chapter 2

4.8K 74 2
                                    


  " ANGELO"

     Kahit hindi pa niya nakikita kung sino ang tumawag sa pangalan niya ay  napangiti na sya. Nag angat sya ng tingin pagkatapos sukbit sa likod ang backpack niya.

     Nakita niyang patakbong lumalapit sa kanya si khaddafi. Nakita iyang bahagya na lang Nitong tinaguan ang nakasalubong na si isagani. Hindi na siya nagtaka na mas excited pa itong makita siya kaysa kay isagani na kapatid nito sa Ina. Alam niyang hindi close ang mga ito sa isa't isa.

     Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ng taga little Junterial na hindi malapit si khaddafi sa kahit sinong kapatid nito sa Ina.

    Pero ka close nya ito. Kahit na matanda ito sa kanya bang tatlong taon, hindi iyon naging hadlang para maging malapit sa isa't isa.

    Si khaddafi ang tagapagtanggol niya noong bata pa sya. Tuwing may tutukso sa kanyang " putok sa buho o di kaya'y tungkol sa sakanyang kasarian" sa lugar nila o sa mababang paaralan ng junterial noong elementary pa sila. Literal na nakikipagbuntalan ito para sakanya.

      Kaya naman hindi nakakapagtalang magiliw siya rito. At ganoon din ito sakanya.

"Akina nga yan. Kaya hindi ka lumalaki, ang bigat lagi ng dala mo," sabi nito at saka kinuha sa kanya ang malaking bag pati na ang backpack na dala niya.

"Mabuti ka pa, gentleman. Hindi kagaya nong kapatid mo"       ingiso niya ang ang nauunang si isagani.

    "Pagpasensyahan mo na. Alam mo namang may sarili mundo yan."  Mahina sabi nito . halatang umiiwas ito marinig ni isagani ang sinasabi nito.

      Sabay silang nagkatawanan. Madalas na marinig nito iyon sa sakanya kaya ginamit na rin nito ang deskripsiyong iyon sa kapatid.

    Panay ang kwentuhan nila habang naglalakad sila papasok sa lugar nila. Marami nang residente roon kompara noong mga bata pa sila. Bukas kasi para sa kahit sinong gustong magpatayo ng bahay sa lugar na iyon.
  
     Masyadong mabait ang tagapamahala ng lupain iyon na si tandang senen kaya kahit na sinong magpaalam na magtayo ng bahay room ay pinapayagan nito.

"ANGELO"

     Malayo pa sila sa tindahan ni aling Marta ay sumisigaw na ang kanyang ina. Patakbong lumapit ito sa kanya.
   Sa gitna ng masikip na kalyeng iyon ng little junterial ay pinugpog siya nito ng halik.

" mga kaput bahay, ang anak kong matalino at maganda" anunsyo nito

"Ang anak kong mag aalis sayo dito sa little junterial , mareng Olga".        hanging sigaw naman ni  aling Bel na nagwawalis sa tapat ng bahay nito.

  Alanganing ngitian niya ang mga kapitbahay na naroon. Kahit paano sanay na siya sa ugaling iyon ng kanyang Ina. Proud na proud ito sa kanya kahit ano pa sya kaya palagi nitong sinasabi ang mga ganoon sa mga kapitbahay nila.

"Ang tagal mong hindi umuwi rito" sabi nito sa kanya kapagkuwan.

"Ang dami kasing ginagawa sa school, ma. Saka sinsamantala ko na rin ang malimit na pag oovertime sa trabaho ko." Sagot nya. Pinilit siya nitong "mama" ang tawag niya rito kahit pa alangan iyon sa estado nila sa buhay.

    Karamihan kasi roon nanay ang tawag sa mga Ina pero ang kanyang Ina, tumataginting na mama ang gustong itawag sa nya rito. Alam naman daw na mahirap lang sila, pero maano ba naman daw na mama ang itawag niya rito at kakimutan nilang pobre lang sila.

      Nakita nyang nilingon siya ni isagani. Malapit pa rin ang distansya nito sa kanila kaya sigurado syang narinig nito ang idadahilanan niya sa Ina. Naiiling pa ito nang tumalikod na at dumiretso na sa paglalakad.

     Subalit bago ito tuluyang tumlikod ay nahagip niya ang tilang nakakainsultong ngito nito. Napaismid siya. Tuwing ngingiti ito sakanya ay palaging ganoon.------ sarkastiko.

    At ano naman ngiting gusto niyang ibigay sa kanya ni isagani. Iyong cavity enhancing smile na gayang ng mga ibinigay nito sa admirers nito noong araw?

      Kinastigo niya ang sarili naisip . hello? Angelo , maghunusdili ka nga! Kilabutan ka. Hindi ka na batang naglakaway sa "alindog" ni isagani!

  Ngunit kahit ang ngiting iyon ay bihira na rin niyang makita rito. Para bang nagkaroon ng premature andropause si isagani. Palaging seryoso ito sa mga bibihirang pagkakataon nakikita niya ito sa lugar nila. Pero malamang na sa kanya lang naman ganoon si isagani. Malay naman niya kung ganoon din  ito sa ibang babaeng nakakasalamuha nito.

" halikana sa bahay, anak. Sumama ka na rin, khaddafi. May inihanda akong tanghalian" yakag sa kanila ng mama niya " nilagang bala"

"Aba, hindi ko tatanggihan ang libreng tanghalian , aling Olga" sagot ni khaddafi.

"Hindi ba kami kasalo sa tanghanlian inihanda mo Olga?" Kantiyaw ng isang kapitbahay nila.

"Nakow! Para lang yon sa anak ko"

"eh.. Bakit si khaddafi, kasalo?"

"Aba, bayad ko sakanya sa pagtulong niya kay Angelo sa pagbuhat ng bag" sagot nito. Bumaling ito sa kanya

"Gala, doon na tayo sa bahay"

Tinatanaw niya ang malayo nang si isagani. Kung Sana kaclose rin niya ito kagaya ni khaddafi. Sana ay magiging mas magandang lugar na tirhan ang little junterial.

........ .  .,.......

ISAGANI  ESPERITU  ( boyXbox )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon