"Isang milyon, patayin mo ang politikong may dugong chimera," utos sa akin ng bago kong kliyente.

Inilabas ko ang dila ko para at binelatan siya. Seryobso ba siya? Isang milyon, kapalit ng serbisyo ko? Professional ako, kaya higit pa sa isang milyon ang talent fee ko.

"Dalawang milyon, ako ang kailangang manalo sa eleksyon!" sigaw ng kliyente ko.

Inirapan ko siya. Sa tingin ba niya ordinaryong assassin lang ako? "Sisiguruhin kong mamamatay ang kalaban mo at mananalo ka sa eleksyon kung mababayaran mo ako ng 30 million US dollars. To be honest, dapat 50 million ang bayad sa assassination, plus 30 million kasi chimera pa ang target," paliwanag ko. Ewan nalang kyng hindi pa niya iyon naintindihan.

Nakanganga siya na mukhang hindi pa napaprocess ang mga sinabi ko. Hindi nga niya naintindihan. Ano ba naman ito?! Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa lamesa niya. "Kung ganyan lang ang budget mo, dapat sa mga cheap na assassin ka nalang humingi ng tulong. I am sorry, Mr. Reeves, but my service and loyalty is not for you who can't afford it."

Nagtaas siya ng kamang kamao niya. Parang code iyon dahil, pinalibutan ako ng mga gwardiya niya na naglabas ng mga baril. Seriously? Nasa anim lang 'ata ang mga ito, hindi sapat para patumbahin ako.

"Sobra na ang pang-iinsulto mo sa'kin, Sigfried Van Der Velden. Kailangan mong matuto ng leksyon," pagbabanta ng kliyente kong politiko sa akin habang nakangisi.

"Bring it on," panghahamon ko.

Mabilis na sumugod ng sabay-sabay ang mga gwardiya sa akin. Mabilis ko rin hinugot ang mga baril ko.

~~~~~

"Natagpuan ang senador na si Hardent Reeves na patay sa kanyang opisina, kasama ang kanyang anim na body guards na naliligo sa kanilang sariling dugo. Walang kasiguru...-"

Pinatay ko ang TV sa apartment ko. Pag-uusapan nila ngayon, malilimutan din matapos ang ilang araw. Atleast nabawasan ng isang kandidato sa eleksyon, at isang kurap ang nawala.

May isang kandidato na chimera. Sigurado nang matatalo siya kahit gaano siya kabuting nilalang. Simple lang, kahit gaano siya magpakatao, hayop parin ang tingin sa kanya. Literal. Ang isang chimera ay isang nilalang na kalahating tao, at kalahating hayop. Ang senador na tumatakbo sa pagkapangulo ay isang chimera. Sigurado na kapag nanalo siya ay isusulong niya ang mga katapatan ng kapwa niya chimera. Dahil sa pag-unlad ng science, ang daming natutuklasan. Dahil sa mga kung ano-anong ginagawa nila, nagkaroon ng mga bunny ears ang mga tao, matutulis na pangil, colorful na mga mata o kaya naman printed na balat. Iniisip ko kung ano ang pakiramdam na mayroong cat ears, mukhang maganda iyon. Ang lakas maka-astig.

Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang likuran ko sa malambot na sofa. Nagagawa ko lang magkaroon ng mga ganitong gamit dahil maganda ang bayad sa akin sa trabaho ko. Kung tinanggap ko ang trabaho sa isang fastfood chain, malamang mas mahirap pa ako sa daga ngayon. Sayang ang mga skills ko kung hindi magagamit sa tama.

Biglaang tumunog ang cellphone ko. Halos malatalon ako sa gulat dahil sa ingay ng instrumental ng kantang Psychosocial. Mapalitan na nga ito bukas. Isa lang naman ang nakakaalam ng number ko. Ang boss ko. Wala kasi akong mga friends na pwede makatextmate. Uso pa ba ang textmate? Wala rin kasi akong social networking site accounts para makipagchat. Kailangan kong panatilihin ang pagiging pribado ng buhay ko. Requirement iyon sa trabaho kaya kahit gaano ko man kagusto ishare ang mga cute kong selfie sa mga tao, hindi pwede. Kahit gusto kong makiuso at maghashtag ng #MissionCompleted habang nakikipagselfie sa bangkay ng isa kong target, hindi talaga pwede.

"Hi," pabati ko sa tumawag. Tulad nga ng sinabi ko, iisa lang ang tumatawag sa number ko, si boss na gumagamit ng voice modulator kaya naging kaboses ni Darth Vader sa phone call.

"Sigfried," panimula ni boss. Siyempre, hindi naman siya sweet para bumati ng 'hi' or 'hello' o kahit simpleng pangangamusta lang kung na-injured ba ako. "Pinatay mo si Senator Reeves."

"Wala siyang pambayad sa akin, pinagbantaan pa niya ako," depensa ko. Natatawa ako kapag naaalala ko na pinagbantaan niya ako.

"Hindi mo man lang nilinis ang kalat na ginawa mo."

"Ang kalalabasan n'un, isa sa kapwa niya politiko o kalaban niya sa eleksyon.

"Tama ka." For the first time, tinanggap din niya na may tama rin ako! Goodbye world na ba ito? "Kaya nga gusto kong ayusin mo ang ginawa mong kalat. Tumawag si Senator Erbluen para sa protection request."

"At ako ang ipapadala ninyo?"

"Oo."

"Ah...sir, may balita na ba tungkol kay...-"

Hindi na nga siya sumagot, hindi pa niya ako pinatapos. Why you gotta be so rude?

Si Marxial Erbluen, ang politikong chimera. Siya ang laging pinag-iinitan ni Reeves sa tuwing may congress meeting. Kaya sigurado na sa kamatayan ni Senator Reeves, siya ang unang paghihinalaan. Isa pang possibility ay ang pangunguna ni Reeves sa poll. Pumapangalawa si Erbluen. Pero dahil sa galing ng pananalita ni Erbluen ay nakuha niya ang loob ng mga tao, dahil sa pangako niyang equality for humans and chimera. Dahil doon, halos nagpantay na ang ratings nila sa poll. Hindi na nila inaalintana kung isa mang malaking tao si Erbluen na may malaking bunny ears na color gray at two front teeth. Gusto ko din ng ganun. Kasi mayroon akong matulis na left canine at maputlang complexion kaya ang dating ko, bampirang bungi o kinulang ng ngipin dahil nga mas matulis ang isa kong canine. Madalas na sinasabi ng best friend ko noon na si Jacob na mukha akong chimera dahil sa pangil at mata ko.

Jacob. Nasaan na kaya siya? Anim na buwan na ang makalipas magmula nang mawala siya. Hanggang ngayon, wala parin akong clue kung nasaan siya. Tuwing itatanong ko naman kay boss, laging walang sagot o wala pang balita.

Sunod ang pagbeep ng cellphone ko dahil sa pagdating ng isang message.

Morriston Building
30th floor, room 3007

Ito ang address ni Senator Erbluen. Kinuha ko agad ang leather jacket ko at inayos ang sarili ko. Bago pumunta kay Erbluen, kakain muna ako. Huwag siya pa-importante. Hindi ko siya mapoprotektahan kung gutom ako o nanlalambot. Teka nga, wala rin naman siya sinabing oras o araw.

Magaling, bukas nalang 'yan. Baka maubusan pa ako ng happy meal sa McDonald's ngayon kaya kailangan ko din na magmadali.

Chimera HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon