PAGLABAS ni Angelo ng classroom ay nakita niya si Isagani Espirutu. As usual , napapalibutan ng naman ito ng mga babaeng estudyante. Kung hindi sya nagkakamali, hindi nila ka batch ang mga nakapakibot dito.
Hindi na bago sa kanyang ang tanawing iyon. Popular si isagani sa academia de Junterial kung saan pareho silang seniors high school students.
Valedictorian ito nang magtapos sila ng elementary sa mababang paaralan ng junterial.
Consistent first honor ito mula pa noong first year sila. Pambato ito ng eskwelahan sa aba't ibang Quiz bees. Matalino ito pero hindi ito iyong pitikal na nerdy na tao.
Sa katanuyan, Hindi lang talino ang katangiang hinahabol dito ng mga babae at mga bakla. Binibigyan din ito sa looks department. Isagani Espiritu came in a complete package, wika nga. Matalino na ay guwapo pa ito . makarisma ito sa kahit sinong babae at bakla sa akademya.
"Angelo"
narinig nitong tinatawag nito sa pangalan niya bang dumaan siya sa tapat nito. Atas ng kagandahang asal ay nilingon nya ito
" Hindi mo ba ako babatiin?"
Nakangising tanong nito. Lumapit pa ito sa kanya at iniwan ang mga bakla at babaeng nakakapalibot dito. Hindi tuloy mapigilan ng ilang estudyanteng tignan nang masama sa pag agaw nya ng atensyon ni isigani mula sa mga ito.
" para saan ? "
Painosenteng tanong niya. May ideya naman siya kung ano ang tinutukoy nito, but what the hell? Masyado nang bloated ang ego nito.
" top 1 ako ngayon grading period na to "
" ano naman ang bago room?"
Kunwari ay bored na balik tanong nito. Kaanunsyo lang ang class adviser nila ng honor roll kaya alam niya ang tungkol sa sinasabi nito.
Bagaman classmates sila ay naging ugali na nitong ulitin pa sa sakanya ang status nito sa klasi.
Ganoon kahangin sa kanya.
" oo nga naman walang bago roon. First honor ako at second honor ka lang naman "
Nagkibit balikat na lang sya. Hindi naman talaga siya apektado doon kahit pa pangalawa lamang siya rito sa karangalan. Ang importante sa kanya ay hindi siya mawala sa honor roll. Pereho lang kasi silang academic scholar sa academia de junterial.
Pang mayaman ang eskwelahang iyon at hindi kaya ng mga pamilya nilang paaralin sila roon kung hindi kaya sila mga scholar . ang kailangan lang ang ay maintain siya general average na sapat para manatiling nakapag Aral doon.
" Hindi ka bitter na second honor ka lang? " untag nito sakanya.
Umiling sya " ang importante sa akin ay nasa honor roll parin ako. Para Hindi mawala sa akin ang scholarship ." totoo sa loob nya ang kanyang sinabi.
" thankful na nga ako na second honor pa rin ako kahit Hindi ako masyadong nag aaral. Hindi tulad ng iba Jan riyan na ginagawa nang career ang pag aaral. I make sure na nag eenjoy rin naman ako sa buhay estudyante ko"
" sinasabi mo bang ginagawa kong career ang pag aaral?'
"Sa pagkakatanda ko. Wala akong na mention na pangalan " sabi nya. Titignan niya I to: pigil niya ang mapangiti. Namula ang mukha nito kaya alam nyang naasar ito.
"Bakit naman naisip mong ikaw ang tinutukoy ko?"
"Ani.... Matagal pa ba tan? We're waiting for you" tawag dun ng mga fans ni isagani.
"Ani? Wow! Ang sweet" natatawang sabi nya
"Sige na, isagani. Hinihintay ka ng mga fans mo"
Lumalagakpak ang pagtawag niya sa buong pangalan nito. Hindi niya alam kung bakit najaramdam sya ng inis sa mga estudyanteng tumawag ng "ani".
Hindi na niya hinihintay na sumagot pa ito. Itunuloy na niya ang naantalang paglalakad.
kahit na gusto niyang lingunin ito at tingnan kung paano I to makipagharutan sa admirers nito at hindi niya ginawa. Halos manigas ang leeg nya sa pagpipigil na lingunin ito. Bakit naman niya ito lilingunin? Letseng leeg niya.
Hindi niya alam kung bakit mabigat ang dugo sa kanya ni isagani. Baka homopobolic ang gago.
Pinapansin lang siya nito kapag gusto siyang pagyabangan. Kapag sasabihin sa kanya ang status nito sa klase. Isang kakompetesya academically abmng tingin nito sa kanya, gayong hindi namn isang kakompetensya ang tingin niya .
Parehong hindi mayaman ang mga pamilyang pinanggalingan nila. Pareho silang nakatira sa junterial tecknopark kaya bata palang ay magkakilala na sila. At pareho silang umaasa lang sa scholarship para makapag Aral sa private school na iyon.
Pero kahit na pareho sila ng lugar na pinagmulan at estado sa buhay, hindi sila naging close. At hindi niya iyon kasalanan. Mula't sapul pa ay dama nyang mainit na ang dugo nito sa kanya. Na lalo pang nadagdagan dahil mula elementarya ay siya na ang kakopentensya nito sa pagka first honor.
Iyon lang naman naisip nyang dahilan kung bakit ganoon siya kung tratuhin nito o dahil sa kasarian kaya maiinit pakikitungo nya.
Sayang. Dahil ang totoo ay crush na crush niya ito. Kailangan lang niyang itago iyon nang mabuti dahil nasisiguro niyang hindi naman sila pareho ng nararamdaman. Bagaman hindi pa ito nagkaka girlfriend, alam nyang hindi ang isang katulad niya ang gugustuhing ligawan nito. Ang lalaking iyon pa?
At hindi naman nya nito masisisi, literal na pinag aagawan ito ng mga magaganda at mayayamang estudyante at mga baklang fans pa nito sa academia. Kaya paano pa siya nito mapapansin.?
Napabuntong hininga siya. Masaya na siya na kahit paano ay napapansin siya nito . kahit pa nga iyon ay bilang kakompetensya lang sa honor roll....
#haha bagohan lang po ako....

BINABASA MO ANG
ISAGANI ESPERITU ( boyXbox )
RomansSi ISAGANI ESPERITU ay isang misteryosong lalaki at matalino at pinaka sikat sa kani lang eskwelahan... Na si Isagani ay parating pinagmayabang na sya ang 1st Honor sa batch at room nila Kay Angelo... Ano nga ba ang si Angelo??? ______________