"Marunong ka pa lang ngumiti". Amused na komento niya. Lahat ng pictures ay nakangiti ito. Bihirang bihira niyang makitang gawin nito iyon kaya aliw na aliw siya habang pinagmamasdan ang mga pictures.
"Ano naman ang palagay mo sa akin?"
Pakiramdam niya ay nanigas ang buong katawan niya. Nasa likuran niya ito. Bagaman may kapirasong distansya pa sa pagitan nila ay damang - dama niya ang katawan nito. It was strange.
" bakit ka naman nagtaka na marunong pala akong ngumiti?" Tanong ulit nito.
Hinamig niya ang sarili. Hindi siya dapat maging estatwa lang doon. This was a once in lifetime chance. Hindi niya dapat palampasin ang pagkakataong iyon..
"Angelo...."
"A-- akala ko kasi para kang taong bato" sagot niya.
"Taong bato" ulit nito sa deskripsiyong ginamit niya.
"Iyon ba tingin mo sa akin , angel?"Pumihit siya sa paharap dito. Lalong lumiit ang distansiya sa pagitan nila. Malaki ang agwat ng height nila kaya nakatingala siya rito.
"Hindi ako taong-bato gaya ng akala mo, angelo. May nararamdaman din ako ng emosyon". Pahayag nito.
Kagaya ng anong emosiyon, isagani?. Pero hindi niya kayang isaiting iyon. Parang nasu- suffocate siya sa distansiyang nakapagitan sa kanila. He was near. Kahit sa panaginip ay hindi niya inakalang magkalapit sila ng ganon.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang naghihintay sa isasagot nito sa tanong niya, but one came . nakatitig lang ito sa kanya. Titig na titig ito sa kanya na para bang ngayon lang siya nito nakita.
It was true. Isagani was only seeing you now. Sa tagal ninyong magkakilala, ngayon ka lang niya tinitingnan nang ganyan.
"Isagani--------"
The spell was broke . halos mapatalon si isagani as pahakbang palayo sa kanya. Napatingin siya sa gawi ng pinto .
Palipat lipat ang mga mata sa kanila ni isagani ng babaeng bisita nito. Nakaawang ang mga labi nito habang ginagawa iyon.
"M--may bisita ka pala, isagani" sabi nito nang makabawi sa kabiglaan. Inaayos nito ang ang salamin sa mga mata . sinaunang istilo ng salamin iyon. Iyong may itim na frame at malaki ang lenses
"Oo... Pinapakita ko Kay angelo itong kubo KO"
"Angelo....". Ulit ng babae
Tumango sya. Hindi nakaligtas sa kanya ang tila pagtalim ng boses nito nang banggitin ang pangalan niya.
"Angelo, siya si Daisy, kaibigan ko rito. Daisy si Angelo" pakilala ni isagani sa kanilang dalawa. Nagpalitan sila ng tipid na ngiti.
"May kailangan ka ba Daisy?"
"May ipapakita lang sana ako sayo pero may bisita ka pala. Babalik na lang ako mamaya.". Hindi na nito hinintay na makasagot pa si isagani dahil bigla na lang itong nawala sa pinto.
"Pagpasensiyahan mo na yon. Takot kasi iyon sa tao"
Hindi niya alam kung nagbibiro lang si isagani nang sabihin iyon. Pero duda siya kung takot nga sa tao si Daisy. Her stare gave her creeps. Para kasing pailalim kung tumingin ito sa kanya kanina.
"Ano nga uli yong panag-usapan natin bago inistorbo ni Daisy?"
Hindi tayo nag-uusap. Nagtinginan tayo bago tayo inistorbo ng babeng iyon, ngalingaling itanong niya.
"Tama, we were talking about emotions" sa bi pa ni isagani.
Hindi niya alam kung ano ang dapat pag-uusapan tungkol doon. Simula pa lang kanina ay kakaiba na ang reaksiyon niya Kay isagani. Kinabahan siyang baka makahalata ito sa damdamin niya para dito.
"Bakit mo naman sinabing taong bato ako, angelo? Iyon ba talaga tingin mo sa akin?" Tanong nito kay angelo.
Bumuntong hininga muna siya bago ito sumagot.
"Hello? Magbalik tanaw ka nga, isagani . alalahanin mo nga kung paano mo ako pakitunguhan noon, saka mo sabihing Mali ang description ko sayo na taong bato ka" nakakalabing sabi niya.. "Ang sungit sungit mo. Lalapit ka lang sa akin sa school para ipamukha sa akin na second honor lang ako noong high school tayo. Hindi mo ako pinapansin kahit nagkakasalubong tayo sa little junterial. Pero Panay naman ang entertain mo ibang baba.... Este ... tao"Amused na ngumiti Ito. "Nagseselos ka naman ine- entertain ko ang ibang babae este ... Tao". It was a statement , not a question.
"Hindi, ah! Bakit naman ako magseselos sa mga ine entertain mo? Hindi naman tayo close noon . saka... Plain kapal ng iyong face .. As in."
Tumawa ito na malakas "pero pwedi na tayong maging close ngayon. Right?"
Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Bakit gusto nitong maging close sila ngayon? Tinanguan na lang niya ito kaysa malito nang malito.
Bumakas sa guwapong mukha nito ang kasiyahan. Ngumiti ito sa kanya.
She was mesmerized . kung ganoon lagi ang pakikitungo sa kanya ni isagani , hindi malayong ma in love siya rito nang tuluyan.As if. Hindi pa ba siya inlove sa lalaki sa lagay na iyon. Napapalatak na lang siya sa kanyang sarili.
"Halika, ipapakita ko sayo ang experiment ko". Yaya nito sakanya kapagkuwan.
Sa likuran ng kubo siya nito dinala. May ilang palapil pa ng nakatanim na palay roon. Isang pilapil ang napapalibutan ng materyal na parang kulambo. Nang pumasok sila sa loob niyon ay palay parin ang nakatanim doon. Nang tumingala siya ay nakita niya ang ilang malalaking hose na nakatali sa malapad na kahoy. Nakatutok ang nozzle niyon sa ibaba.
"Ano yon?". Itinuro niya ang mga hose sa taas.. "Saka bakit nakakulong ang mga palay rito?"
"Ito ang experiment ko. Inilagay ko ang mga palay sa isang controlled environment . sa pamamagitan ng mga hose na iyon sa itaas, pwedi Kong buhusan ang tubig sa mga palay gaya kapag umuulan ng malakas. Na karaniwang nangyayari kapag panahon na nang tag-ulan" paliwanag nito. "Ang ideya ay ang makapag produce ng mga punla sa resident sa pagkakababad sa tubig nang matagal"
"Kagaya kapag bumabaha?" Tanong niya.
Tumango ito.. " kung makakagawa ako ng variety ng palay na mabubuhay kahit matagal na nakababad sa tubig, hindi na mamomomroblema ang mga magsasaka kahit pa dumating ang maraming bagyo rito sa pilipinas. Hindi na masisira ang mga pananim kahit pa malakas ang magiging bagyo man nang matagal"
Angelo was impressed. Alam niyang matalino ito pero noon lang niya napatunayang exceptional ang talinong maroon ito.
"Well, hindi ka man lang ba natutuwa sa experiment ko?". Nag-aalangang tanong nito.
Nginitian niya ito.. "Hindi naman ako makapaniwalang naisip mo talaga ito, isagani. I mean , you're genius . slight"
Binuntutan niya ng bungingis ang huling sinabi....________________________________
Ayan na guys ... Pasensya lang kung late update busy lang saka nasira phone KO.....
Enjoy the reading.....
BINABASA MO ANG
ISAGANI ESPERITU ( boyXbox )
RomantizmSi ISAGANI ESPERITU ay isang misteryosong lalaki at matalino at pinaka sikat sa kani lang eskwelahan... Na si Isagani ay parating pinagmayabang na sya ang 1st Honor sa batch at room nila Kay Angelo... Ano nga ba ang si Angelo??? ______________