanong pero alam niyang pag- aksaya lang iyon ng oras. Isang malaking bahagi ng pagkatao niya ang maghuhumiyaw "gaga, agelo, sumama ka na!"

Parang once in a life time ang alok nito. At hindi niya palalampasin ang bihirang pagkakataon iyon.

_______________

Inilibot ni angelo ang kanyang mga Mata  sa buong paligid. Malamig ang dampi ng hangin sa mga pisngi niya dahil na sa mataas na bahagi ng kapatagan ng montegamo.

   Parang wala sila sa loob ng premises ng campus nila. Kung sa ibaba ay crowded . sa lugar na iyon ay magilan ngilan lang ang nakikita niyang estudyante. Kunsabagay, alam niyang kakaunti lang ang nagkakainteres na kumuha ng mga courses na ino offer ng departmentong iyon.

"Nagustuhan mo ba rito?"

Hindi niya namalayang nakalapit na pala sakanya si isagani. Angelo was so engrossed with his sight - seeing he's momentarily forgot about isagani.

"Kaya naman pala ayaw mo nang umalis dito kapag nandito ka sa loob ng campus . ang tahi-tahimik dito. Para kang nasa paradise". Sabi niya . then he grinned.

"Paradise. Nak!"

       Ngumiti lang ito. Malaki ang matatandang punong nadaanan mila papanhik soon. May mga uri ng bulaklak na noon lang niya nakita.

"Halika roon sa kubo ko. May ipapakita ako sayo" yaya nito sa kanya

   Sumunod siya rito. Hindi pa rin humupa ang amusement niya sa biglang pagbabago ng pakikitungo nito sakanya. Kung kailan suko na siya rito ay saka naman biglang nagpakita ng kabaitan sa kanya. Dinala siya nito sa isang maliit na kubosa gitna ng maliit na iyon.

"Halika" hinawakan nito ang kamay niya.

   Angelo jerked. Literal na may tumutulay na kuryente sa mga kamay nila na nagkadaiti.

      Nakita niyang kumunot ang noo nito habang nagkatingin sakanya. Namula ang mga pisngi nito dahil sa reaksiyon niya.

"Nagulat lang ako" pagpapaliwanag niya, bago pa ito mag react ay niyaya na niya ito. "Halika na"

"Kaninong kubo to?" Tanong niya habang pumapanhik sila sa hagdang yari sa kawayan .

"Dito ako nakatira"

   Pumasok sila sa loob ng kubo. Basic lang ang mga kagamitang naroon. Sa isang bahagi ng Dingdong niyon ay nakasabit ang ilang larawan nito. Lumapit siya room para tingnan iyon ng mabuti.

________________

     Ayan  na po medyo nagkakalapit na sila....

Enjoy for the reading.......

ISAGANI  ESPERITU  ( boyXbox )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon