chapter 12

2.1K 54 1
                                    

Stupid you para akalaing nagbabago si isagani overnight. Angelo. Baka nagkataong lasing siya kagabi kaya naman mabait siya sayo,
    Sabi lang niya sa sarili pero sumsumpa siyang hindi naman ito amoy-alak nang ihatid siya nito sa boardinghouse. kaya nga siguro umasa siya but he should know better. Last night was exceptional . siguro ay lucky night lang niya nang nagdaang Gabi
   Nanggigil pa rin siya nang pumunta sa lucker ng mga panlinis. Inabutan na niya roon si Thelma. Kumukuha ito ng mop.

"Kilala mo pala ang customer na ton" sabi nito.

"Sinong customer?"

"Iyong dinalhan mo ng order sa number thirteen" sagot niya. "Yung cute"

"Kilala mo yun?". Tanong niya Kay Thelma. Hindi niya napigilan ang sariling maging eager sa pagtatanong dito.

"Hindi ko alam kung and ang pangalan niya . pero lagi kong nakikita. Minsan sa tapat ng store . minsan sa kabilang kalsada kapag break time natin.. Parang may.....". Thelma knitted her browse.

Tumaas ang isang kilay niya.  "Parang ano?"

"Parang may hinihintay siya lagi. Parang lagi siyang may binabantayan......". Kakaiba ang pagkakatingin nito sa kanya   "come to think of it, tuwing makikita ko sya ay lagi kitang kasama. May palagay akong ikaw ang binabantayan niya. Angelo. Gosh,   ikaw na ang panalo bakla.. Goshhhhhhhhhhhhh.... Kilig naman ... Ever" kinilig nga ang gaga.

   Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. Ayaw niyang mabuhay ang kahit na kauting pag-asa sa puso niya. So much for his high hopes last night.

"Imposible iyon, loka. Tumigil ka nga riyan"

"Bakit imposible? Ang sabi mo, magkakilala kayong dalawa. Bakit imposibleng ikaw nga ang binabantayan niya tuwing makikita ko sya? Ngayon ko lang naisip ng mabuti, kaninang nakita kong nag-uusap kayo. Sayo siya nakatingin tuwing makikita ko siya. Topos, kapag napansin niyang nakita ko na sya ay bigla naman syang nawawala"

   Naalala niya bigla ang minsang pagkakataon na nakita niya si isagani sa kabilang kalsada. Hindi nga ba imagination lang niya  iyon?

"You mean, stalker mode?" Aniya niya rito, gusit ang tungki ng ilong.  "Bakit naman niya gagawin yon?"

"Mabuti sigurong sya na lang ang tanungin mo. Ask him why he was stalking you?"

Napatingin tuloy siya sa kinauupuan ni isagani. Muli ay naramdaman niya ang pagkalito sa pakay nito. He silent groaned. Pahirap talaga sa kanya ang pag-analisa Kay isagani.

    Hindi na siya nabigyan ng pagkakaton upang tanungin si isagano. Nang tumayo ito pagkatapos kumain ay nag seserve na naman siya ng pagkain sa ibang customer.

    Buong shift tuloy siyang nag-iisip tungkol sa sinabi ni Thelma na palagi nitong nakikita si isagani. At para diumanong binabantayan siya ng binata.
  
    Naalala tuloy niya noong isang gabing nakita ito sa party. Walang dudang sinundan nito si illac kaya alam nitong kasama nito ang gayfriend nito.

   Bakit naman nito gagawin iyon? Why would he go all the trouble to stalk Angelo? Sa pagkakaalam niya ay wala itong ka- concern - concern sa kanya. 
    

    Dala niya ang isiping iyon hanggang matapos ang shift niya. Dumiretso siya sa boardinghouse niya para makapagpahinga siya.

"Angelo!"

"Ma" bumilis ang mga hakbang niya papunta sa receiving room ng boardinghouse nang makita niya ang kanyang Ina. Iyon ang unang pagkakataon na pinuntahan siya nito room.
"Ano ho ginagawa nyo rito?"
     Napansin niyang naging mahilap ang mga Mata nito.

"Pagsasabihan Sana kitang huwag ka munang uuwi sa little junterial, anak"

"Bakit ho? May nangyari po ba?" Nag-aalalang tanong  niya.

"Medyo nagkakagulo kasi room ,anak. May mga dumating kasing tao roon. Sinasabing pinapaalis na raw tayo ng may Ari ng lupa. Ibebenta na yata sa mga negosyanteng koreano Yong little junterial at patatayuan ng dambuhalang pabrika. Mas safe kung hindi ka na muna uuwi roon "

"Akala ko ho, ibinigay na sa mga residente roon ang titulo ng mga lupang kinatitirikan ng mga bahay natin doon?" Iyon ang pagkakaalam ng mga nakatira doon.

"Sa pagkakaalam  nga ng lahat ay na Kay tandang  senen ang titulo ng buong little junterial. Nakikipag -usap na siya sa emisaryo ng may Ari saw" sagot nito .

"Eh, paano ho kayo room? Bakit hindi safe para sa inyo. Mabiti pay huwag na rin muna kayong umuwi roon....."

"Naku! Iyon naman ang hindi pwedi. Baka magkaroon ng demolisyon, paano naman ang mga gamit natin? Mabuti ako na lang ang nasa bahay"

"Pero, ma-----"

"Pumunta ako rito para sabihin sayo na huwag ka na munang umuwi sa atin, anak. Tutal naman ay may trabaho ka rin dito. Ang pag-aaral mo at trabaho na lang muna ang asikasuhin mo. Habang hindi pa humuhupa ang tensiyon sa atin, ako na lang ang dadalawa- dalaw sayo rito. Huwag mo akong alalahanin, naroon sina khaddafi para pangalagaan ang mga residente roon."

"Kayo ho bahal". Kahit paano ay napanatag siya. Alam niyang hindi pababayaan ni kuya khaddfi niya ang mama niya anuman ang mangyari.

__________

''Magbigayan kayo ng kapayapaan"
  Pagkasabi roon ng pari ay isa - isang binati ni Angelo ang mga katabi niya.

"Peace be-----"

Umuwang ang bibig niya nang lumingon siya para mag "peace be with you " sa nasa likuran niya .

"Peace be with you"




______________________________

Sino Maya iyon. Enjoy po kayo sa pagbabasa...

   Sorry sa late updated hina ng net eh. Gusto Kong I publish pero hindi kaya mg signal sa lugar na pinuntahan namin.

Enjoy the reading

ISAGANI  ESPERITU  ( boyXbox )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon