Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Unang pagkakataon iyon na tinangka siyang hawakan nito. Umuulan nga yata ng himala sa gabing iyon.
"Ayoko silang makita" sabi niya. Bahagya pang pumiyok ang boses niya sa sobrang nerbiyos sa pagkakadaiti ng mga balat nila.
God bigyan nyo po ako ng lakas para pagdadaan ang biyayang ito.
"Sabagay, masasaktan ka nga lang"
"Concerned ka?". Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. He did sound concerned pero bakit biglang-bigla naman yata itong nagkaroon ng malasakit sa kanya?
Ipinilig niya ang ulo. Hindi naman alak ang iniinom niya para malasing siya.
"Para naman kasing wala kang malasakit sa sarili mo kaya naghihimasok na ako. Hindi ako makapaniwalang ang tipo mo ang naagawan ng boyfriend"
Humaba ang nguso niya. "At ano naman ang ibig mong sabihin na wala akong malasakit sa sarili?"
Nagkibit balikat ito. "Ang mabuti pa, umuwi ka na sa boardinghouse mo. Wala ka nang hihintayin pa rito. Hindi ka na maaalalang balikan pa ng boyfriend mo. Busy na iyon sa pagtikim ng ibang putahe"
Gusto pa niyang usisain ito kung bakit nito ginagawa ang ganoon. The last time he checked , he was nothing to him. O baka naman ganon pa rin hanggang ngayon? Baka naman nag-ilusiyon lang siya na may nabago sa pagtingin nito sa kanya dahil lang sa ipinapakitang malasakit nito. But for the life of him , hindi niya magawang ibuka ang bibig para simulang I interrrogante ito. Hindi siya handa sa posibleng maging sagot nito. He was taken by surprise by his sudden display of concern.
"Halika na, ihahatid na kita sa boardinghouse mo"
He tugged him hand which he was still holding.
"Alam mo ang ba kung nasaan ang boardinghouse ko?". Maang na tanong niya.
Tumango ito. "Ihahatid na kita"
Bago ang sandaling iyon, ang buong akala niya ay walang alam ito tungkol sakanya. Pero ang pagkakaalam nito kung swan ang boardinghouse niya ay isang patunay na nagkamali siya. Ang daming tanong na nagsalimbayan sa utak niya nang mga sandaling iyon pero hindi siya makabuo ng sikretong plano kung ano ang uunahing itanong dito.
Sa huli ay pinasya niyang magpatianod na muna rito. Para siyang idunuduyan sa alapaap habang Magkaagapay silang naglalakad palabas ng school premises.Nang marating nila ang gate ng tinutuluyan niyang boardinghouse ay nagpaalam na ito.
"Huwag mo nang isipin pa ang boyfriend mo. You'll get over him soon. Iyong mga ganoong klasi ng lalaki ay di dapat na pag-aksayahan ng luha"
Isagani really believe that he would he'd a single tear illac? Pero tumango na lang siya. Ayaw niyang itama ang iniisip nito. He was enjoying this.
"Good night, Angelo". Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.
"Night, isagani"
Sigurado siyang hindi siya makakatulog nang gabing iyon. Buong gabing iisipin niya kung ano ang nakain ni isagani at parang bigla itong bumait sa kanya.
_________
"Anong nangyari sayo kagabi? Bakit bigla ka na lang nawala?"
"Ako ba ang nawala?". Balik na tanong ni Angelo kay illac kinabukasang magkasabay uli sa break time sa Burger Point.
Illac grinned sheepishly. Mula pa kaninang magsimula sila ng shift ay halatang masayang-masaya ito.
"May good news ba?". Tanong niya kahit halos given na ang sagot at anyone nito.
Niyakap siya nitonang mahigpit at isinasayaw - sayaw pa.
"Nagkabalikan na kami ni cleehn. Effective ang drama natin kagabi"
"Wow, good news nga! So, magbo- blowout ka sa akin mamaya?"
"Pagkatapos ng shift natin, dumaan tayo sa gotohan". Sagot nito.
"Kumuot ang noo niya. "Ang cheap mo naman, sa gotohan mo lang ako ililibre"
Napakamot ito sa ulo. "Wala pang suweldo kasi. Alam mo namang poor tayo. Page hindi fifteen-thirty"
"Sige na, next time mo na lang ako ilibre kapag nakasuweldo na tayo"
"Ang gulang mo talaga"
"Talaga"
"Sinong narinig kong manlilibre?". Tanong ng kararating lang na si Thelma.
"Bakit ang tagal mong lumabas?" Tanong niya rito.
"Kumain pa ako. Sino nga ang manglilibre?"
"Ang lakas naman pandinig mo Thelma" nangingiting biro ni illac
"Basta libre, matalas ang tainga ko. Sino nga ang manglilibre?". Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni illac.
"Nagkabalikan na kayo ng girlf. Este gayfriend mo?" Tumango si illac
"Well, congratulations . tama lang palang ililibre mo kami ni Angelo"
"Teka, bakit kasama ka?"
"Siyempre, chaperone . baka pagseselosan pa kami ni cleehn itong kaibagan natin". Sagot nito.
"Sige na nga. Pero sa suweldo pa, ha?"
Nagkwentohan na lang sila hanggang matapos ang break time . bang bumalik sila sa dining section ay kakaunti na ang mga kumakain. Natapos na kasi ang lunch hour kaya parang hinawi ang mga tao sa dining area. Mangilan ngilang mesa na lang okupado kaya kita niya kung sino ang mga natitira pang customer.
Kapag kuwan at tumunog ang ang bell sa counter . lumapit siya roon para kunin ang tray ng order ng customer.
Palapit siya sa mesang paghahatiran niya ng bibit niyang order ay napatda na naman siya. Si isagani ang umookupa ng mesang iyon.
"Here's your order sir.". Sabi niya habang inilalapag ang pagkain nito sa mesa parang tinatambol ang dibdib niya. Hindi siya pinatulog ng ginagawa nitong paghahatid sa kanya sa boardinghouse ng nagdaang Gabi.
" I see that you did not heed my advice" sabi nito.
Kumunot ang noo niya . his tone was indifferent once again. Malayo iyon sa tila amiable na tono nang nag daang gabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi nakatiis na tanong niya.
Ngnit tila wala itong narinig. Nagsimula na itong kumain. Hindi siya makapaniwalang deadma na naman siya.
______________
Enjoy the reading......

BINABASA MO ANG
ISAGANI ESPERITU ( boyXbox )
RomanceSi ISAGANI ESPERITU ay isang misteryosong lalaki at matalino at pinaka sikat sa kani lang eskwelahan... Na si Isagani ay parating pinagmayabang na sya ang 1st Honor sa batch at room nila Kay Angelo... Ano nga ba ang si Angelo??? ______________