Pinatay nila ang ilaw at lumabas na sila sa kusina habang gumagapang para makaiwas sa mga mata ng gunman.

Ipinikit ko ang kanang mata ko. Kapag nakabukas ito, mas malaking energy ang nawawala sa akin. Mas madali ako nanghihina.

Agad akong lumapit sa bintana at mabilis kong in-assemble ang riffle na nasa backpack ko at tiningnan ang scope doon para maghanap sa paligid kung nasaan ang gunman. Madali ko lang siya nahanap. Sakto naman na pagkahanap ko sa kanya, nagpaputok agad ng gunman. May silencer ang baril niya kaya naman hindi nataranta ang mga tao sa kalapit na unit. Maiinay na tunog lang ng nabasag na bintana ang maririnig. Ang kalalabasan, nag-aaway lang ang mag-asawa dito.

Siguradong hindi alam ng gunman na wala na sila Erbluen dito sa kusina dahil tuloy parin ang pagbaril niya. Amateur. Isa lang ang direksyon ng pagbaril niya, madali talaga malalaman ang direksyon niya kahit hindi gumamit ng scope para mahanap siya, pero kailangan ko ng scope para maasinta siya.

Nang maayos ko ang posisyon ko, hindi na ako nag-aksaya ng oras at binaril ko agad siya. Mukhang tinamaan siya dahil nanahimik ang paligid.

Nakiramdam pa ako. Ipinikit ko muna ang mga mata ko para makaipon ng lakas. Ang laki ng energy na nacoconsume ko tuwing gumagana ang foresight ability ko. Sumpain ang matang ito. Binuksan ko ulit ang mga mata ko para tingnan ang paligid. Naging slow-motion ulit ang paligid. Nakita ko na mayroong dalawang tao na babasag sa bintana para umatake. Ipinikit ko ulit ang kanang mata ko at nagmadali na lumayo sa bintana.

Sampung segundo ang kayang makita ng foresight ko. Sampung segundo bago ang aktuwal na eksena.

Nakita ko na ang paglapit ng isa sa mga taong susugod. Bago pa man siya makalapit sa bintana, binaril ko agad siya kaya napabitaw siya sa tali na ginamit niya para makalambitin papunta dito sa bintana. Sakto naman na dumating pa ang isa at nagtagumpay siya sa pagsira sa bintana at pagpasok dito sa loob. Dahil doon, naging mas malinaw sa akin ang anyo niya. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng ninja costume. May hawak pa siyang dagger sa magkabilaang kamay niya. Seryoso?

Agad niya akong inaake gamit ang isang dagger, pero nakaiwas ako. Ginamit ko ang riffle ko para salagin ang mga atake niya. Matibay ang riffle ko na gawa sa Auricalcum o isang uri ng metal. Kahit gasgas hindi niya magagawa.

Gamit ang isa niyang kamay na may hawak ring dagger, agad niyang sinaksak ang kanang braso ko. Mabilis siyang kumilos, kaya ko siya tapatan sa bilis kung nasa normal na level ng lakas ko ngayon. Pero hindi ibig sabihin, hindi ko siya kayang talunin.

Dumistansya ako saglit at naghanda na paputukan siya. Unang bala, diretso at sa kanan niya.  Effective, umilag siya pakaliwa. Sunod na bala sa kaliwa. Umilag ulit siya, pero hindi niya nakita ang huling bala na patungo sa sentido niya. Bumagsak siya. Naghintay pa ako ng limang segundo kung gagalaw pa siya. Hindi na siya gumalaw.

Kinuha ko ang phone na nasa bulsa ko na dinial ang number ni boss. "May mga sumugod dito kay Erbluen. Pakilinis ang dalawang bangkay na nasa labas ng building niya. May isa pa dito sa loob. Safe ang client."

"Sige, magpapadala agad ako ng tauhan diyan," sabi ni boss bago ihinto ang tawag.

Lumabas ako ng kusina at tinawag sila Erbluen na nagtatago sa isang kwarto.

"May sugat ka," sabi ni Mrs. Erbluen nang makita niya ang dugo sa braso ko.

"Wala 'yan. Sinugod kayo ng tatlong ninja assassin. Wala munang papasok sa kusina. Hintayin natin ang maglilinis ng bangkay."

Tinitigan nila akong tatlo na para bang takot sa kung ano man ang nagawa ko. Nakapatay ako, ano ngayon? Hanap buhay ko ito.

Wala parin sa kanila ang nagsalita.

Chimera HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon